CHAPTER 27

235 34 1
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Araw na ng linggo at heto naglilinis ako ng buong bahay ni gurang mula sa baba hanggang third floor at iniingat-ingatan kong wag kong masagi ang mga laruang nandito sa third floor.

Ngayon ko lang napansin na bukod sa sasakyan niyang magara may mga laruan din pala dito tsaka mula dito sa loob kitang-kita ko ang ibang bahay na katabi namen. Pero sobrang tahimik naman.

Isang oras naman ang itinagal ko sa paglilinis at sa wakas natapos din at paupo na sana ako sa sofa ng biglang may nag dorbell kaya pagod naman akong tumayo, pero bigla akong pinigilan nung babaeng kasama ko dito sa bahay na naka black lahat ng damit.

Kanina nga akala ko kung sino kaya natakot ako kaya hindi ko pinagbuksan ng gate hanggang sa pumasok na lang siya at may iniwan na note sa ilalim ng pintuan ko, sinabing siya daw yung pinapunta dito ni gurang para samahan ako dito kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

"Ako na po magbubukas" sabi niya kaya napatango na lang ako at umupo ulit sa sofa.

Mayamaya lang pumasok ulit si ateng GIB (girl in black) habang seryosong nakatingin saaken. Natatakot nga ako sa babaeng eto, parang bawal magbiro sakanya ehh, tapos parang hindi siya ngumingiti. Ayaw ko naman tanungin ang pangalan dahil baka mamaya barahin din ako gaya ni gurang.

"Danico raw ho, kilala niyo ho ba siya?" Seryoso niyang tanong kaya tumango naman agad ako.

"Ano raw po ba–" pinutol ko naman ang sasabihin ko bago nagpaalam kay ate na lalabas muna ako sandali.

Mas mabuti ng ako na ang magtanong kung anong ginagawa ni Danico dito hahahaha.

"Oww hi Lalaine" nakangiti niyang bati kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit?" Pagod kong tanong sakanya.

"Did something happend?" Nag-aalala niyang tanong at bigla rin nawala ang nakangiti niyang mukha.

"Wala, pagod lang. Bakit nga?"

"Yayayain sana kita lumabas" sabi niya.

"Nasa labas na tayo" pilosopo kong sabi saka mahinang tumawa.

"Hahahaha no, I mean mamasyal" natatawa niyang sabi.

"Alam ko shunga! Ehh kasi–" naputol ko ulit ang sasabihin ko ng bigla kong maalala yung sinabi ni gurang.

'Give him a change to explain'

"Ehh kasi?" Tanong niya.

"Ahh hahahaha ehh kasi hindi pa ako naliligo, hintayin mo muna ako ha ok lang? Maaga pa naman, gusto mo muna pumasok?" Sabi ko.

"Ahh no hahaha baka biglang umuwi si Lucas at sapakin ako, kaya no need haha" sabi niya sabay kamot sa batok nita kaya tumango naman ako. "Dito na lang ako sa kotse, take your time" dagdag niya.

Pumasok naman ulit ako at naligo na, simpleng t-shirt at pantalon lang ang sinuot ko, mamamasyal lang raw ehh kaya eto na lang. Tsaka nakakahiya na paghihintayin ko pa siya ng matagal.

"Saan ka ho pupunta?" Napatigil naman ako sa paglalakad ng biglang tanungin ako ni ateng GIB kaya napatingin naman ako sakanya at ngumiti ng alanganin.

"Hehehe a-alis lang ho k-kasama yung kaibigan ko, yung pinagbuksan mo k-kanina" nauutal-utal ko pang sagot habang nakaturo sa pintuan.

"Sasama po ako" sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

MY SPECIAL CAT Where stories live. Discover now