Kabanata 24

1.5K 49 4
                                    

Kabanata 24

Above the Sea of Fog

"You looked even more better in person, Miss Romano! Talaga ngang tama si Mrs. Estancia na sa mukha pa lang, mukhang may ibubuga ka na. But of course, I've also seen and studied your performance."

Naupo kaming dalawa sa loob ng restaurant na pinili niya kung saan kami mag-uusap tungkol sa kontrata. May iilan na kaming napag-usapan tungkol sa recruitment kaya naman itong mga sasabihin niya sa akin ang mga clarifications lang at iilang requirement na kailangan tulad passport, valid ID at kung anu-ano pang papeles na kailangan. At dahil wala pa naman akong passport, kailangan kong mag-apply. Pwedeng kapag naroon na ako sa Maynila at nagt-training na. Ang mga napipili naman tuwing training ay ipinapadala sa ibang bansa.

"Please don't hesitate to contact me if you need some help with the application. Lahat naman diyan ay basic lang at kailangang mo lang sagutin. We usually don't pick based on what's written on the papers, Syrean. For formality lang iyan dahil namimili naman ang guild base sa talento. At sa nakikita ko naman, mukhang dedicated ka at mahal na mahal talaga ang talento."

"Maraming salamat po sa tulong ninyo, Ma'am Shan. Hayaan niyo po at tatawagan ko kayo kung sakali man. Kailangan ko pa rin po kasing magpaalam sa Mama ko dahil wala pong magt-trabaho para sa amin. Kung wala po kasing kita, hindi ko rin naman po mapapaaral ang mga kapatid."

"You don't have to worry about that. Maaari kang makapaghanap ng trabaho sa Manila while on training. Though you need to be careful kasi boses ang iyong puhunan kaya hindi pwedeng mapagod. We require training on a reasonable time dahil alam naming napapagod din ang boses."

"Thank you po ulit. Magtatagal pa po ba kayo rito? Mamamasyal?"

Umiling siya. "Hindi. Nagpunta lang talaga ako rito para makausap ka. Mrs. Estancia already told me that you were really interested and when I saw that video clip, I knew you could be one of our stars."

"Hindi po ba ako masyadong matanda para sa ganito?"

"Oh please, you're not! We're not always too young or too old for our dreams, Rean. Ang iba nga ay nakakapagtapos ng pag-aaral sa edad na 50. Ikaw, you've just begun. We have different paces and those paces make us unique to each other. Ang takbo ng isa ay hindi naman takbo ng lahat, Rean."

Marami pang sinabing abiso sa akin si Ma'am Shan bago siya umalis. Ang susunod niyang balik dito ay kapag na -aprubahan ang aking application at para maihanda na rin ako kung sakaling pupunta man ng Maynila. Nag-offer na rin daw si Mrs. Estancia sa kaniya na kung maaari ay maging sponsor ko siya kung kakailanganin ko ng pera.

Hindi ko alam kung bakit sunod-sunod ang biyayang natatanggap ko. Hindi ko mapasalamatan nang lubos si Mrs. Estancia dahil bukod sa ipinakilala niya ako sa agent, nagpasya rin siyang maging sponsor kung sakaling tutuloy ako. Ang problema ko na lang ay kung paano ko sasabihin sa aking ina na aalis ako. Mahirap kumbinsihin si Mama sapagka't ako ang breadwinner ng pamilya. Alam kong sa akin sila umaasa dahil hindi naman sapat ang kinikita ni Mama sa pananahi. Ang lighthouse ay hindi naman parating tampulan ng mga turista. Ang mga kapatid ko naman, hindi pwedeng magtrabaho dahil nag-aaral pa. Ayaw kong maranasan nila 'yong magmamadali sa pag-uwi dahil kailangan pang pumasok sa trabaho.

Ang hirap na ikaw 'yong inaasahan sa inyong pamilya sapagka't kaya mo. Ang hirap kasi nangako akong ako ang mag-aahon sa amin, kahit ano pa man ang pagdaanan ko. Sa kabila ng paghihirap, iniisip ko na sa huli naman, ngingiti ako. Ngingiti ako kasi nagawa ko naman lahat. Hindi ako nagkulang sa pagbibigay sustento sa pamilya namin. Hindi ako nagkulang sa pagbubuhos ng lahat ng lakas matapos ko lang ang trabaho at lilipat naman sa isa. Ngingiti ako kasi marangal ang ginawa ko. Ni hindi ako nag-inarte at nagdalawang-isip sa pagkuha ng dalawa o hanggang sa tatlong trabaho sa iisang araw.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz