CHAPTER 2

955 71 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Time check, four thirty. Kagigising ko lang at inaantok pa talaga ako. Napakamot na lang ako sa ulo bago dumiretso sa banyo.

Sa apartment ako nakatira kaya solo ko dito. Hay, ano kaya kung mamaya na lang ako pumunta?

(Kaso baka magalit yung gurang)

Atleast pupunta ako, alas-otso nga lang  ⁠•͈⁠ᴗ⁠•͈

(Kaso baka pagbayarin ka na nun)

Errrr kasi naman ehh. Para natapunan lang ng tubig ang arte masyado-⁠_⁠-

(Pero kasalan mo din kasi hindi mo tinignan yung dinadaanan mo kagabi.)

Pero sobra naman kasi siya, buti na lang hindi ako pinagalitan nung manger namen kagabi.

(Buti na lang talaga. Pumunta ka na, Sayang yung paggising mo ng ganito napaga-aga)

Tch. Oo na pupunta na.

*****

Andito na ako sa harap ng kompanya ni gurang. Sigurado akong sakanya 'to kasi sabi niya kagabi be my secretary tch. Nasaan naman kaya yung gurang na 'yon, ala-singko kinse na ohh.

Tumayo lang ako sa gilid ng pintuan at doon nag-antay. Mayamaya lang biglang dumating ang gwardya at binuksan ang pintuan.

"Good morning ma'am" bati niya saaken.

"Good morning din po" Sabi ko habang tinitignan siyang buksan ang pintuan netong kumpanya.

"Ang aga niyo naman po. Impleyado ho ba kayo rito?" Tanong niya at tuluyan ng binuksan ang pinto. Glass door pala.

"Ahh hindi ho. May usapan po kasi kami ni..." Napatigil ako ng hindi ko nga pala alam yung pangalan ng gurang na 'yon. "Yung CEO ho dito." Sabi ko na lang secretary raw ehh di ibig sabihin siya yung CEO tch.

"Ganon po ba? Sige ho hintayin niyo na lang po sa loob" Sabi niya at itinuro saaken kung saan ako tatambay.

Nilaro-laro ko muna yung cellphone ko para mabawasan ang bagot ko pagkaupo na pagkaupo ko sa sofa dito sa lobby. Inaantok pa ako.

"Ma'am kape po tayo" Sabi niya sabay bigay saaken ng kape na nasa maliit na baso.

"Salamat po" Sabi ko ng tanggapin ko yun. "Anong oras ho ba kadalasan dumadating yung CEO dito?" Tanong ko at hinigop yung kape. Ahh sarap neto.

"Minsan ho tanghali na ma'am. Minsan hapon na ho." Sabi niya. Napa ahh na lang ako sa sinabi niyang 'yon

Anak ng pusa talaga, edi mamaya pa 'yon darating!?

"Follow me" nagulat naman ako ng biglang sumulpot si gurang sa harapan namen kaya napatayo agad ako.

Nakatagilid siya saamen at diretso lang ang tingin habang nasa magkabilang bulsa ng pantalon niya ang kamay niya at hindi man lang nag-abalang batiin o tignan man lang kami.

Nagsimula siyang maglakad kaya mabilis kong tinignan si kuyang guard at nginitian siya.

"Sige po mauna na ako sainyo, alamat po sa kape" Sabi ko at mabilis na sumunod kay gurang.

"Good luck iha" Sabi niya ng nakangiti habajg kumakaway pa. Ehh?

"Opo, salamat po" Sabi ko at dali-daling inubos ang kape at agad na itinapon sa basurahan ang paper cup malapit s amay elevator. Pero pagharap ko ulit bigla akong may nabangga kaya napadaing ako. "Ouch"  Hinilit-hilot ko yung pango kong ilong pakatapos umatras ng konti.

MY SPECIAL CAT Donde viven las historias. Descúbrelo ahora