kabanata 15

21.7K 420 44
                                    

Maaga kaming umalis ng bahay ni Archer para hindi abutan ng trafic, ni hindi ko na nagawang makapag paalam ng maayos sa pagmamadali ni Archer bumalik ng manila.

Inis na ginulo ni Archer ang buhok ng maabutan kami ng trafic, binalingan nya ako ng tingin pagkatapos bumaba ng tingin nya sa suot ko.

Nagsalubong naman agad ang kilay nya.

"Napaka ikli na naman ng suot mo." Hinubad nya ang jacket nya at pinatong sa legs ko.

Inis kong inalis ang jacket nya at binalik sa kanya. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Hindi na ako bata para pagbawalan sa susuotin ko, gusto ko ang suot ko ngayon." Nag cross arms ako.

I'm wearing black skirt and white top, alam kong masyadong maiksi pero ito talaga yon gusto kung suotin ngayon.

Hindi naman ako lalabas at sya lang ang makakakita ng suot ko.

"Fine, suotin mo kung anong gusto mo at kapag may nang bastos sayo maluwag pa ang impyerno." Sinuot nya ang jacket nya. Kumuyom ang kamao nya at pinandar ulit ang makita ng sasakyan.

Hindi ko sya pinansin, tinuon ko lang ang tingin sa kalsada, paminsan minsan sinisilip ko sya kung magbabago paba ang galit nyang mukha.

"Stop looking at me, hindi ako makapagdrive mg maayos kung palagi kang nakatingin." Tumingin sya sa 'kin pero mabilis lang, nagfocus sya sa pagdridrive.

Hindi pa rin ako nagsalita, nang dahil sa sinabi nya hindi ko na sya nilingon pa ulit, gawin nya kung anong gusto nyang gawin.

Hininto ni Archer ang sasakyan sa tapat ng jollibee.

"Bibili lang ako ng pagkain natin. Wag kang aalis jan." Tinaasan nya muna ako ng kilay bago lumabas ng sasakyan.

Bumuntong hininga ako. Sinundan ko sya ng tingin hanggan sa makapasok na sya sa loob ng jollibee.

Inalis ko ang tingin kay Archer, kumunot ang nuo ko may makita akong pamilyar na tao.

Iinomin na sana nya ang milk shake ng mapansin may nakatingin sa kanya, lumapit sya sa taong grasa at binigay ang iniinom nya.

"Napaka bait nya talaga." I smiled. Hindi ako nabigo sa pagkakakilala sa kanya.

Hindi ko namalayan naglakad na ako palabas ng sasakyan, sinundan ko si Angela.

Nakita ko syang nakatayo sa tapat ng isang statue. Lumapit ako at tumabi sa kanan bahagi nya.

Lumingon sya sa gawi ko ng mapansin ako.

"Ate Avery?" gulat na tawag nya sa pangalan ko.

Ngumuti ako.

"Namiss kita, Ate." Bigla akong niyakap ni Angela, ginantahin ko sya ng yakap at hinaplos ang buhok nya.

"Kumusta ka?" tanong ko. Nagbitaw sya ng yakap at tuwang tuwang nakatingin sa'kin.

"Okay lang ako, Ate. Kumusta kayo ng bestfriend mo?"

Naikwento ko kay Angela ang ibang nangyari sa'min ni Archer. Ang ibang dahilan ng mga away namin.

Sa sobrang saya ko ng makausap si Angela nalimutan kong kasama ko nga pala si Archer.

Kinapa ko ang telepono ko sa damit ko pero wala akong makapa.

Kinakabahan ako dahil hindi ako nakapag paalam kay Archer at baka hinahanap na ako ng lalaking iyon.

Wala na si Angela sa harap ko dahil umalis na sya. May naramdaman akong nakatingin sa 'kin.

Paglingon ko sa likod ko wala naman, kaya naglakad ulit ako.

My Unwanted Wife [Book 1]Where stories live. Discover now