CHAPTER 18

359 35 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Hay buhay nga naman, bakit ba ayaw ako lubayan ni Danico!? Heto kasi nakita ko lang naman siya sa harap ng university.

"Yayayain sana kitang magneryenda, hahaha ehh paano hindi kita natyetyempuhang free ehh." Sabi niya.

Ayy mukha na ba akong free ngayon? Char! Hahahaha.

"Ahh ano kasi..." Ano na naman ba nag idadahilan ko ngayon whaaaa!!! Someone help! "Kasi may ano ako... may–"

"She had a date with me" nanlaki naman ang mata ko ng marinig ang boses na 'yon kaya napalingon naman ako sa likod ko at nakita kong kalalabas lang ni gurang mula sa kotse niya at naglakad papalapit saaken.

Pinagmasdan ko naman siya at bagong ligo at sheeeet! Nakabrush up pa ang buhok at ang pogi!!! Naka polo lang siyang black tsaka nakarolyo ang sleeves sa magkabilang braso at trouser na black pero bakit ang sexy niya!? Flat shoes lang din ang suot niya pero ang lakas ng appeal jusmiyo marimar pwede na akong humimlay hahahaha.

"Oww hi Lucas" bati sakanya ni Danico kaya hanggang sa makalapit siya saaken nakatingin pa rin ako pa sakanya.

"Hi" sabi niya sabay pulupot ng kamay sa bewang ko kaya doon na ako tuluyang nagulat at napako ang tingin sakanya.

A-a-a-a-anong n-nangyayare? B-b-bakit g-ganito? Sheeettttttt!!!!! Whaaaaaaaaaaaa hindi na ako makahinga omgoshhh!!!

Amoy na amoy ko rin ang pabango niya na sobrang bango at ang tamis jusme! Pwede ko bang kainin ang lalakeng 'to!? Ayy tae k-k-kainin? Hindi hindi hindi omgosh iba naisip ko doon oo, 'wag na lang pala hehehehe.

"What are you two talking about hmm?" Nakangiti niyang tanong saaken sabay tingin din saaken kaya napaiwas agad ako ng tingin at huminga ng malalim.

Naramdaman ko namang humigpit ang hawak niya sa bewang ko kaya napatingin ako doon at napapikit. Whaaaaaa!!!!

"Niyaya ko siyang magmeryenda–"

"As I said we have a date and saaken niya muna itutuon ang oras niya ngayon, right babe?" Sabi niya sabay tingin saaken kaya dahan-dahan naman akong tumingala sakanya habang may gulat sa mukha.

B-b-b-b-babe!?

"Is that true, Lalaine?" Hindi naniniwalang sabi ni Danico pero nakatingin pa rin ako kay gurang na ang lapad ng ngiti at hindi ko magawang umiwas sa mga tingin niyang 'yan!!!

"Right hmmm babe?" Nakangiti niya pa na sabi sabay kabig ng bewang ko papalapit sa katawan niya at mas inilapit pa ang mukha saaken na halos magkadikit na ang mga ilong namen.

Sabihin mong hindi Lalaine!!

"O-oo" sagot ko bigla habang nakatingin sakanya at nilayo niya naman ang mukha saaken saka humarap kay Danico pero ako yumuko na lang.

Jusko bakit ba hindi nakikisama ang bibig ko saaken!?

"I see" rinig kong sabi ni Danico.

"We have to go, bye. Let's go babe"

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko ng ulitin niya pa yung pagtawag saaken ng babe at sumabay na lang ako sakanya sa paglakad habang nakahawak pa rin siya sa bewang ko, pinagbuksan niya rin ako ng pintuan para makapasok sa kotse niya.

"Careful my love" sabi niya saka inilagay sa ulo ko ang kamay niya para hindi ako mauntog sa bubong ng kotse. Nilagay niya na din yung seatbelt saaken kaya napapaiwas na lang ako ng tingin dahil ang lapit ng mukha niya jusme ano bang sumapi dito kay gurang!

MY SPECIAL CAT Where stories live. Discover now