CHAPTER 11

434 33 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

"Well since you're going to live here of course you'll do the house hold chores–"

"Tapos ano?" putol ko sa sasabihin niya.

"In that way you can repay me and... as my secretary I'll pay you" sabi niya saka nilagay ang dalawang kamay sa bulsa at tumingin saaken ng seryoso.

"Teka lang ha, ibig mong sabihin magiging katulong mo ako dito sa bahay mo at sa paraang 'yon mababayaran ko yung coat mo na natapunan ko?" linaw ko at tumango naman siya.

"But!" biglang taas niya ng boses kaya nagulat ako. "You're not going to use an vacuum in cleaning, understood?" dagdag niya at bumagsak naman ang balikat ko at tumango na lang.

"Ano pa?" tanong ko kasi baka mamaya meron pang kondisyon.

"And also your upa, there's no libre in this world brat" sabi niya sabay pagpag ng damit niya gamit ang kamay. "I'm leaving, look the door when you leave" sabi niya sabay labas ng pintuan at ako naman umirap na lang.

Ano pa bang magagawa ko? Hay nako magiging alipin ako ng isang menupusal tch.

Naglakad naman ako papuntang kwarto para maligo kasi papasok na ako ng eskwelahan, at nang matapos akong maligo at mahalungkat ang uniform ko sa mga box na bitbit ng mga lalake kanina nakaamoy naman ako ng pagkain kaya napalakad ako papuntang kusina at nanlaki ang mata ko ng may makita ako.

"Sino ka!?" Sigaw ko at napalayo ako kasi mukhang robot ata 'to.

"Good morning, Ms Lalaine" sabi niya bago ako nilingon at napakurap-kurap ako ng makita sa screen na ngumiti siya at pati mata niya ngumingiti saaken.

Jusme ano klaseng nilalang 'to!?

"S-s-sino k-k-ka?" Utal-utal kong tanong at naghanap ng pwede pamalo pero wala akong mahanap.

"Don't worry Ms. Lalaine, I won't harm you, I'm master Lucas friend and he made me" sabi niya habang nakangiti at naglakad– hindi mali, mali umaadar palapit saaken kaya napaatras ulit ako.

"Si g-gurang? B-bakit ka nandito? Ba't ngayon lang kita nakita dito?" Sunod-sunod kong tanong.

"I don't understand what you're saying, can you please translate it in english?" Robot-robot niyang sabi kaya napangiwi naman ako.

"W-why are you here? And why have I only seen you here?" Sabi ko.

"Oww I live in the third floor and master says I should cooked for you" sabi niya at pinakita saaken yung nasa lamesa.

"I-ikaw nagluto niyan– err I mean did you cook that?" Sabi ko at dinungaw yung gawa niyang scrambled egga with ketchup.

"Yah, try it I won't harm you promise" sabi niya at lumayo ng konti saaken kaya lumapit naman ako sa lamesa at inamoy yung niluto niya.

"Hindi ba kumain yung gurang na 'yon?" Tanong ko sa sarili ko at nagulat naman ako ng bigyan niya ako isang plato ng may lamang kanin pati kutsara at tinidor.

"T-thank you" sabi ko at tinikman yung luto niya. "Hmmm" Sabi ko at nakangiti siyang tinignan.

"Hmmm?" Patanong niyang sabi habang nakangiti.

"Ang galing!" Sabi ko dahil namamangha talaga ako.

Isang robot marunong magsalita at magluto!? Ano pa kaya ang nagagawa neto.

MY SPECIAL CAT Where stories live. Discover now