CHAPTER 37

203 24 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Araw na ng linggo at kaninang umaga namasyal-pasyal lang ulit kami dito sa farm ni gurang at puro kalokohan naman ang ginagawa ng mga kapatid ko kasama si gurang.

Si Danico hindi pa naman raw siya aalis kaya nandito pa siya at nakikisabay sa mga kakulitan ng mga isip-bata hahahahaha.

Hapon kami uuwi dahil bukas ko na malalaman kung pasado ba ako o hindi jusme! Ihahatid din namen si lola sa probinsya pati ang dalawa kong kapatid mamaya. At heto kami ni gurang nag-aayos na ng mha gamit.

"What if doon na lang din sila tumira? Para mas masaya diba?" Tanong ni gurang kaya nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin.

"Hindi" sabi ko. "Maghahanap na lang ako ng matutuluyan nila malapit doon sa papasukan nilang university dito" dagdag ko.

"Aalis ka din sa bahay?" Nakanguso niyang sabi.

"Aba hindi naman pwedeng nandoon ako habang buhay–"

"I have a condo near at the university, doon mo na patuluyin sila lola pero 'wag ka lang aalis sa bahay, my love. Libre na 'yon sakanila, then ako na magpapasok sakanila sa magandang university." sabi niya kaya naglakad ako papalapit sakanya saka nilagay sa bewang ko ang dalawa kong kamay.

Nakaupo kasi siya sa kama at may hawak na damit ko at tinutupi 'yon.

"Hindi pwede. Ano ipapalugi mo yung condo mo ha? Wala ng libre sa panahon ngayon gurang 'no, tsaka kapatid ko 'yon, bakit ikaw ang magpapasok sakanila sa university?" sabi ko at inirapan niya naman ako, umatras ako ng konti ng tumayo siya.

"I just want to help you" malumanay niyang sabi kaya bumuntong hininga naman ako.

"Kaya ko ok, para naman kila lola, at gusto ko silang alagaan at pagsilbihan hmm, kaya ko 'to" malumanay ko din na sabi habang nakatingala ng konti sakanya.

"I know my love, I know" sabi niya saka hinawakan ang magkabila kong balikat at inikot ako saka ako pinaupo sa kama,  niluhod niya naman ang kanyang tuhod sa sahig at siya na ngayon ang nakatingala saaken. "But a little help is not that bad right? Nag-aalala lang naman ako sa 'yo, ayokong pinapagod mo ang sarili mo at ayokong nakikita kang napapagod. You have done a lot for them, give yourself a break once in a while. I'm here next to you and let me help you, you can't do all the work, give the rest to me. And we will work together from now on hmm" mahaba niyang dagdag havang inaayos-ayos ang hibla ng buhok ko at dinadala sa likod ng tenga ko.

"Ang kulit mo 'no?" Tanging naisagot ko saka ko tinulak ng mahina ang noo niya gamit ang hintuturo ko na ikinatawa niya.

"So?" Tanong niya bago niyakap ang bewang ko kaya dumidikit yung ulo niya sa dibdib ko dahilan para magulat ako, mukhang napansin niya naman 'yon kaya itinayo niya na lang ako saka niyakap habang nasa bewang ko ang mga kamay niya.

"Ako magpapasok sakanila sa university at ako na bahala sa pag-aaral nila at sa pagkain nila lola at ako rin gagastos sa mga pangangailangan nila" sabi ko.

"Then pumapayag ka na doon sila sa condo ko?" Tanong niya kaya bumuntong hininga ulit ako.

Hindi ako sanay na may tumutulong saaken at hindi rin ako tumatanggap ng tulong mula sa ibang tao kaya mahirap para saaken 'to. Pero... hindi naman ata masamang bumitaw ako ng isa sa mga responsibilidad ko diba? Tutulong pa rin naman ako.

"Oo na basta hanggang doon lang, wala ng iba" sabi ko kaya sinilip niya naman ang mukha ko at hinalikan ng mabilis sa labi.

"Yes, my love" sabi niya at sumaludo pa kaya natawa ako.

MY SPECIAL CAT Where stories live. Discover now