CHAPTER 20

315 34 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LUCAS POV

I just frowned as I looked at the two of them while placing my both hands in my pants pocket.

"Gurang, kailangan mo na ulit maging pusa kung gusto mo pang maging tao ulit bukas ng umaga" Shainna suddenly appeared by my side. "Hayaan mo muna silang dalawa" she added.

Sa huling pagkakataon tinignan ko ulit si Danico bago nagsalita.

"I'm going somewhere, pauwiin mo na 'yan. He's drunk" sabi ko at nilagpasan sila. "Hey Shainna, give me ten more minutes, I'll just cook for a dinner for Lalaine. Sinabi ko 'yon kanina sakanya." sabi ko kay Shainna at tumango naman siya.

LALAINE POV

Pag-alis ni gurang itinayo ko naman si Danico ng maayos at kukunin ko na sana ang phone ko ng magsalita siya.

"Kayo na ba ni Lucas?" Lasing niyang tanong.

"Kailangan mo ng umuwi, lasing na lasing ka na ohh" sabi koat  agad ko naman siyang inalalayan ng dumausdos siya sa kotse niya.

"Answer my question Lalaine, kayo na ba ni Lucas?"

Napapikit naman ako bago ko binuksan ang pintuan sa passenger seat katabi ng driver's seat.

"Lalaine" tawag niya saaken sabay hawak sa kamay ko ng mailagay ko siya sa loob.

Ang bigat!

"Matulog ka na lang jan, ihahatid na lang kita sainyo" sabi ko.

Pero napaisip naman agad ako, nandoon pa kaya siya sa dating niyang bahay nakatira? Aishhh! Bakit ba kasi pumunta pa siya dito?

Nilingon ko naman ulit ang bahay ni gurang at nayayamot na napakamot sa batok. Hindi ko naman pwedeng iwan 'tong bahay ni gurang kasi may pupuntahan daw siya.

Ayygho!!

Tinignan ko naman ulit si Danico at nakita kong nasa bulsa ng pantalon niya ang cellphone niya kaya kinuha ko naman 'yon para matawagan ang driver niya, kung meron man.

"You know what Lalaine, I still love you" natigilan naman ako sa sinabi niya at tinitigan siya sa mukha.

Nakamulat ang mata niya at titig na titig rin saaken, nagitla naman ako ng bigla niya akong hilahin papalapit sakanya at himwakan niya ang kabilang pisngi ko at hinaplos 'yon.

"Lasing ka lang" sabi ko at tinabig ang kamay niya at umayos ng tayo bago kinalikot ang cellphone niya.

"I still love you Lalaine, I... still love you. Ikaw pa rin hanggang ngayon ikaw lang." sabi niya at napapikit naman ako at napalunok saka pinagpatuloy ang paghahanap ng number ng driver niya.

At ng makita ko yung pangalang driver  na nakalagay sa contac list niya, agad ko naman yung tinawagan.

"Hello sir?" Sagot niya agad.

"Uhmm kuya si Lalaine po 'to kaibigan niya, nandito ho kasi si Danico sa tapat ng bahay, lasing po puwede niyo ho ba siyang puntahan dito?" Sabi ko.

"Lalaine no! Don't sent me home I... I want to be with you" rinig kong sabi ni Danico kaya natakpan ko yung speaker ng cellphone niya para hindi marinig ng driver niya.

"Ma'am?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Uhmm kuya I-text ko na lang po sainyo ang address ha" sabi ko.

MY SPECIAL CAT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon