CHAPTER 31

267 32 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

"Aloha, mauna na ako sa 'yo ha" paalam ko kay Aloha habang nasa may gate na kami netong university.

"Sige lang, palagi mo naman akong iniiwan ehh" sabi niya.

"Eto naman, babawi na lang ako sa susunod ha" lambing ko sakanya ay kinawit ang brado ko sa braso niya.

"Oo na! Oo na! Basta kapag kayo nagkatuluyan nung poging 'yon, ako ninang ng magiging anak niyo bwahahahahaha" sabi niya kaya hinampas ko ulit siya.

"Ang layo pa ng araw na 'yon hahahaha" sabi ko pero huminto kami ng may magsalita galing sa likuran namen.

"Excuse me" napalingon naman kami ni Aloha ng marinig 'yon at biglang nawala ang ngiti ko ng makita si Gia. "Uhmm can you step aside? You're blocking the way ehh" sabi niya pa kaya kinunutan ko naman siya ng noo.

"Aba–"

"Hayaan mo na 'yan" sabi ko at hinila na si Aloha pagilid.

"Thank you" nakangiti niyang sabi pero ng lumagpas siya saamen umirap naman ako.

"Napakasalbahe ng ugali, ang laki-laki ng dadaanan ehh" sabi ni Aloha habang nakatingin pa rin kay Gia.

"Ganyan ata talaga 'yan, ohh siya mauuna na ako at baka umuusok na yung tenga nung gurang doon hahaha" sabi ko sabay bitaw sa braso niya ng may huminto ng tricycle sa harapan namen.

"Oo sige na at baka unahan ka nung malditang 'yon" sabi niya kaya tumawa lang ako at kumaway sakanya.

Naikwento ko na din kasi yung nangyare kahapon sakanya at talaga namang anti-Gia agad siya hahahahaha.

Pagdating ko sa harap ng kumpanya ni gurang agad naman akong bumaba at naglakad papasok.

"Oww hi again!" Napalingon ako ng marinig ang boses ni Gia kaya napakunot naman ang noo ko bago dumiretso sa paglalakad, pero mayamaya lang naramdaman ko na lang siya sa tabi ko. "What are you doing here?" Nakangiti niyang tanong saaken.

Napapikit naman ako ng mariin. Jusko! Isa pang 'tong nakaka dugo ilong ehh!

"I'll just pick up my husband" nakangiti ko ring sagot sakanya.

"Who's husband? It's not Lucas isn't it? Because his brother said your just her secretary" sabi niya at diniinan pa ang pagkakasabi ng secretary.

"Kukurutin ko 'to sa hita, ako nanggigigil na dito sa babaeng 'to" pabulong kong sabi saka ki pinindot yung elevator ni gurang at siya doon sa kabila.

"Why are you entering Lucas's elevator?" Tanong niya kaya napahinto naman ako sa pagpasok at hinarang ang paa ko sa pintuan nung elevator ni gurang bago ngumiti kay Gia.

"Aren't you informed? I was the only one he allowed to enter here, because I'm his wife" nakangiti kong sabi bago pumasok sa loob ng elevator at ngumisi.

Papasarado pa lang ang elevator ng bigla niyang iharang ang kamay niya saka siya humakbang papasok.

"Can I–"

"Get out of my fvcking elevator" madiing sabi ng isang tao mula sa likod niya kaya napadungaw naman ako at nakita ko si gurang na masama ang tingin kay Gia.

"Lucas! Oww hi" lingon sakanya ni Gia at yayakapin na sana sits ng umiwas siya sabay pasok dito sa loob at bigla akong niyakap.

Nakita ko naman na natigilan si Gia at napatitig na lang sa likod ni gurang hanggang sa sumarado na yung elevator.

MY SPECIAL CAT Where stories live. Discover now