kabanata 7

23.4K 472 34
                                    

Mag-isa lang akong pumasok ng bahay ng mahatid ako ng maid, kaya ko naman pumasok ng hindi hinahatid. Hindi ako bago dito.

Nakita kong may mga new maid sa bahay. Ang dating maid lang ang nakakakilala sa 'kin, hindi na bago sa 'kin kung hindi nila ako kilala.

"Nasan sila?" tanong ko sa bagong maid, hindi sya pamilyar sa 'kin kaya alam ko kung sino ang bago dito.

Yumuko sya bago sumagot.

"Nasa trabaho po, ma'am." Mahina ang boses nya

Tumango at senesyahan na syang umalis.

Nilibot ko ang paningin sa bahay. Marami ng nagbago sa mga design, inalis na rin ang picture namin dati sa taas. Wala na akong nakikitang picture dito. baka pinatago na.

Maaalala lang nila si Naomi kapag hindi nila iyon inalis.

Pagkatapos kong maglibot sa bahay, pumasok ako sa dati kong kwarto. Hindi pa rin nagbabago ang design ng kwarto ko pero ang napansin ko ang picture frame namin ni Naomi nawawala na rin.

"F*ck, them!," mura ko sa sobrang inis, kung ayaw nila maalala si Naomi wag na nilang pake alam ang kwarto ko.

Binagsak ko ang katawan sa kama. Malayo ang byahe ko kanina kaya napagod ako. Pinikit ko ang mata at sinubukan umidlip.

Dumilat ako ng marinig ko ang katok ng pinto, bumangon ako sa kama habang nakakusot nag mata. pagbukas ko ng pinto nakita ko si Manang.

Niluwagan ko ang pagbukas para makapasok sya.

Nang makapasok na si manang sinarado ko na ang pinto.

"Manang!" mahina kong tawag sa kanya.

Tiningnan nya ako mula ulo hanggan paa bago ngumiti.

"Miss na miss na kita, Avery!" niyakap ako ni manang. Ginantihan ko naman sya.

Si manang lang kakampi ko simula ng mamatay ang kambal ko. Sya na rin ang naging pangalawang nanay ko. She always take care of me, nanjan sya tuwing napapagalitan ako. naiintindihan nya ang ugaling meron ako.

Bumitaw sya ng yakap.

Dinala nya ako sa kama at pinaupo. Sinunod ko lang sya.

Bumuntong hininga sya bago nagsalita.

Nilibot nya ang tingin sa kwarto ko.

"Inalis ng Mommy mo ang picture frame nyo ni Naomi dahil umiiyak sya tuwing nakikita nya ang kambal mo." Malungkot nyang hinawakan ang palad ko.

Close si manang at Naomi kaya nalungkot din sa manang ng mawala ang kambal ko. Kahit ilan taon na ang lumipas wala pa rin nakakalimot sa kambal ko.

"Okay lang iyon, manang. Bahay nya rin ito kaya wala akong magagawa kung ialis nya lahat ang gamit dito sa kwarto ko." Ngumiti ako pinahiwatig na okay lang iyon sa 'kin.

Hinaplos ni manang ang pisngi ko.

"Inaalagaan ka ba ng asawa mo?" napatigil ako sa tanong ni manang.

Umiwas ako ng tingin, nanatili akong tahimik ng ilang minuto, kilang kilala ako ni manang at alam nyang nagsasabi ako ng totoo o hindi.

Tumayo si manang kaya sinundan ko lang sya ng tingin.

"Bumaba ka na, Avery, naghihintay ang Mommy mo sa baba." Ngumiti si manang.

Kahit hindi na ako magsalita alam na nyang hindi ako inaalagaan ng asawa ko, minsan na nyang nakita kung paano ako itrato ni Archer.

Naunang lumabas ng kwarto si manang, bumuntong hininga mo na ako tyaka sumunod.

My Unwanted Wife [Book 1]Where stories live. Discover now