CHAPTER 12

411 39 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Habang naglalakad papasok ng gate ni gurang bigla na namang may pumasok sa utak ko at napahinto ako sa paglalakad ng maisarado ko yung gate ng bahay ni gurang.

Hindi kaya... DRUGS YUNG LAMAN NUNG BOX NA BINITBIT KO KANINA NA BINIGAY KO DOON SA LALAKE!?

Nanlaki naman ang mata ko at napako sa kinatatayuan ko habang nakalagay ang kaliwang kamay sa bibig.

T-t-t-tapos inutusan niya yung lalake na yung ibenta sa iba yung droga na 'yon!?

Napaharap ulit ako sa gate pero humarap ulit sa bahay ni gurang, aishhh! Bakit ba kasi hindi ko binuksan 'yon!? Ang tanga mo naman Lalaine ehh.

Padabog naman akong naglakad papasok ng bahay ni gurang saka hinubad yung sapatos at sumalubong naman saaaken ang makalat na bahay ni gurang kaya nanlaki ang mata ko.

"A-anong n-nangyare dito?" gulat kong sabi habang nililibot ang mata sa buong sala na para ng binagyo.

Napalingon naman ako sa kabilang banda ng marinig ko ang ngiyaw ni Maui at ang boses ni chocho na mukhang naghahabulan.

*Blagg*

Napaitad naman ako ng makarinig ng may nabasag kaya dali-dali akong napatakbo sa direksyon na 'yon at nakita ko si chocho at Maiu na naghahabulan malapit sa may swimming pool area kaya nanlalaki ang mata kong nakatingin sa mga kalat doon.

"Lagot na" mahinang sambit ko at dali-daling kinuha ang cellphone ko at agad na tinawagan ang number ni gurang.

"What is–"

"Whaaaaaa gurang!" sigaw ko na parang batang inagawan ng lollipop.

"What? What is it? Why are you shouting?" Naguguluhan niyang tanong

*Blagg*

"Kyaaa!" sigaw ko na biglang mahulog yung isang vase malapit sa pwesto ko kaya napalayo ako.

"Fvck, I'm on my way"  rinig kong sabi niya kaya dali-dali naman akong tumakbo papunta kina Maui para kunin siya pero dahan-dahan naman akong naglakad kasi ang saming nabasag na vase.

"Maui, Chocho yah! tumigil na kayong dalawa" suway ko sakanilang dalawa pero hindi naman ako pinapakinggan.

"Meoooowww" mahabang ngiyaw ni Maui kaya napangiwi ako kasi parang sinasabi niya na habulin ko siya ganon hahahahaha malanding pusang 'to oo.

"Psttt hoy titigil kayo–ack! Aray!" daing ko ng bigla akong masagi ni chocho kaya ayown!

Aray ko! Naapakan ko yung nabasag na vase huhuhuhuhuhu ang sakit!

"Chocho" nasasaktan kong tawag sakanya at bigla naman siyang tumingin saaken habang nakangiti pero nawala ang ngiti niya ng makita ang itsura ko.

Tinignan ko naman yung kanan kong paa at nakita kong dumudugo na 'yon kaya napasingahap ako lalo nung makaramdam ako ng hapdi.

Naiiyak na ako kasi sobrang sakit na medyo malaki ata yung naapakan ko kaya dumudugo na ng malala.

"Ms. Lalaine" sabi ni Chocho at dali-daling lumapit saaken at hinawakan ako sa kamay. "What–"

*Blagg*

Hindi naman niya natapos ang sasabihin niya ng biglang marinig namen ang malakas na pagbukas ng pintuan kaya napalingon ako doon at maluha-luha akong tumingin kay gurang.

MY SPECIAL CAT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon