Kabanata 1

3.6K 115 4
                                    

Kabanata 1

Above the Sea of Fog

"You..." sambit nito at malamig ang tingin sa akin. Agad akong nagbaba ng tingin at nagtago sa likuran ni Sir Nordz. Walang epekto iyon dahil mas matangkad pa pala ako kay Sir Nordz.

"Magkakilala kayo, Sir?" rinig kong tanong ni Sir Nordz. Hindi yata nakatunog ang huli kaya pilit akong pinapapapunta sa harapan niya.

"No," anito. "To what business does she have here?"

Suminghap ako nang maramdamang nasa harapan ko na siya. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin ngunit agad ding binawi nang makita ang matalim nitong tingin sa akin.

"Aplikante po natin, Sir! Gusto niya raw pong kumanta rito sa bistro." Tila excited si Sir Nordz. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko nang dahil sa lalaking nasa harapan.

Pinagsisihan kong sinabi ko noong isang araw na hindi na kami magkikita.

"Aplikante?" ulit niya. "Okay."

Nakahinga ako nang maluwag nang umatras siya mula sa akin. Inangat ko na ang aking tingin sa kaniya. Inisang linya ko ang aking mga labi nang makitang hindi niya ako nilulubayan ng tingin.

Natatandaan niya nga ako. Sabagay, ang mukha ko ay mabilis tandaan kasi nga iba dito sa lugar. Kahit na ilang taon na ako ritong naninirahan, may iba pa ring nagtatanong kung bagong salta lang ba ako.

"Doon ka sa stage, Syrean. Own it! Kahit anong kanta ay pupwede."

Itinulak ako ni Sir Nordz patungo sa maliit na platform na nandoon. Naroon pa si Sir Wyatt kaya naman iniwasan kong mapatingin sa kaniya. Nakahinga naman ako nang maluwag nang umalis siya roon malapit sa platform at tumabi kay Sir Nordz.

Inalis ko ang bara sa aking lalamunan. Nang makatayo na sa gitna ng stage na iyon ay tumingin ako sa harapan. Ang mariing tingin ni Sir Wyatt ay nasa akin pa rin. Gusto kong balewalain ngunit talagang hindi maalis-alis iyon.

Lalo pa at ang atensyon niya ay nasa akin. Gwapo siya kung tutuusin. Pareho kami ng kulay ng mga mata, mapusyaw na tsokokate. Nga lang, parang hindi bagay sa kaniya na ganoon ang kulay dahil mukha siyang masungit kapag sobrang seryoso. Minsan ay biglang tataas na lang ang kilay at parang maling galaw lang ay huhusgahan ka na. Matangkad at medyo may kaputian din ang kaniyang balat, hindi katulad sa mga usual na makikita dito sa Marina, maliban na lang kung foreigner. Kaya mangha ako palagi kapag may nakikitang nakatira rito sa Marina at medyo may kaputian ang balat.  Pakiramdam ko kasi ay hindi naman ako nag-iisa. Mukha naman kasing foreigner si Sir Wyatt at kahit sa paglalakad, agad na marami ang mapapalingon.

"Sing," sa malamig na boses ay sinabi iyon ni Sir Wyatt.

Huminga ako nang malalim. Binalewala ko muna ang malamig na tinging iyon at ipinikit ang aking mga mata. Nagsimula ako sa unang verse ng kantang pumasok sa isip ko.

"Moon river...wider than a mile. I'm crossing you in style some day..." Unti-unting namutawi sa aking labi ang ngiti habang pinapakinggan sa aking utak ang ritmo ng kantang Moon River. Sa lahat ng napakinggan kong kanta, ito na yata ang paborito ko kaya...kahit sinong maki-usap na kumanta ako, iyon agad ang kakantahin ko.

Dinagdagan ko ng sariling estilo ang pagkanta upang tumaas ito. Nakaka pampakalma nga ang original version pero dahil kailangan kong matanggap sa trabahong ito, kailangan kong dagdagan iyon.

"Waitin' 'round the bend, my huckleberry friend...moon river and...me."

Nakangiti ako at balewala lamang na nahakot ko na pala ang atensyon nang naroon. Hanggang sa matapos ako sa pagkanta ay suot ko pa rin ang ngiti. Pumalahaw ang tunog ng eksaheradong palakpak ni Sir Nordz habang nakatingin na ako sa kanila. Kinailangan kong tapunan ng tingin si Sir Wyatt upang makita ang kaniyang reaksyon. Ang iilang workers na nandoon ay pumapalakpak din dahil sa aking naging performance.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Where stories live. Discover now