Kabanata 4

2.8K 85 3
                                    

Kabanata 4

Above the Sea of Fog

Masarap namnamin sa kamay ang paunang sweldo sa trabaho, lalo na kung alam mong pinaghirapan mo at nagbuwis ka ng oras at pawis para rito. Lagi ng ganito ang pakiramdam ko sa tuwing nahahawakan ang tseke na naglalaman ng halaga ng aking pag-t-trabaho. Hindi man nagtatagal sa kamay ko, alam kong hindi mawawala sa aking memorya ang pakiramdam na saglit kong nahawakan ang kaligayahang iyon.

Oo nga't hindi nabibili ng pera ang kaligahayan pero para sa aming mahihirap lang at kailangang magsumikap, maituturing naming kaligayahan ang pera. Hindi maiintindihan ng iba kung bakit iba ang sayang nararamdaman namin kapag nakahawak na ang pera. Ang iba ay sasabihing kami ay masyadong uhaw para roon at makasarili pa nga kapag halos inangkin na namin ang lahat. Hindi nila maiintindihan na iba ang hirap na nararanasan namin sa iba na kaya naming ituring ang pera na parte ng aming kaligayahan.

"Buti naman at naka-sweldo ka na. Kailangan natin ang pera para kay Shyra dahil magtatapos na ng highschool. Kailangang bayaran na ang kanilang class picture," sabi ni Mama nang makita niya ang inilapag kong pera nang sumunod na araw pagkatapos kong makuha ang aking sweldo.

May sinabi pa si Mama na mga babayaran namin at alam ko na ang iba roon. Isinama ko na iyon sa kalkulasyon ko bago ko bawasan ang aking sweldo. Kailangan ko pang bayaran si Sir Wyatt. Maliit na halaga lang muna pero at least, naunti-unti ko ang bayad.

"Sayang, Rean! Sana ay sumama ka kahapon para naman makapag-inom ka. Lagi namang diretso uwi ka kapag tapos na ang shift mo," nakangusong sabi sa akin ni Alice na isa sa mga katrabaho ko sa resto.

"Payday pa naman. Sayang din kung hindi ka magsasaya diba?" gatong ni Rachel.

"Ah, hindi naman ako umiinom. Sayang lang din naman."

"Ilang taon ka na nga ulit? 22? Sus, pwede ka nang mag-inom!" Si Alice ulit iyon.

Umiling ako kasi hindi talaga ako umiinom. Para sa akin, aksaya lang ng oras, panahon at lalo na ng pera ang pagbili ng alak. Walang maidudulot na maganda iyon para sa akin. Laging may nakatatak na memorya sa akin sa tuwing may nakikita akong naglalasing——iyong tipong kahit kakilala nila ay hindi nila sinasanto.

Hindi ko nakikita ang kasiyahan ng pag-inom ng alak. Bukod sa mainit at mapait sa lalamunan, bakit nga ba nabibighani ang lahat dito?

"Naku! Sa susunod ha? Sumama ka sa amin. Kahit hindi ka na uminom. Masyado kang mahigpit sa sarili mo eh ang bata-bata mo pa. Parang may inaalagaan kang bata!" natawa silang dalawa. "Si Rachel nga na may anak na eh nagsasaya pa, ano ka pa kayang walang asawa at anak? Naku, kailangan mong maka-experience kahit paminsan-minsan lang, Syrean. Maikli ang buhay."

Maikli nga naman ang buhay kaya hindi ko aaksayahin ang oras para roon. Marami pang bagay ang mas makabuluhan kaysa pagsasaya at pag-inom.

"Water?" Tiningala ko ang naglahad ng baso ng tubig sa akin. Sa aking pagkurap ay nakita ko sa aking harapan si Sir Wyatt at nakadungaw sa akin. Bumaba ang tingin ko sa inilahad niyang baso ng tubig.

Walang-alinlangang kinuha ko iyon. "Salamat, sir."

"I heard that you were looking for me?" aniya at nanatili sa aking tabi. Niyakap ng aking mga palad ang baso ng tubig at uminom ako na parang kape iyon sa umaga.

Katatapos lang ng pangalawang set ko sa bistro kaya nagpapahinga ako. Himalang ngayong gabi ay walang kasamang kahit sino ang aking boss. Simple lang rin ang pananamit nito na para bang pagod mula sa pag-t-trabaho at magpapalipas lamang ng oras dito. Sa gilid ng aking mata ay sinulyapan ko ang kanyang hantad na braso. Tila minadalanang pagtupi sa kaniyang itim na sleeves hanggang siko.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora