CHAPTER 41

234 18 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

"My love, maraming salamat dahil dumating ka sa buhay ko, at siguro kung hindi kita nakilala, arogante pa rin ako tulad ng dati." Sabi niya ulit saka nagsimulang naglakad papalapit saaken habang malapad ang ngiti. "You're the best gift I ever had" dagdag niya pa kaya napangiti naman ako bago tumayo.

"Napaka ano mo! Sabi nila nasa trabaho ka" sabi ko at kita ko namang inalalayan ni Jake si lola palayo saamen.

"Well that's a lie, my love hahaha" sabi niya ng hindi na hawak ang mikropono. "Handa akong tiisin ang pagiging pusa ko para pagbayaran lahat ng mga kasalan ko, at pangako na kapag naging normal na tao ulit ako, aalagaan at mamahalin kita ng sobra" sabi niya sabay bigay ng tatlong rosas saaken.

"Sobra-sobra na nga 'yong binibigay mo saaken ehh. Tsaka 'wag naman yung sobra, tama lang, baka mabaliw ka hahahaha" sabi ko at tumawa din siya.

"I love you. Makalimutan ko man na sabihin sa 'yo 'yan araw-araw, gusto kong malaman mo na dito..." Sabi niya sabay turo sa dibdib niya. "Hinding-hindi ko makakalimutan kung gaano kita kamahal, at ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay pangako 'yan." Dagdag niya pa bago tumalikod saaken.

"Me" sambit ko sa nakasulat sa likuran niya kaya humarap ulit siya saaken bago dahan-dahang iniluhod ang isa niyang tuhod, may inilabas siya mula sa bulsa niya kaya napayuko naman ako kaya nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Will you marry me, my love?" Nakangiti niyang tanong kaya bigla naman akong naluha.

"Paano kung sabihin ko ayaw ko?" Biro ko kaya sumimangot naman siya.

"My love naman ehh, hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo ha" parang batang sabi niya kaya hinawakan ko naman ang isa niyang kamay para patayuin siya. "Hmm! Hindi ako tatayo hanggat hindi ko naririnig sagot mo" nakanguso niyang sabi kaya natawa ako.

"Hahahaha ang cute-cute talaga ng boyfriend ko–"

"Correction! Your soon to be husband, my love" may pagkasarkastiko niyang sabi.

"Ohh sige asawa na lang para maganda. Pusang asawa hahahaha, tumayo ka na jan at oo lang din naman ang sagot ko" nakangiting sabi ko.

"Napaka romatic na my love ohh, sinisira mo" nakanguso niyang sabi kaya tumawa ako.

"Hahahahahaha oo na nga kase, tumayo ka na jan ang dami mong drama ehh hahahahaha" natatawa kong sabi pero nakanguso pa rin siyang tumayo.

Kaya naman binitawan ko yung mga bulaklak na hawak ako saka ako tumingkayad bago ko ikinawit ang dalawa kong braso sa leeg niya at hinalikan siya sa labi kaya rinig ko naman ang sigawan ng mga tao sa paligid namen.

Ilang segundo lang itinagal ng halikan ko siya saka ako bumitaw at nakangiti ko siyang tinignan.

"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, Lucas" matamis na ngiti kong sabi sakanya.

"Awww ang tamis naman non, here let me wear this to you" nakangiti niyang sabi kaya hinawakan niya naman ang kamay ko bago nilagay sa daliri ko yung singsing, kaya pinagmasdan ko naman 'yon bago ko siya tinignan ulit. "I love you more than you do" sabi niya bago ako siniil ulit ng halik sama hinawakan sa bewang.

*****

"Yipieeee!! Bayaw na nga kita, bayaw!" Masayang sabi ni Jake habang naglalakad kami papunta doon sa sasakyan ni gurang.

"Hahaha jusmiyo kang bata ka ang ingay mo" sita sakanya ni lola.

Nakangiti lang akong nakatingin sakanila habang nakahawak sa braso ni gurang.

MY SPECIAL CAT Where stories live. Discover now