kabanata 12

21.7K 453 98
                                    

Tatlong araw na akong nagtratrabaho, okay naman ang lahat. Hindi na nila ako tinatanong pa tungkol sa asawa ko, noong una pinipilit nila akong paaminin kung may asawa ba talaga ako.

Akala nila binibiro ko lang ang sinabi ko sa kanila kaya hindi nila masyado siniseryoso.

Kay Archer naman hindi kami nakakapag usap, kapag na sa bahay sya na sa trabaho naman ako. Kapag na sa trabaho naman sya saka ako dumadating ng bahay. Gabi lang kami nagkikita pero hindi namin nagagawang mag usap dahil sa pagod na rin.

Bago ako papasok ng trabaho dumiretso mo na ako sa doctor ko.

"Palala ng palala ang sakit mo Mrs. Hutton, kung gusto mo talagang gumaling. You have to stay here in hospital, hindi ka gagaling kung iinom ka lang ng gamot at papabayaan mo rin ang sarili mo." Umiling ang doctor ko at dismayang tiningnan ako.

Nagdadalawang isip naman talaga ako kung itutuloy ko pa ang pagpapagamot ko. I feel like hindi ko deserve ang buhay ko.

Kung mamatay man ako ngayon tatanggapin ko dahil nakatadhana na iyon para sa 'kin.

Naisip ko ang mga mahal ko sa buhay. Gusto pa ba nila ako mabuhay? pero kung tutuosin hindi na, mas magiging masaya pa yata sila kung mamatay ako.

"Avery, are you okay?" hindi ko namalayan nakaupo na pala sa tabi ko ang doctor ko.

Pinunasan nya ang luhang pumatak sa pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay nya at tiningnan sa mata ang doctor ko.

"Deserve ko ba talaga ang second life, Xian?" patuloy ang paghaplos ko sa kamay ni Xian.

"You deserve it, Avery. Lumaban ka lang at ipakita mong kaya mo. Labanan mo kahit wala sila. Ang kilala kong Avery ay matapang at hindi sumusuko kahit sa anong sakit."

Hindi ko mapigilan matawa ng itaas ni Xian ang kanan palad nya sa harap ko.

Ang tagal din panahon na hindi kami nakapag-usap bilang magkaibigan. Nirerespeto ko sya bilang Doctor, kaya kinakausap ko sya bilang isang professional.

"Kahit gamutin pa kita ng walang bayad, Avery, gagawin ko mapagaling lang kita."

Niyakap ko si Xian ng tumulo ang luha nya. Ayokong nakikita syang umiiyak dahil sa 'kin.

Tinapik nya ang balikat ko, na pa nguso ako sa ginawa nya.

"Kaya wag mong sabihin walang nagmamahal sa'yo dahil nandito pa kami ni Chloe. Hindi mo kailangan ng asawa o pamilya kung wala silang pake alam sa'yo. Hindi mo deserve masaktan. Ang deserve mo maging masaya." Tumayo si Xian at lumayo sa 'kin.

Sinusundan ko lang sya ng tingin.

Nangunot ang nuo ko ng may kinuha syang gamot galing sa bag nya.

Lumapit sya sa 'kin at inabot iyon.

"Ano to?" kinuha ko at binasa ang naka sulat, na sa maliit na bote lang nakalagay at kulay orange.

"Inumin mo 'yan pagkatapos mong kumain ng umaga para maiwasan mo ang pananakit ng ulo mo, bilin sa 'kin ni Doc para sa'yo."

"Doc?"

"Yes, 'yong binanggit ko sa'yo noong nakaraan linggo. Sayang at hindi sya makakapunta ngayon dahil sobrang busy nya." Bumuntong hininga si Xian.

Matagal akong stay sa hospital. Hapon ka si ang work ko ngayon, kaya nilubos ko na rin ang oras para makausap si Xian.

Tumigil ako ng na sa
tapat na ko ng building. Napahawak ako sa dibdib sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Okay naman kanina ang lakas ng kabog ng dibdib ko," Bulong ng isip ko.

Binitawan ko ang dibdib ko at pumasok na ng building. Bumati ako sa mga nadadaan kung mga tao.

My Unwanted Wife [Book 1]Where stories live. Discover now