Kabanata 27

1.5K 56 6
                                    

Kabanata 27

Above the Sea of Fog

Thin arms wrapped around my legs as I removed my coat from my body. The familiar warmth automatically puts a smile on my face.

"Mama!" Saab excitedly yelled the endearment like she's been longing to say it. Bumaba ako para maharap ang maliit na chikiting na mukhang wala pa yatang balak matulog.

Gabing-gabi na ah. Ang sabi ko naman sa nanny niya ay huwag na akong hintayin kasi gagabihin ako. Natagalan din ang pakikipag-kuwentuhan ko kina Muriel at kung hindi pa nagreklamo ang anak niya na pagod na, hindi pa kami matitigil sa pag-uusap.

It felt so good to see them. Naibsan ang aking nararamdamang lungkot sa tuwing inaalala ang mga kapatid ko roon sa Marina. I was happy that I was able to somehow sustain their needs. Ang lalaki na ng mga kapatid ko at ni minsan, hindi ako tumapak ulit sa Marina. Iyon naman ang pangako ko kay Mama sa una palang. Na hindi ako babalik hangga't walang naihaharap sa mga tao roon. May balak naman akong bumalik, ngunit isang beses na lang dahil mas pipiliin kong manirahan na lang dito sa London. Unlike Marina, I have a future here. Dito ko balak na ilipat din ang mga kapatid kung saka-sakali. I am just waiting for Sirena to graduate from college. Gusto kong lahat sila ay makuha ko na roon at dito na lang kami maninirahan.

Dito sa London, walang bahid ng kahit na anong nakaraan. My mother will be at peace here.

"Another orchids and lilies again, Syrean?" tanong sa akin ng nanny ni Saab habang papalapit sa akin. Dinungaw ko ang dalang bulaklak na nakakaagaw-pansin. Sa lahat ng bulaklak na ibinigay sa akin, ito ang kakaiba. It was like the blue and white galaxies were painted in those flowers—like the giver wanted me to see how beautiful the universe is.

Ganito rin ang natanggap ko sa mga nauna kong performance ngunit ni anino ng nagbigay ay hindi ko rin naman nakita. I was always looking forward to this unique flower ever since I received one on my very first performance on the big stage. Supporting actress palang ako noon kaya ang makatanggap nang ganitong klaseng bulaklak ay sadyang nakakataba ng puso.

"Beautiful, Mama!" Inagaw ni Saab ang aking pansin. Pilit niyang inaabot ang magandang bouquet kaya naman iniabot ko iyon sa kaniya. She excitedly inhaled the fragrant flowers of the combination of blue orchids and white lilies.

Napangiti ako habang pinagmamasdan si Saab. All the exhaustion that I felt from the long performance, suddenly vanished like a bubbles popping in the air. Umupo ako habang ipinapahinga ang katawan.

"How was your night Linda? She didn't give you a hard time, did she?" tanong ko at hindi pa rin nilulubayan ng tingin si Saab.

"She's been nothing but an obedient young lady, Syrean. Though, I have to keep her away from the kitchen or else, she might burn the whole house down!"

Tumawa ako nang marinig iyon. Saab's is just three years old so I really understand that it's not easy to get her attention. May pagkakataon na mainipin siya at may pagkakataong napagsasabihan din. Ganoon naman ang mga bata. Just like my sisters, Saab can be difficult, but I love that child so much that I didn't care if it's hard to take care of her.

Kapag panahon ng performances, halos wala ako rito sa bahay kaya naman kapag nakakluwag-luwag ako sa oras, ipinapasyal ko si Saab sa kahit saang lugar na gusto niya. It was my way of making it up to her. Kailangan kong gawin iyon kasi ayaw kong maranasan niya ang lungkot. Ayaw ko ring isipin niya na hindi ko siya mahal o di kaya'y hindi naman siya importante.

It was difficult to have her on the years that I was getting the main roles. May pagkakataon na parang gusto kong magalit sa langit dahil dumadating ang problema kung kailan naman marami akong ginagawa. I have never been the best mother to Saab. May mga pagkukulang ako at hindi lahat napupuna ko. Siguro ganoon naman talaga kapag hindi totoong sa'yo nanggaling.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Where stories live. Discover now