CHAPTER 45

286 19 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Halos tatlong minuto kami magkayakap ng bigla siyang lumayo saaken pero umiling-iling ako at ayaw siyang pakawalan.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" Malumanay at nagmamakaawa kong tanong sakanya.

"I am" Sabi niya bago kumurap-kurap para pigilan ang pagtulo ng luha niya bago niya kinagat ang ibabang labi njya saka umatras ng isa palayo saaken.

"Hindi na magbabago?" Tanong ko ulit sakanya at halos maluha na naman ako kaya tumingala ako para pigilan ang pagbagsak ng luha ko.

"Hindi na" Sagot niya ulit saka umatras ulit ng isa palayo saaken.

"Hindi ako kayang patayin ni Gia, marami pang paraan pa pigilan siya–"

"She can... She can torture you and I'm afraid that... That our baby... Mapapahamak ang anak naten kapag hindi ko siya sinunod" putol niya sa sasabihin ko. "Her family threatened us, they will kill you if hindi ko sinunod ang gusto ng nag-iisa nilang prinsesa."

"Mahal mo ba talaga..." Yumuko ako at lumunok para makapagsalita ng maayos. "Mahal mo ba talaga ako? Ang anak naten?" Sabi ko bago tumingin sa mga mata niya.

"I do, I really do that's why I'm doing this" sagot niya bago huminga ng malalim. "Take care of our daughter, hindi ko man... hindi ko man siya makita at masubaybayan ang paglaki niya... I know na magiging kamukha mo siya. And if... if you find someone who will truly love you, ayos lang saaken na siya ang tumayong tatay para sa anak naten... and sana... mahalin at pahalagahan ka niya higit pa sa mga ipinaramdam ko sayo. Pangako kong kapag nangyare yun, hinding-hindi na ako magpapakita sayo para maging masaya ka ulit. I love you, my love take care of yourself also. Pasabi kay lola... I'm really sorry, I can no longer keep my promises to her." Mahabang sabi niya bago tuluyang tumalikod saaken pero hindi pa siya nakakahakbang ng isa ng magsalita ako.

"Paano ako magiging masaya ulit kung ikaw lang naman ang nagpakita saaken kung gaano kasarap mabuhay huh gurang? Paano ako makakahanap ng iba kung halos oras-oras ikaw ang nasa isip ko? Bakit ako maghahanap ng bago kung ikaw lang naman ang laman ng puso ko? Ano pa ang dahilan para maging masaya ako kung inilayo at ipinagkait mo naman saaken 'yon ha? Gurang naman! Nagmamakaawa ako sa 'yo, please 'wag mo akong iwan, 'wag mo kaming iwan." Mahaba kong sabi at napaluhod na dahil wala na akong lakas at pagod na pagod na ako.

Nagpatuloy naman siya sa paglalakad kaya sunod-sunod naman ang pagpatak ng luha ko. Bawat hakbang niya ay para niya na ring dinudurog ang puso ko.

"Isang hakbang mo pa... isang hakbang mo pa hindi mo na kailanman makikilala at makikita ang anak mo at hindi ka niya kikilalaning tatay. Kahit ngayon lang gurang! Hayaan mo akong magpaka selfish! Nagmamakaawa ako sa 'yo please lang..." Sabi ko at napuno na ng hagulgol ko ang buong paligid habang nakaluhod pa rin ako at nakayuko habang umiiyak.

LUCAS POV

"Lucas! Time is up" rinig kong sabi ni Gia pagpasok at kita kong galing din siya sa pag-iyak.

Rinig na rinig ko kung paano humagulgol si Lalaine at ang bigat-bigat sa dibdib na marinig siyang umiyak ng ganyan. Parang dinudurog ang puso ko at pakiramdam ko napakasama kong tao.

"Mahal kita, Lucas. Mahal na mahal, please... Please 'wag mong gawin saaken 'to" halos pabulong niyang sabi pero rinig na rinig ko ang mga salitang 'yon.

Darn I can't hold it anymore! Humarap ulit ako sakanya at nakita kong parehong tuhod niya ang nakaluhod sa sahig habang humahagolgol siya kaya tuloy-tuloy din ang pagpatak ng luha ko.

MY SPECIAL CAT Where stories live. Discover now