Kabanata 7

2K 79 10
                                    

Kabanata 7

Above the Sea of Fog

Sapo ko ang noo habang papasok na sa bistro upang mag-practice sa aking gig. Sandaling nakaramdam ako ng hilo nang matigil ako sa paglalakad. Literal na umiikot na ang paningin ko kaya paminsan-minsan ay napapatigil ako sa paglalakad.

"Syrean! Nandyan ka na pala. Naghihintay na ang banda sa'yo," untag ni Michael nang lumabas siya mula sa bar at namataan ako sa pinto.

Sinilip ko siya sa maliit na siwang ng aking mata. "Magandang gabi, Michael," bati ko.

"Okay ka lang?" alalang tanong niya.

"Oo naman!" Umayos agad ako ng tayo at ngumiti sa kaniya. "Medyo nauntog lang ako kanina sa pader habang papunta rito kaya medyo masakit ang noo ko," palusot ko.

Naningkit ang mata ni Michael ngunit tinawanan lang din ang aking katangahan. "Ingat-ingat din naman, Rean! Sayang ang maganda mong mukha."

Tinawanan ko lang iyon bago ako nagpaalam sa kaniya na tutungo na sa jazz band.

Nakatanaw sila sa akin habang papalapit ako. Nahihilo ako ngunit kaya ko pa namang maglakad. Siguro ay kailangan ko lang uminom ng maligamgam na tubig para mahimasmasan.

Kaya ko pa namang basahin ang mga letra at iilang nota. Kaya sa tuwing kumakanta na ako ay ipinipikit ko lang ang aking mga mata para hindi na masyadong mahilo. Mukhang epektibo naman. Nang magkaroon ng break ay nanghingi ako kay Michael ng isang baso ng tubig.

"Namumula ka. Okay ka lang ba talaga?" sipat nito sa akin.

Nag-thumbs up ako habang umiinom ng tubig. Nang maubos na iyon, laking pasasalamat ko dahil mukhang nagiging okay na ang lagay ko.

"Medyo pagod mula sa biyahe eh pero okay na 'ko."

"Kumain ka ba ng hapunan? Pwede namang magtawag ako roon sa kitchen para makakain ka. Baka pagalitan ako ni Sir Wyatt kapag hindi kita inasikaso."

"Naku!" Agad akong umiling. "Huwag na, okay lang ako. Kumain na ako kanina sa bahay at hindi naman ako madaling magutom."

"Sabi mo 'yan ha? Pag ako, ni-report ni Sir Nordz, maniningil talaga ako Rean!"

Humalakhak ako at umiling-iling. Sinigurado ko kay Michael na okay lang talaga ko bago ako bumalik sa jazz band para mag-practice. Buti na lang at kaunting pagkakamali lang naman ang nagagawa ko. Kung masyado namang mababa ang tono ko, sila ang nag-a-adjust para sa akin.

Hinding-hindi na talaga ako iinom ng gan'on. Hindi naman ako sanay at mas lalong ayaw ko namang sanayin ang sarili roon. Mabuti lang lumayo sa bisyo kaysa malulong nang wala namang kinabukasan para roon.

"Good evening, Sir!" Nilingon ko ang direksyon ng bar area kung saan rinig ko ang boses ni Michael. Nahanap ng aking mga mata ang pigura ni Sir Wyatt na kakaupo lang doon sa mataas na stool.

Agad kong iniwas ang aking tingin nang akmang lilingon na ito sa aking direksyon. Ngumiti ako sa aking kausap na ginang na inalukan ng inumin.

Puno ng rolyo ng pera ang bulsa ko habang naglalakad sa iba't ibang table. Talagang gabi-gabi ay hindi nawawalan ng customers ang bistro at mas dumami pa yata sa tuwing nagp-perform ako. Masaya ako, syempre. Bukod sa marami ang nanunuod, malaki-laki rin ang nauuwi kong pera nang dahil sa tip na natatanggap. Hangga't maayos ang trabaho at trato rito sa akin, hinding-hindi yata ako aalis. Kung ganito lang din naman ang tinatamasa kong halaga, bakit ko pa ba babalaking tumigil sa ginagawa?

"Mind if we invite you in for a few minutes, Miss Syrean?" Naagaw ng aking atensyon ang tanong ng isang lalaki. Lumingon ako sa kaniya.

Sa tingin ko ay iilang taon pa ang tanda nito sa akin. Sampung taon o mahigit kasi halata namang mas matanda rin ito kumpara kay Sir Wyatt.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Where stories live. Discover now