Kabanata 26

1.6K 55 9
                                    

Kabanata 26

Above the Sea of Fog

Limang taon na ang alaalang iyon pero sobrang sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari. Noong gabing iyon, sinundo ako ng isa sa mga tauhan ni Mrs. Estancia at dinala sa airport kung saan naghihintay sa akin si Ma'am Shan. Halos hindi na ako nanlaban nang isakay nila ako sa sasakyan at halos wala na akong kibo nang nasa eroplano na. Tulala ako at tila hindi na mahukay pa kung ano ang kailangang isipin.

Tumatak sa akin ang sinabi ni Mama at kahit itanggi ko iyon, alam ko namang wala pa ring magbabago. Iyong hinanakit ni Mama noong gabing iyon, alam kong hindi niya gawa-gawa lamang. Nabakas ko sa kaniyang mukha na siya'y sobrang galit kasi nagsinungaling ako at naglihim. Bumalik lahat ng sakit ng pinagdaanan niya na ako rin mismo ang nagdulot. Na kahit pa pilit kong itinutulak palayo ang nalaman, unti-unti namang yumakap sa akin ang lungkot at sakit. Lungkot para sa taong hindi ko na makikitang muli at sakit para sa ipinagbabawal na pag-ibig.

Tila wala na ngang saysay pa kung magpapatuloy ako. Rumaragasa lahat ng tanong sa akin at isa na roon ay kung para kanino pa ba ang boses ko. Para kanino pa ba itong pangarap ko kung ako mismo...hindi na kumikibo para abutin ito. Akala ko ay unti-unti nang nauupos ang pag-asa ko ngunit hindi ako pinabayaan ni Ma'am Shan. May isang taong kinumbinsi ako na kahit hindi na iyon para sa pamilya...na sana ipagpatuloy ko para sa sarili.

Today, I am Elizabeth Schuyler Hamilton. Sa malaking entablado ng London, ilang ulit kong pinatunayan na kaya kong makipagsabayan sa iba kahit na nagsimula ako sa wala. The five years I've had was nothing but a story of a woman who strived hard to be here. Umibig ako, nasaktan at nasaktan nang paulit-ulit at bumangon. Just like the protagonist of the Hamilton, one of West End's most popular theatrical show, she's been on tough situations-where she fell in love, she got betrayed and lost a loved one. She mustered up the courage to continue her beloved's legacy until she became a famous philanthropist who helped many families in America.

Naglakad ako sa madilim na stage at ang paroroonan ay ang gitnang bahagi kung saan naroon ang isang upuan. Dala ang aking lampara, inilawan ko ang aking daanan habang sumusunod naman sa akin ang spotlight ng entablado. Sa paglalakad, sumabay sa akin ang paulit-ulit na ritmo ng musika na humihina at lumalakas, simbolo ng damdamin ng senaryong aking ilalahad.

Nang makarating ako sa upuang iyon, dahan-dahan kong inilapag ang aking lampara at umupo. I opened the letter that almost lost its beauty as time passed. It was a worn out piece of paper which contains the letter of Alexander Hamilton to his wife, Eliza. Gaya ng nasa rehearsals, inalala ko ang nararamdaman ni Eliza habang binaba ang mga liham na ipinadala sa kaniya. Sa paraan ng aking paghawak sa liham, ipinakita ko ang aking kalungkutan.

"I saved every letter you wrote to me...From the moment I read them...I knew you were mine...You said you were mine...I thought you were mine..."


Burn was the song in the Act two of the show. Unang basa ko palang sa bawat parte ng Hamilton ay nahumaling ako kung gaano kaganda ang kwento. What captured me the most was the character of Elizabeth. Elizabeth is strong and empathetic. Gaya ko, inuuna niya ang iba bago ang sarili. She speaks volume as to women were, before we were given the rights to speak for ourselves. Ang kaibahan lang namin ni Elizabeth...halos mahal siya ng lahat nang nasa paligid niya. Everyone cherished Elizabeth's character because she was the image of a good woman.


Ngunit kahit ang isang mabait na babae ay napapagtaksilan din. Elizabeth was in love with her husband, Alexander. At hindi niya inaasahan na siya rin pala ang magdudulot ng sakit sa kaniya.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon