CHAPTER 29

269 32 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

"Hoy gurang hindi ka na ba babalik doon sa korea!?" Sigaw ko mula dito sa sala.

"Do you want me to leave?" Tanong niya kaya nilingon ko naman siya.

"Baki, ako ba pupunta doon? Ako ba may trabaho doon ha gurang? Ako ba?" Sabi ko sabay irap.

"You brat come here!" Sabi niya at agad na lumapit saaken pero huli na para lumayo ako dahil kinarga niya na naman ako. "Hindi porket na sinabi kong gusto kita pwede mo na akong sagot-sagutin ng ganya ha" sabi niya pero nakangiti pa rin.

"Ayy bakit? Ganito naman talaga ako ahh! Ibaba mo nga ako at may sarili akong paa, saan mo na naman ba ako dadalhin hoy!" Sabi ko.

"To my room" pilyong sabi niya bago niya binuksan ang pintuan ng kwarto niya saka ako nilapag ako sa kama niya kaya umupo naman ako. Balak ko na sanang tumakbo palabas ng hilahin niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa kandungan niya nang umupo siya sa kama niya.

"Gurang ano ba! Yung niluluto mo doon sunog na!" Sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko pero hindi ko naman matanggal.

"I'm your boyfriend–"

"Opps! Correction! Hindi pa!" Putol ko sa sasabiin niya bago ako tumigil sa pagtanggal ng kamay niya na nasa bewang ko saka ko siya tinignan.

"Why?" Tanong niya at ngumuso pa.

"Yuck 'wag ka ngang ngumuso hahahaha para kang pato pft hahahaha– aray!" Sabi ko ng pitikin niya ang noo ko.

"Why nga kasi? You said hindi naman kayo ni Danico" nakabusangot niyang sabi.

"Duh! Porket hinalikan kita pabalik kanina hindi ibig sabihin na tayo na ha. Matuto kang mangligaw" sabi ko kaya niluwagan niya naman ang pagkakayakap sa bewang ko, kaya tumayo ako sa harapan niya.

"I'll give whatever you want–"

"Balewala lang naman saaken lahat ng ibibigay mo. Hindi sa bulaklak o regalo tungkol ang pangliligaw gurang ha, sa tyaga at pagpupursige. Paano ko malalaman na seryoso ka saaken kung hindi mo ako liligawan ha?" Sabi ko saka ko nilagay sa bewang ko ang dalawang kamay ko.

Tiningala niya naman ako saka ngumisi ng malapad na parang may naisip na namang kalokohan.

"Then I'm going to get you pregnant, so I can prove that I'm serious about being your boyfriend, I'll give you a ring and then we'll get married now." Sabi niya at hinila ulit ako pero sa pagkakataon na 'to nakahiga na ako sa kama at nasa ibabaw ko na siya.

"Hindi ganyan kadali 'yon gurang! Alis nga jan para ka namang abnormal ehh. Ahh basta mangligaw ka bahala ka kung anong gawin mo." Sabi ko at tinulak ulit siya paalis sa ibabaw ko sabay lakad palabas ng kwarto niya.

"My love! I don't know how to court a girl!" Sigaw niya kaya natawa ako.

"Di maghanap ka muna ng babaeng liligawan mo tapos saka ka manligaw saaken kapag marunong ka na hahahaha" sabi ko habang naglalakad papuntang kusina para pakainin na si Maui. "Hi Maui! Hmm ang bango mo amoy korea hahahaha" bati ko sakanya kaya ngumiyaw naman siya.

"Ano ba ginawa mo doon Maui ha?" Kausap ko ulit sakanya bago ko siya kinarga saka hinalikan sa ulo.

"Don't kiss him" sabi ni gurang mula sa likuran ko kaya nilingon ko siya.

"Bakit naman? Pusa ko 'to kaya kahit anong gawin ko sakanya, wala ka na doon" sabi ko sabay irap sakanya at pinaglaruan ulit si Maui.

Pero nagulat naman ako ng bigla niyang inagaw saaken si Maui at naglakad papuntang sala.

MY SPECIAL CAT Kde žijí příběhy. Začni objevovat