Kabanata 13

1.9K 86 6
                                    

Kabanata 13

Above the Sea of Fog

Laglag ang aking panga nang makita ang mga naggagandahang kabayo na nakatayo sa kani-kanilang kwadra. Una naming pinasok ni Sir Wyatt ang barn kung saan naroon ang iilang alagang hayop ng Camporazzo farm. May baka, kambing, kalabaw at kahit mga manok ay mayroon din sila. Hanga nga ako kasi kahit napakaraming hayop ang naroon, ang linis-linis pa ring tingnan ng bawat lagayan ng mga hayop. Halatang strikto ang ipinapatupad na utos para magmukhang presentable ang farm sa mga bisita.

"Alagang-alaga po talaga ni Doc Ada ang mga hayop dito, Ma'am. Kahit paglilinis sa mga kwadra, naka-daily inspection po 'yan. Araw-araw ay bumibisita rito para lang i-check kung maayos ba ang lagay ng lahat."

Hindi ko pa man nakikita sa personal ang asawa ni Reeve, humahanga na agad ako. Hindi mo aakalain na isang babae ang namamahala ng buong farm at isa pa, ang pagiging doktor ay isang mahirap na trabaho. Lagi kong nababasa noon na ilang oras din silang tumatagal sa isang operasyon o 'di kaya ay duty. Ilang oras silang maglilibot sa mga pasyente para lang masiguro na maayos ang kalagayan nila. Hindi rin naman kasi naiiba ang hayop sa mga tao. Katulad natin, may mga pangangailangan din naman ang mga hayop.

"Ay eto pala sir! Si Lewis, last month lang po dumating dito sa amin. Gusto niyo po bang subukan?"

Napakurap ako nang humarap na sa isang kulay brown na kabayo. Kahit sa kinatatayuan ko, kitang-kita kung gaano kakintab ang kaniyang balahibo. Matikas na matikas ang pagtindig at nakakaengganyo kung paanong iba ang kulay ng kaniyang buhok sa kaniyang buntot.

Nang ialis siya sa kwadra ay napaatras ako at napakurap dahil sa ganda ng kabayo.

"What kind of horse is Lewis?" tanong ni Sir Wyatt nang abutin at haplusin niya ang mukha ng kabayo. Gumawa ito nang maliit na ingay at mas lalong ini-usog ang ulo sa kamay ni Sir Wyatt.

Mukhang gustong-gusto siya ng kabayo, sa isip-isip ko.

"Morgan, Sir. Buti nga at ipinadala agad dito kasi wala na nga raw mag-aalaga. Binili na lang din nina Ma'am."

Nakasunod lang ako kina Sir Wyatt habang inilalabas nila ang kabayo. Nang naroon na, inayos muna ng staff 'yong parang upuan sa kabayo. Si Sir Wyatt naman ay tinawag ako kasi sobrang layo ko naman sa kanila.

"Are you afraid of the horse, Rean?" tanong ni Sir Wyatt.

"Hindi. Ano lang...um, ngayon palang kasi ako nakakita sa malapitan," nahihiya kong sabi habang inilalakbay ang tingin. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakalapit nang ganito sa isang kabayo. Noon kasi ay nanunuod lang kami kapag may dumadaan sa lighthouse at hindi rin naman namin nilalapitan.

Hindi ko naman nakitaan ng gulat o panlalait ang mukha ni Sir Wyatt nang sabihin ko iyon. Sa katunayan, tinawag niya pa nga ang staff at tinanong kung pwede bang dalawa kaming sasakay roon sa kabayo. Agad akong umalma dahil nakakahiya naman kung iisang kabayo lang ang aming gagamitin. Baka mali pa ang isipin ng iba sa amin.

"Don't worry, it's safe." Parang hindi ko na mapipigilan si Sir Wyatt nang sabihin niya iyon.

"And besides, you're a first time rider. Kailangang may kasama ka." Sandali siyang natigilan at nagtaas ng kilay sa akin. " Or do you not trust me? Hindi naman kita ihuhulog, Rean."

"Hindi naman sa gano'n, Sir!" Tumaas ang boses ko nang umalma. Hindi iyon ang iniisip ko, siyempre! Ang sa akin lang, baka may makakita sa amin dito at gawan kami ng issue. Ayaw kong makaabot iyon sa Costa at siyempre, sa nanay ko.

"I won't let you fall, Rean," seryosong aniya sa akin. "I'll be careful," dagdag niya na nagtunog pangako tuloy.

Napakurap ako at napatango. Sinundan ko ng tingin ang kaniyang pagkilos sa kabayo. Halos mabilis lang ang kaniyang pagsampa at nang naroon na sa itaas, mas lalo kong nakita ang aming kaibahan.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Where stories live. Discover now