kabanata 10

23.5K 440 46
                                    

"Umalis ka na dito,"s abi ko sa lalaking kanina pa tumitingin sa 'kin.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi dumarating ang sundo mo." Nagcross arms sya at umupo sa sofa.

Tumaas ang sulok ng labi ko. Natatakot ba syang patayin ko ang sarili ko? kanina ko pa sya pinapaalis dito sa apartment, pero ayaw nya.

Ilang oras na rin ang lumipas matapos mangyari ang kanina. Kinuha ko ang telepono ko sa table at pinasok sa bulsa ng damit ko. Lowbat na rin kaya hindi ko na mabubuksan.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Archer.

Malamig ang titig ang binigay nya sa 'kin ng makita ako, bahagya akong napangiti pero mabilis ko rin inalis.

"Umuwi na tayo." Bumuntong hininga sya.

Umiling ako bilang sagot, sinamaan nya ako ng tingin.

Alam nya rin siguro ang nangyari kanina dahil kinausap ng pake alamerong lalaki si Archer.

"Btw, alis na ako," paalam ni lalaking pake alamero.

"Thanks, Justine!" Tumango si Justine kay Archer bago lumabas ng kwarto.

Tumaas ang kilay ko dahil kilala nya ang pake alamerong lalaking iyon.

"Let's go!" hinawakan nya ang kamay ko pero inalis ko.

Kumunot ang nuo nya.

"Hindi ako sasama sayo, Archer." Nilampasan ko sya at umupo sa sofa.

Pagod na ako, hindi ko rin kayang bumyahe ka si gabi na.

Pinikit ko ang mata, sinusubukan kong umidlit.

Naramdaman ko ang pag upo ni Archer sa tabi ko.

"Don't do it agai, Avery. Hindi lang ikaw ang mawawala." Napamulat ako ng hawakan ni Archer ang buhok ko.

Bahagya ko syang nilingon.

Nakita ko ang pagod sa mata nya, na'ka tuxedo pa rin sya pero magulo na kagaya ng buhok nya.

Pinapaikot nya ang isang daliri sa buhok ko.

Isang oras at fourty tree minutes ang byahe kung walang trafic na naganap sa kanya. Malayo rin naman ang batanggas at manila.

"Bakit ka pumunta dito?" tanong ko sa kanya.

Kung wala man talaga syang pake alam sa 'kin, hindi na nya ako pupuntahan pero ayoko pa rin umasa sa lahat ng pinapakita nya.

Binitawan nya ang buhok ko at pinikit ang mata. He's trying to avoid my question.

Pero hindi ko sya tinantanan. Tahimik lang akong tao pero tuwing sya ang kasama ko bigla bigla na lang magsasalita ang bibig ko.

Paulit ulit ko syang kinakalabit pero hindi pa rin sya nagmulat ng mata.

Archer always hurting me hindi na bago sa 'kin iyon. Sanay na ang katawan ko sa masasakit na salitang binabanggit nya sa 'kin. Hindi pa rin ako susuko hangga't hindi magbabago ang tingin nya sa 'kin.

"We should sleep, Avery. Uuwi tayo bukas sa ayaw at sa gusto mo, babalik ka sa poder ko." Tumayo sya at hinawakan ang kamay ko.

Sumunod lang ako sa kanya, binuksan nya ang pinto ng kwarto at pumasok kami doon.

Binitawan nya ang kamay ko at naunang umupo sa kama. Pinanood ko lang ang bawat galaw nya

Inalis nya ang jacket at necktie na nakasabit sa leeg nya. Sunod ang botones ng polo nya.

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko ng alisin nya ang polo at lumantad sa 'kin ang katawan nya.

Nilingon nya ako ng nakataas ang kilay.

My Unwanted Wife [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon