Kabanata 21

23.4K 380 21
                                    

"Wala pa naman akong nakikitang kakaiba ngayon sa katawan mo pero kailangan mo pa rin uminom ng gamot pagkatapos mong kumain Mrs. Pascoe."

"Mrs. Pascoe!" tawag nya sa 'kin.

Nakailan ulit nya pa akong tinawag bago ko marinig ang sinabi nya, nawawala ako sa sarili, hindi ako makapag isip ng mabuti.

"Anak makinig ka sa Doctor mo," narinig kong pamilyar na boses. Paglingon ko sa kanan ko nakita ko si mom.

Kumunot ang nuo ko kung bakit sila nandito? kasama nya si dad.

Akmang hahawakan nya ang kamay ko ng ilayo ko. Malungkot nya akong tiningnan.

"Bakit kayo nandito?" kumulo ang dibdib ko ng balak nya akong lapitan.

"Anak!" tumulo ang luha ni Mom.

Imbes na maawa ako mas lalong nagkaroon ng galit ang dibdib. Tinaboy na nila ako sa pamilya, ayaw na nila sa 'kin kaya bakit nandito sila.

"Umalis na kayo!" huminahon ang boses ko. I tried to calm my self.

Lumapit si Dad kay Mom para pigilan sa paglapit sa 'kin ni Mom.

"Anak, pakinggan mo-" pinutol ko ang sasabihin ni Dad.

"Pakinggan Dad? hindi ko kayo pakikinggan dahil wala na akong pamilya."

"Shhh, Mrs. Pascoe, makakasama sa kalagayaan mo kung gagalitin mo palagi ang sarili mo," sabi ng Doctor.

Bumuntong hininga ako. Sinabi nya lang ito para patigilin akong sigawan si dad at Mom.

"Avery!" Tawag ni Archer sa 'kin.

Hindi ko sya nilingon, nasa kay Mom lang ang tingin ko.

"Fine, pakikinggan ko kayo." Nabuhay ang mga mata ni Dad pero nawala rin agad ng dugtungan ko ang sasabihin." pero hindi mo na ngayon."

Nagpaalam umalis ang Doctor. Maybe he's not comfortable sa sitwasyon nya.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sumagi ulit sa isip ko na wala na akong anak.

"I will talk to My Wife first, Tito. If you dont mind?"

Tinakpan ko ng dalawang kamay ang tainga ko. Ayokong marinig ang pinag-uusapan nila, nababaliw na ako kakaisip sa anak ko.

Ilan minuto lang naramdaman ko na ang dalawang kamay nakahawak sa kamay ko, dahan dahan nyang inalis ang kamay kong nakatakip sa tainga ko. Minulat ko ang mata ko. I saw Archer in front of me.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng magtama ang tingin namin.

"Ang... anak natin," unang lumabas sa bibig ko. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pag iyak ko.

Niyakap nya ako at hinaplos ang likod ko.

"I know, kung pag iyak lang ang makakapag paganda ng pakiramdam mo iiyak mo lang, nandito lang ako. Our little Angel watching us kaya magpagaling ka." Pumaos ang boses nya, hindi nya man sabihin pero ramdam kung nasasaktan sya.

Tumulo ang luha ko, kahit anong pigil ko patuloy pa rin sa pagbuhos. Bumitaw ako ng yakap at pinagtama ang tingin namin.

Pinunasan nya ang luha ko gamit ang hinlalaki ng kamay nya.

"You have to recover, baby. Mag uumpisa tayo muli, natatandaam mo iyon sinabi kung magpapakasal ulit tayo?" tumango ako.

"Pag gumaling ka na gagawin natin iyon, tutulungan kita, hindi mo ito haharapin mag-isa."

Pumikit ako ng maramdaman ko ang malabot nyang labi sa nuo ko. I wish i can do it, hinang hina na ako hindi ko alam kung magagawa ko pang lumaban.

-

Umiling ako ng susubuan nya ako ng gulay.

"Baby, you didn't eat anything simula ng gumising ka." na 'ka ilan ulit nya na akong pinag sabihan kumain.

"Ang pait ng ampalaya, Archer.  Kanina mo pa ako pinipilit na kumain nyan." Ikaw ba naman pagsunod sunurin subuan ng ampalaya.

Nilayo nya sa 'kin ang gulay, nagtaka ako ng pinagpapareho nya ang gulay.

"Asan ang ampalaya?" napakamot sya ng batok. Nahihiya nya akong tiningnan.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ilan taon na ba ang lalaking ito? 27 or 28, ang tanda na para hindi malaman kung ano ang ampalaya.

"Yan kulay green na kulot." Tinuro ko ang tambakan palya sa plato. It's tasted good kung may itlog pero hindi man lang nila nilagyan.

"Ahhh, sorry!"

Pinanood ko ng ilipat nya sa isang plato ang palya, nang subuan nya ako ng ibang gulay sa 'ka ko pa lang kinain. Kunti lang ang naubos ko.

Pinunasan nya ang gilid ng labi ko pagkatapos kung kumain.

Nilapag nya tabi ko ang pinagkainan ko.

"Kumain ka na?" narealized kong kanina pa nya ako sinusubuan pero hindi man lang sya kumain.

"Hindi pa ako gutom!"

Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan nya ng mahigpit. Tinulungan nya akong ialis ang kumot kong nakabalot sa katawan ko.

Nagulat ako ng ihiga nya ang ulo sa tyan ko, hinayaan ko sya. Hinaplos ko ang buhok nya.

"Hindi man lang ako nagkaroon... ng chance na haplosin ang anak natin." Inalis nya ang ulo sa tyan ko.

Nagbabadyang pumula ang mga mata ni Archer.

"I'm sorry, Wife. Kung hindi ako nagpaka gago hindi mangyayari sa 'yo ito. it's my fault." Hinaplos ang kamay ko.

Ngumiti ako.

"Tadhana mismo ang gumawa nito, Archer. Walang may gustong ang nangyari." Pero ang tadhana mismo ang sumira sa pag-asa ko.

Hinalikan ang kamay ko.




My Unwanted Wife [Book 1]Where stories live. Discover now