Kabanata 14

1.9K 73 6
                                    

Kabanata 14

Above the Sea of Fog

Literal na lumundag ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Bumalik ang pamilyar na kaba na naramdaman ko kanina lang nang ilahad niya ang kamay sa akin at nang tumabi na ako sa kaniya sa ibabaw ng kabayo. Alam ko sa sarili ko na parehong-pareho ang nararamdaman ko ngayon. May kung ano sa sinabi niya na parang humahalukay sa aking lalamunan. Parang hindi ako makapagsalita.

"Ready to order, Sir?" Napalundag ako sa aking kinauupuan nang may magtanong sa gilid ko. Buti na lang at doon natuon ang atensyon ni Sir Wyatt sa kaniya. Mabilisan akong pumili ng kakainin at kahit saan man ako tumingin sa listahang iyon, wala ni isa ang makakapagligtas sa aking bulsa sa pagkabutas. May isang pagkain pa nga roon na halos isang buwan ko ng sahod sa pag-w-waitress.

Nahihiya akong pumili kaya kung ano na lang 'yong malapit sa mura ay siyang in-order ko. May idinagdag pa roon si Sir Wyatt pero hindi ko na pinansin dahil abala ako sa pagkukuwenta sa aking babayaran kapag natapos na kaming kumain. Dapat talaga siguro ay humiwalay na ako kay Sir Wyatt nang dumating kami rito. Sana ay inirason ko na lang na pwede namang mamasyal na lang siya mag-isa sa pupuntahan niya at mamamasyal din ako ng akin. Hindi pa natatapos ang araw na ito ay mawawalan na agad ako ng inipong pera.

"How is your dog? Do you take him to the vet?"

"Her, Sir. Babae si Isla."

"Isla? Like your name?" Sandaling kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Kadalasan kasi ay hindi naman natatandaan ng iilan ang pangalawang pangalan ko. Kapag tamad nga ako minsan, Syrean na lang nga ang inilalagay ko kahit iilang letra lang naman ang pangalawang pangalan.

"Para hindi mahirap at unique naman kasi 'yong name. Bagay naman sa kaniya."

Nagkibit-balikat siya. "'Coz it's telling her no man is an island. That dog found you, Rean."

"Kung sinagasaan mo Sir, malamang hindi niya ako mahahanap," hindi ko napigilang sabihin pero agad ko rin namang binawi iyon. "Joke lang, Sir. 'Wag niyong masyadong dibdibin kasi safe and healthy naman siya. Mas marami pa ngang kumain sa akin at saka good girl naman siya."

"Do you take her to the vet? I heard puppies are prone to sickness."

"Magastos at malayo sa amin kaya hindi ko naman madadala. At healthy naman siya, hindi niya naman kailangan iyon. Malalaman ko naman Sir kung masama ang pakiramdam o kung masaya siya. Kapag napamahal na sa'yo, malalaman at malalaman mo rin naman kung may mali. So far naman, masiglang-masigla si Isla."

"And you shouldn't hesitate on taking her to the vet if ever something happens."

"Kung ganoon lang din naman, kay Doc Ada ko na lang dadalhin. At least panatag ako."

Sumang-ayon siya roon. Ilang oras ko pa lang naman na nakikilala si Ada ay magaan na agad ang loob ko. Siguro kasi ramdam ko naman na may ilan din siyang pinaghirapang abutin bago siya nakarating sa ganitong klaseng pamumuhay. At sa totoo lang, mas ginanahan akong magpursige kasi gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Kahit nahihirapan, kailangang kayanin ko kasi iyon lang naman ang tanging paraan.

Ilang minuto lang ay dumating na ang pagkain namin. Halos malaglag ang panga ko kasi sa iilang piraso lang naman ng pagkain, ang laki-laki na ng halaga. Gusto ko na lang isipin na mabubusog ako sa bawat katiting na piraso. Iisipin ko na lang na sulit naman ang ibinayad kong pera sa pagkaing kinuha ko.

Mas lalo akong napanganga dahil may iilan pang idinagdag sa aming mesa. Ang palagay ko ay order na iyon ni Sir Wyatt kasi hindi naman ako um-order nang marami. Kasya lang sa budget ko ang pinili ko kaya hindi na ako magtataka kung isang plato lang ang nasa tapat ko ngayon.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu