CHAPTER 39

219 25 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

"Ayos ka lang ba iha?" Nang marinig namen ang boses ng mommy ni gurang, agad namang nawala sa harapan ko si Shainna. Dadamputin ko na sana ang mga bubog ng ipatong ni gurang ang mabalahibo kamay ni Maui sa kamay ko saka umiling-iling.

Agad namang nawala yung mga bubog sa harapan ko at mukhang gawa 'yon ni Shainna kaya kumuha ulit ako ng isa pang mug at saktong pagharap ko nasa may pintuan na ang mommy ni gurang.

"A-ahh hehehehe opo" sagot ko sabay talikod bago napapikit ng mariin dahil whaaaaa nakakahiya!

Bakit ba kasi hindi saaken pinapakita ni gurang ang kukha ng mga magulang niya!? 'Yan tuloy whaaaaaa ako ang napapahiya.

Nagtimpla ulit ako ng kape at ng matapos ako, nakita kong nakaupo na ang monmy ni gurang sa may counter kaya umiwas naman ako ng tingin bago ko nilapag yung kape sa harap niya.

Nakatayo lang ako hanggang sa uminom siya nung kape na itinimpla ko bago tumalon din si gurang sa upuan at ikiniskis ang ulo sa kamay ko kaya tinignan ko siya at tinanguan niya lang ako ng isa.

"So you're my son's girlfriend?" Biglang tanong ng mommy ni gurang kaya nanlaki naman ang mata ko pero inayos ko ulit ang sarili ko at kita ko rin na napadungaw si gurang na mukhang nagulat din sa sinabi ng mommy niya.

"Ahh hehehehehe" tanging naisagot ko saka yumuko.

"Alam mo na kung paano magtimpla ng paborito niyang kape, kaya sigurado akong ikaw ang girlfriend niya" sabi niya ulit kaya dahan-dahan ko namang inangat ang ulo ko at tinignan siya bago ko pinaglaruan ang kamay ko dahil kinakabahan na ako. "Sabi niya dati saaken, ituturo niya sa magiging girlfriend niya kung paano 'to itimpla. Tama ba ako iha? Ikaw nga?" Dagdag niya pa kaya dahan-dahan na lang akong napatango at may halong takot pa.

"Hey Lalaine, relax. Sabi 'yan ni Lucas" biglang rinig ko sa boses ni Shainna mula sa likod ko kaya lumingon ako pero wala naman siya. "'Wag kang lilingon. Relax lang Lalaine, relax" sabi niya pa kaya tumayo ako ng maayos saka huminga ng malalim at ngumiti sa mommy ni gurang.

"H-hello po. Ako po si Lalaine Castillo, nice to meet you po" sabi ko at hindi ko alam kung bakit ako yumuko.

Yung parang sa korea na ginagawa nila kapag nagbabatian ganon.

"Hahaha you're so cute, by the way I'm Lanny, Lucas's mother" nakangiti niyang sabi sabay higop ulit ng kape at naramdaman ko namang uminit yung pisngi ko pagkasabi niya nung cute.

Shala ka Lalaine! Bakit ka nag-blush! Hahahahahaha tae nakakahiya talaga!!

"May tanong ako sa 'yo iha" biglang seryoso niyang sabi kaya napalunok talaga ako ng hard.

"A-ano po 'yon?" Nauutal kong tanong.

"Dito ka na ba tumutuloy o dumadalaw ka lang kay Lucas ngayon?" Tanong niya sabay tingin sa damit ko kaya napayuko ulit ako at tinignan ang sahig.

Jusko! Parang gusto nang kumawala ng puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok neto. Kita ko naman na parang gusto ng magsalita ni gurang pero hindi niya magawa kasi pusa siya ngayon.

Bumuntong hininga ulit ako at naglakas loob ng magsalita.

"Dito po ako t-tumutuloy na" sagot ko sabay kagat ng ibaba kong labi at tingin sa counter.

"I see. Pero ikaw bilang babae naisip mo rin bang hindi maganda na nagsasama ang babae at lalake sa iisang bahay gayon ay hindi pa naman kayo kasal?" Seryoso niyang tanong kaya napatango ako habang iniiwasan pa rin ang tingin niya. "Look at me iha," utos niya kaya nag-aalangan pa akong tumingin sa mga mata niya pero ginawa ko pa rin. "Kayo ay magkasintahan pa lang at marami ang pwedeng mangyare kung kayo ay tumitira sa iisang bubong. At hindi lalago ang inyong pagmamahalan kung hindi kayo nagkakalayo at hindi niyo sinusubok na wala kayo sa piling ng isa't isa. Walang mangyayare kung hindi niyo sinusubok ang tatag at tiwala ninyo sa isa't isa." Mahabang niyang sabi kaya tahimik lang akong nakikinig sakanya. "Naiintindihan mo naman ata ang nga sinabi ko iha" dagdag niya pa.

MY SPECIAL CAT Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt