CHAPTER 3

768 49 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Dumaan ang tanghali at eto papasok na ako ng trabaho. Kapag ganito kasing weekend mga twelve ng hapon ako pumapasok tapos nine ng gabi ako uuwi.

"Meow"

"Magtatrabaho muna si mommy, Maui" kausap ko sa pusa ko na nakahiga sa higaan ko.

"Meow. Meow. Meow"

"Dito ka lang ha. Wag nang lalabas, hintayin mo lang ako dito" Sabi ko at hinaplos-haplos ang ulo niya.

Kinuha ko naman yung bag ko at tinignan ulit ang laman non kung nandoon na yung uniform ko. Doon na kasi ako nagpapalit ng damit, sa ngayon nakapantalon lang ako at t-shirt.

Tinanggal ko naman lahat ng saksak sa outlet at in-off ko din yung breaker para iwas sunog.

"Alis na ako maw" Sabi ko sa pusa saka ko sinaraduhan yung pinto at nilock 'yon.

"Aalis ka na ineng?" Tanong ni Tatay Inggo. Kapitbahay ko.

"Opo" sagot ko.

"Mag-iingat ha. Kumain ka na baga?" Tanong niya habang nilolock ko yung padlock gamitang susi.

"Opo. Kumain na rin ho ba kayo?" Tanong ko din sakanya at nagmano ng ma-lock ko na yung pintouan.

"Tapos na ineng. Ohh siya sige na, mag-iingat sa mga lalakeng nakakasalubong mo ha" Paalala niya.

"Opo. Alis na po ako" paalam ko at naglakad na paalis.

Binuksan ko naman yung payong ko dahil ang init grabe. At nang makalabas ako sa iskinita napayuko ako ng biglang tumunog yung phone ko na nasa bulsa ko lang kaya huminto muna ako sandali para kunin 'yon.

Gurang👴:
Where are you going?

Napataas man ang kilay ko ng mabasa 'yon. Ano na naman kaya ang problema ng gurang na 'to?

Napatingin naman ako sa baba ng makakita ako ng pares ng sapatos kaya naitaas ko yung payong ko at parang nagslow motion lahat ng gawin ko 'yon.

"Where are you going?" Tanong niya habang ako titig na titig pa rin sa mukha niya.

Hindi siya naka-coat ngayon tanging plain gray t-shirt na hapit na hapit sa macho niyang katawan at nakablack pantalon lang siya.

OHH MY stop that Lalaine. Hindi. Hindi. Hindi. Hindi ka naakit sakanya hindi.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at tinignan siya ng buong tapang.

"U-uhhh..." Tamo hindi makasagot. Ano na naman kaya nasautak neto. Tinignan ko lang siya habang nag-iisp ng sasabihin. "May ipapagawa ako sa 'yo" dagdag niya kaya napataas ang kilay ko sakanya.

"May trabaho ako ngayon–"

"Resign" putol niya saaken.

"Ano? Pagre-resign-in mo ako?" Ulit ko sa sinabi niya habajg pakurap-kurap ang mga mata ko.

"You heard it right" Sabi niya bago naglakad papunta sa sasakyan niya saka binuksan yung pinto ng sasakyan at sinenyasan akong pumasok.

Kumunot naman noo at nakita kong may jeep na kaya naglakad na ako at nilagpasan siya.

"Ayoko" Sabi ko pero nagulat ako ng mabilis niya akong hinila at hinaharap sakanya kaya napatingala ako sakanya.

"You agree that you'll work to me every sunday remember?" Sabi niya at saka ko lang naalala yung pinag-uusapan namen kanina.

MY SPECIAL CAT Where stories live. Discover now