CHAPTER 30

276 28 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Kinagabihan, nagising naman ako dahil sa balahibo ni Maui dahil ikinikiskis niya ang pisngi niya sa pisngi ko.

"Asan na si gurang?" Tanong ko sa sarili ng mapansing wala na si gurang sa tabi ko.

"Meow" sabi ni Maui pero wala naman akong naintindihan kaya kinarga ko na lang siya saka ako pumunta sa kusina dahil akala ko nandoon si gurang pero wala naman pala.

"Chocho?" Tawag ko kay chocho at agad naman siyang lumapit saaken. "Where's your master?" Tanong ko sakanya.

"He said he's going somewhere and he said that don't worry about him, and don't wait for him tonight because he'll just go home" sabi niya kaya napakunot naman ang noo ko.

"Abnormal na gurang na 'yon, sabing magpahinga na muna ehh" Sabi ko sabay kamot sa batok ko at papasok na sana sa banyo ng biglang may nagdorbell kaya lumabas naman ako ng bahay at agad namang sumunod saaken si Maui

"Hi Lucas!" Bungad ng isang magandang babae pagbukas ko ng gate pero natigilan siya ng makita ako.

Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa kaya bigla naman akong nainsecure sa sarili ko. Ehh paano mahaba ang buhok niya naka crop top na puti at malaki ang hinaharap, sobrang puti, pati pusod, naka sobrang ikli na paldang itim at naka hanggang tuhod na medyas at naka high heals na boots, at wow ha ang gara ng bag.

"Sino ho sila?" Tanong ko habang nakakunot ang noo ko

"Mwolagoyo?" Nakakunot noong sabi niya kaya ngumiwi ako. Bigla namang ngumiyaw si Maui ng sobrang haba sabay takbo papasok ng bahay ni gurang kaya nagtaka ako. (What?)

Anyare sa pusang 'yon?

Napatingin ulit ako dito sa babae at mukhang koreana ata 'to kaya hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Nuguseyo?" Sabi niya kaya napa huh na lang ako. (Sino ka?)

"Ssibal yeogiseo mwohae?" Nagitla naman ako ng biglang nagsalita si gurang mula sa likuran ko at mukhang galit siya dahil sa tono ng kanyang boses. (What the fvck are you doing here?)

"To see you" nakangiting sabi nung babae.

"Ahh s-sino siya?" Tanong ko kay gurang kaya tinignan niya naman ako bago siya lumapit saaken at bumulong.

"Pumasok ka muna, I'll talk to you later hmm" sabi niya saka ngumiti kaya tumango na lang ako at naglakad ng dahan-dahan papasok. Pero napalingon ulit ako sakanila at nakangiti pa rin saaken si gurang habang yung babae naman nakataas ang kilay saaken.

"Is that you maid?" Rinig kong tanong nung babae kaya napalaki ang mata ko kaya lumingon ulit ako pero lumabas na si gurang ng gate kasama ang babaeng 'yon kaya napailing na lang ako bago pumasok sa loob.

"Hi, Ate Lalaine!"

"Ayy pusang gala!" Gulat kong sabi kasabay ng pagtalon ng konti nang biglang may bumati saaken. "S-sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Nagtataka kong tanong sa batang babae na mukhang nasa twelve years old.

"Ahh kasama ko po si kuyang pogi, yung naka coat po hehehe sinama niya ho ako dito kase wala na po akong magulang ehh" magiliw niyang sabi kaya unti-unti naman akong lumapit sakanya.

"Talaga? Bakit ka naman dinala nung taong 'yon dito?" Tanong ko.

"Dito na daw ho ako tumira para daw po may kasama kayo, ang bait niya po saaken ehh" nakangiti niyang sabi.

MY SPECIAL CAT Onde histórias criam vida. Descubra agora