Kabanata 9

2K 86 6
                                    

Kabanata 9

Above the Sea of Fog

Naging madalas na si Sir Wyatt sa bistro ngunit hindi gaya ng mga nakaraang linggo, wala siyang dinadalang babae o kung sinuman. Laging kaswal lang ang kaniyang suot at nakikihalubilo lang din siya sa mga lumalapit at bumabati sa kaniya roon.

Hindi ko alam kung hanggang ngayon ba ay minamanmanan niya ako. Hindi naman na naulit 'yong pambabastos sa akin kaya wala na siyang pwedeng ikabahala. Pakiramdam ko nga ay naging limitado ang bisita ng bistro dahil doon pero hindi naman nabawasan ang halaga ng natatanggap kong pera. Gaya ng nasa usapan, tinaasan din ni Sir Wyatt ang sweldo ko sa pagkanta dahil nabawasan na ang pakikihalubilo ko sa mga customers. Hindi naman maliit ang tip na natatanggap ko pero wala rin naman akong reklamo dahil sa pagtaas ng sweldo.

"Scotch para kay Sir Wyatt?" Inilapag ko sa kaniyang harapan ang halos ginto ng inumin. Matamis ang ngiting iginawad ko kay Sir Wyatt nang mag-angat siya ng tingin sa akin.

"You're supposed to be resting, Syrean," aniya sa akin.

"Uupo lang ako rito, Sir. 'Wag kayong mag-alala," tugon ko sa kaniya at umupo nga sa bakanteng stool na nasa kaniyang tabi.

"Did you skip a line from that song a while ago?" tanong niya sa akin nang mapermi na ako. Nilingon ko naman siya at may kunot sa aking noo.

"Napansin niyo pa 'yon, Sir?" natatawa kong tanong. "Akala ko ang jazz band lang."

"I know that song so well so skipping a line is noticeable to me."

Hindi ko alam kung ano ang nagbago sa pakikitungo namin sa isa't-isa. Parang biglang isang araw lang ay nagkakausap na kami na para bang magkaibigan. Siguro ganoon naman talaga kapag nais mong makilala ang tao. Kailangan mong maging komportable sa kanila o sa ipinapakita nilang kabaitan sa'yo. Sa kaso ni Sir Wyatt, hindi ko alam kung ilang beses niya na ba akong natulungan.

Alam kong hindi naman maganda ang pagkakakilala namin sa isa't-isa at hanggang ngayon pa rin naman ay hindi ko pa lubusang nababayaran ang kautangang iyon. Pero kapag natapos na, sana ay hindi matapos ang kung anumang komunikasyon ang mayroon kami.

Bilang lang ng mga daliri ko ang mga taong nagpakita ng kabaitan sa akin. Hindi sa lahat ng oras, dahil maganda ako o kaaya-ayang tingnan ay nakakatanggap ako ng tulong o puri sa kaninuman. Kapag nalaman nilang anak ako ng isang Romano, agad-agad din naman silang nagsisiiwas ng tingin. Pili lang ang mga taong itinuring ko talagang mabuti sa akin at natulungan ako.

"Paborito niyo 'yong kanta, Sir?" tanong ko, dala na rin ng kuryusidad kung bakit alam niya ang kanta.

"No. I just know the song," aniya bago uminom sa kaniyang inumin. Pasimple ko lamang siyang pinanuod ngunit agad ko ring iniwas ang aking tingin.

Dumating si Michael sa aming harapan at nilapag ako ng tubig. "Water for Miss Syrean," biro niyang sambit.

"Salamat, Mikes!" tugon ko dahil nakaramdam na ako ng uhaw.

"Mikes?" tanong ni Sir Wyatt nang makaalis na si Michael sa harapan namin.

"Masyado ng mahaba ang Michael sir, kaya Mikes na lang din. Rean nga lang din ang tawag nila sa akin dito."

"But you prefer Syrean?"

"Okay naman ako sa dalawa, Sir. Kung saan komportable, edi roon. Ako pa rin naman 'yon," ngumiti ako sa kaniya.

Tumango si Sir Wyatt. "So you don't have a problem if I call you Rean, too?"

"Boss naman kita, kaya pwede na rin." Nagkibit-balikat ako bago uminom ng tubig.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Where stories live. Discover now