CHAPTER 15

382 35 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

"Maui, kumain ka na kasi" sabi ko at pilit na nilalapit kay Maui yung pagkain niya pero iniiwasan niya lang. "Tch ano ba'ng nangyare sa 'yo at ayaw mong kumain?" sabi ko saka tumayo at nagkamot ng ulo.

"Meow" sabi niya habang nakatingin saaken sabay layas sa harapan ko kaya napakunot naman ang noo ko.

Problema non? Pero teka nga, bakit wala pa rin hanggang ngayon yung gurang na 'yon?

Ayoko namang kausapin si chocho kasi mukhang dudugo ang ilong ko tae 'yan. Pumasok na lang ako sa kwarto ko at pumasok ng banyo para maghilamos at matulog na din.

Paglabas ko ng kwarto nagulat ako ng makita si Maui na nakahiga sa kama at parang hinihintay akong lumabas ng banyo.

"Meow" sabi niya at naglakad palapit sa bag ko na parang may gustong sabihin.

"Anong kailangan mo jan ha?" sabi ko at lumapit sakanya bago ko kinuha yung bag ko at binuksan 'yon.

"Meow" napatingin naman ulit ako sakanya ng tapikin niya yung kama na parang sinasabi na ilapag yung bag ko doon kaya nawirduhan ako. Anyare?

Tinignan ko naman siyang pumasok sa bag ko at nagulat ako ng kagat-kagat niya ng paglabas ng bag ko yung sandwich na bigay saaken ni bakla kanina at binuksan yung plastic gamit ang ngipin niya.

Binaba ko naman siya dahil mukhang kakainin niya 'yon at tama nga ako, yun ang gusto niyang kainin. Sa pagkakaalam ko ayaw niya ng ganyang pagkain pero bakit ngayon parang nag-iba bigla? Nakakapagtaka.

Hinayaan ko na lang siyang kumain sa baba at ng matapos siya tumaas ulit siya sa kama ko at biglang humiga saka ipinikit ang mata. Ako naman nilinis yung kinainan niya bago nahiga na din.

"Good night, Maiu" sabi ko at hinaplos ang ulo niya pero tulog na tulog na siya.

Napakawirdo ng pusang 'to ngayon.

LUCAS POV

"Hmmm" I groan when I felt something  heavy on my feet.

Napamulat naman ako ng mata at agad na bumungad saaken ang mukha ni Lalaine kaya nagulat ako at napatayo ng biglaan.

What the hell! Why did I sleep beside her?! Napatingin naman ako sa sarili ko ng makaramdam ako ng lamig at pagtingin ko sa sarili ko...

"What the–" pinigilan ko naman ang sarili kong sumigaw ng makitang hubo't hubad ako kaya dali-dali ko namang hinigit ang  kumot ni Lalaine at gumalaw naman siya pero hindi nagising kaya dali-dali naman akong tumakbo palabas ng kwarto niya.

"Good morning, master"

"Ohh god!" gulat kong sabi at napatalon ng makita ko si chocho sa harapan ko.

"What are you doing in Ms. Lalaine's room master? And why you have a blanket in your body?" magkasunod niyang tanong.

"Don't mind me, cook me a breakfast" sabi ko at dali-daling pumunta sa kwarto ko.

What the hell! I sleep without any clothes!? What the hell!

"Shainna, you brat!"

"Tinatawag mo ba ako?"

"GOSH!" napatalon ulit ako at nabitawan ko ang hawak kong kumot.

"Yuck gurang! Wag ka namang maglive p*rn dito! Umagang-umaga ehh" she said and close her eyes using her hand kaya agad ko namang dinampot yung kumot ko.

MY SPECIAL CAT Where stories live. Discover now