Kabanata 11

2.2K 83 10
                                    

Kabanata 11

Above the Sea of Fog

"Don't be nervous," bulong sa akin ni Sir Wyatt nang hawakan niya nang mabuti ang aking kamay. Napalunok ako at halos hindi makatingin sa kaniya sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

Kung isa akong kamatis, siguro'y matagal na akong pinitas dahil pulang-pula na ako.

Tumikhim ako para mabawasan ang aking hiya. Rinig ko si Sir na nagsasalita at binibigyan ako ng instructions sa gagawin. Mahinang bulong iyon dahil may iba rin kaming kasama habang nagsasayaw.

"Just step on my feet if it's really difficult for you, Rean," rinig kong aniya. Tumango ako kahit halos wala ng maintindihan sa kaniyang sinabi. Medyo may ideya naman kasi ako kung paano sumayaw. May alam naman ako kahit papaano.

Nang magsimula na ang panibagong tugtug, maingat na hinapit ako ni Sir Wyatt sa baywang. Iniwasan ko ang mabigla nang todo. Walang malisya naman ito at magsasayaw lang naman kami! Natural lang naman na humawak sa baywang.

Kagat ang labi, dahan-dahan ay iniangat ko ang tingin kay Sir Wyatt para makita ang kaniyang mukha sa malapitan.

Heto na talaga ang pinakamalapit naming distansya sa isa't-isa. Parang matutulala na lang ako dahil sa sobrang lapit namin, pwede na niya akong mahalikan sa isang galaw niya lang. Napaatras ako ng ulo nang bigla siyang tumingin sa akin.

"Still nervous?" aniya at nangingiti na.

Hindi agad ako nakasagot dahil sa kaniyang ngiti. Iba kasi iyon sa nakasanayan kong makita sa kaniya. Ngunit parang nakakagaan ng loob ang ngiti niyang iyon. Ang sabi nga nila, totoong masaya ang tao kapag umaabot sa kanilang mga mata ang kanilang ngiti. Ibig sabihin, ang pinapakita ng taong iyon ay ang totoong siya. Walang tinatago ang kaniyang kasiyahan.

"Nakatulala ka na sa akin, Rean." Mahinang tumawa si Sir Wyatt dahilan para mapakurap ako.

"Sir?" tanong ko.

"Nothing." Umiling siya. "You look beautiful, by the way." At tumitig pa siya nang matagal sa akin habang nagsasayaw kaming dalawa.

Nagsalubong ang kilay ko sa kaniya. "Binobola niyo naman ako, Sir." Mahina akong tumawa para mawala ang kaba sa komplimentong iyon.

"It's not bola, Rean. Totoo ang sinasabi ko. Haven't you seen yourself in the mirror? I'll gladly bring you one, if you want," suhestiyon niya pa at nangingisi.

"Hindi na, Sir. Alam ko naman iyon."

"Alam mo...na?" Tumaas ang kaniyang kilay.

Tumango ako. "Alam ko na maganda po ako. Buhat ko ang sariling bangko, Sir."

Sa gulat ko ay tumawa siya. Kahit ang katabi naming nagsasayaw ay napalingon sa bigla niyang pagtawa. Umawang ang aking labi dahil mukhang nakakahiya iyon para sa katabi namin.

Nang mapansin niya ang gulat ko ay tumigil ngunit kagat naman ang labi. Kahit gano'n, kita ko ang tinatago niyang ngiti.

"That's right. You should know that you're beautiful yourself."

"Mula bata pa ako Sir, alam ko na iyon."

"Hmm, I have to say you've been carrying your bangko every since you're a baby."

Hindi ko alam kung nakakatawa ba iyon sa kaniya pero nangingiti naman siya sa sariling sinabi. Inikot niya ako at maingat ding sinalo nang bumalik ako sa kaniyang bisig. Parang nasa pelikula lang, na ako ang bidang babae at isinasayaw ako ng mahal na prinsipe. Nawala ang aking kaba habang nakapatong ang aking kamay sa kaniyang balikat at ang isa nama'y hawak ang kaniyang kamay.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Where stories live. Discover now