Kabanata 18

1.6K 83 32
                                    

Kabanata 18

Above the Sea of Fog

Nanatili akong tahimik sa kabila ng kaniyang pagtatanong. Tunog lang ng aming paghinga ang naririnig ko at ang mahinang bulong ng hangin sa paligid. Totoo ngang sa katahimikan ay may payapa ngunit kung mananatili ka namang pipi sa nangyayari, kailan ba masosolusyunan ang isang problema? Kung mananatiling tahimik, kailan ba ako titigil sa kakaiwas?

"Wala ka namang ginawang masama,"  mahinang bulong ko sa gitna ng katahimikan. Lumayo ako kahit pa hawak na niya ako sa baywang. Inangat ko ang tingin sa kaniya. "Sadyang ayaw ko lang na magkaroon ng kung ano-anong usapin tungkol sa atin."

"Like what?"

"Na baka mas pinapaboran mo ako o di kaya...isang bayaran." Ibinulong ko ang huling kataga. Alam kong hindi pa naman nangyayari iyon pero paano nga naman kung magtagal at iba ang magiging tingin sa akin ng mga tao?

Sanay naman ako na ginagawan ng kuwento. Sanay na akong masabihan na walang hinaharap o walang pangarap kaya sinusubukan ko rin namang patunayan na kaya ko.

"People only judge what they see. Hindi nila alam ang katotohanan kaya gumagawa ng kuwento. Do you think I'll let that pass when it happens, Rean?"

Umiling ako.

"And for that, you're trying to avoid me?" May pagkadismaya sa kaniyang tono. Kinagat ko ang aking labi at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Kasi talaga namang dapat kitang iwasan, Sir. Hindi maganda na lagi niyo akong kinakausap at hindi rin maganda na napapansin ng iba na kung itrato mo ako ay parang kaibigan. Ayaw ko ng special treatment kasi pinaghihirapan ko naman ang trabaho ko. Ayaw kong sabihan ako ng tao na kaya lang naman ako umabot sa ganito ay dahil tinulungan ako o kung anuman. Hindi ko ugaling manggamit ng tao para sa sariling kapakanan."

Huminga ako nang malalim. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa gilid ng aking baywang at maingat na hinahawakan ako. Ang init ng kamay ni Sir Wyatt na parang ginawa iyong panangga sa lamig na bumabalot sa amin. Patuloy sa pagbulong ang hangin at ang ingay ng paligid ay nilalamon ng tibok ng aking puso.

"Hindi rin maganda na hawak mo ako sa ganitong paraan." Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking baywang at sinubukang alisin iyon. Ipinirmi niya ang kamay at tila nagdikit na iyon sa aking damit na kahit ako ay nahirapang alisin iyon.

"Sir," pagmamakaawa ko. "Ayaw kong may makakita sa atin at kung ano naman ang iisipin."

Hinarap ko siya na may determinadong tingin. Bumaba ang mga mata niya sa aking baywang ngunit agad ring ibinalik ang atensyon sa aking mukha.

"Let them think what they want to think, Rean. The only thing that matters to me right now is to know your reasons."

"Gusto mo ba ako?" walang preno kong tanong sa kaniya. Kung hindi ko pa itatanong iyon at hindi ko makukuha ang sagot, siguradong hindi rin naman ako makakatulog ng mahimbing.

Ayaw kong bigyan ng malisya ang paghabol at paghintay niya sa akin ngayon hangga't hindi ko nakukuha ang sagot. Kung wala naman siyang gusto sa akin, bakit pa ba siya magpapakahirap na maghintay para lang makuha ang dahilan ko? Bakit kailangang hawakan niya ako nang ganito kung wala lang din naman pala? Ilang araw pa ba ang aabutin bago ako tuluyan ng lubayan nang gan'ong mga tanong?

"If I answer your question, will you stop avoiding me?" Parang bata ang kaniyang pagkokondisyon. Simple lang naman ang sumagot ng oo o hindi. Ang daling umiling o tumango.

"Kahit ano naman ang sagot ko, lalayuan pa rin——

"Then, yes. I like you, Syrean Romano." Naiwang nakabuka ang aking labi sa kaniyang agarang pagsagot. Wala siyang sinayang na pagkakataon para lang hulihin ako at patigilin sa pagsasalita.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Where stories live. Discover now