Kabanata 10

2.1K 72 4
                                    

Kabanata 10

Above the Sea of Fog

"Here. An invitation for you." Iniabot sa akin ni Sir Wyatt ang isang matigas na papel. Bumaba ang tingin ko roon at nakita ang halos pinong disenyo ng imbitasyon.

"Para sa akin?" gulat kong tanong at kinuha mula sa kaniyang kamay ang itim na papel. Awang ang aking labi habang pinagmamasdan ito.

"Someone delivered it to my office this morning. It turns out, someone is having a party at the Vincenzo Hall and they want you to perform there."

Inangat kong muli ang tingin sa kaniya matapos kong buksan ang imbitasyon. "Party?"

"Yes, a party. But if you don't want to, you can dec--

"Dadalo ako," putol ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-excite para roon. Sa halos apat na buwan kong pagkanta sa bistro, ngayon lang ata ako pormal na inaya upang mag-perform.

Syempre, hindi ko ito palalagpasin.

"Are you sure?" Malalim akong tinitigan ni Sir Wyatt at para bang hinahanapan ako ng mali sa aking desisyon. Tumango ako para kumpirmahin ang aking pagpayag.

"Sayang naman 'yong opportunity kung hindi ko tatanggapin. At isa pa, extra 'yon, Sir," katwiran ko sa kaniya at ibinalik ang pansin sa invitation.

Naka-imprinta roon kung kailan gaganapin ang party. Siguro ay parang ticket ko na iyon para makapasok sa mismong venue dahil mukha namang sosyalin ang magkakaroon ng party.

"I'll talk and inform them that you'll be attending," ani Sir Wyatt. Sumang-ayon ako sa kaniya at hindi mapigilan ang pagngiti.

Bilang lang ng mga daliri ko ang mga pagkakataong nakadalo ako sa isang party. Syempre, hindi ganito kagarbo ang natatanggap kong imbistayon. Pero maliit man o malaki, basta isang selebrasyon, party na agad ang tawag ko roon.

Kahit nasa kalagitnaan ng trabaho, hindi ko maiwasang isipin kung gaano ba kaganda ang magiging venue o kung ano ba ang madalas na ginagawa nila roon. Sa mga teleseryeng nakikita ko sa TV, madalas may sayawan at kwentuhan. Mayroong mamahaling inumin at pagkain. Pakiramdam ko tuloy ay matutupad na ang pangarap kong maka-experience ng mala-teleseryeng ganap.

"Parang kinikilig ka riyan?" tanong ni Alice sa akin habang naglilinis kami ng magkabilang mesa.

Napawi agad ang ngiti ko sa tanong niyang iyon. "Ah, wala. May party kasi akong pupuntahan."

"Wow naman! Excited ka siguro, ano? Ang ganda-ganda ng ngiti mo. Mapagkakamalan ka tuloy na parang baliw," biro niya.

Mahina akong napatawa. "Hindi naman masyado. At saka, trabaho naman iyon."

"Kahit na! Aba, baka swerte mo ng makakilala ng mayaman doon."

Naiiling ako sa sinabi ni Alice. Hindi naman lalaki ang ipupunta ko roon. At saka, malabo namang may magkagusto sa akin mula sa prominenteng pamilya. Kung may papansin man, siguro ay dahil na rin sa boses ko kasi iyon naman talaga ang magiging trabaho ko. Magiging singer ako roon para sa party.

Kinabukasan ay in-inform ako ni Sir Wyatt na pwede ko raw hiramin ang gowns na naroon sa bistro. Sinabihan na rin niya si Sir Nordz na kung maaari ay tulungan ako sa pag-aayos para raw hindi hassle para sa akin.

Kaya noong araw ng party, sa dressing room ako ng bistro nag-ayos. Todo asikaso si Sir Nordz sa akin dahil first time raw na maiimbitahan akong kumanta sa gaganaping party ng hotel.

"Hindi na nga kailangang ayusan ka, eh!" utas ni Sir Nordz habang naglalagay ng kolorete sa aking mukha. "Perfect na ang face mo! Kaunting kulay lang at mas lalo kang nag-g-glow. You don't have any skin care routine, right?"

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Where stories live. Discover now