kabanata 8

22.5K 413 17
                                    


"Flashback"

Isang malakas na tugtog ang naririnig ko sa bar, kinuha ko ang basong may lamang alak at mabilis tinungga.

"Ano ba, Darren," sita ko sa kanya ng ibuga nya sa 'kin ang usok ng sigarilyo. Lumayo ako pinaypay ang sarili para lumayo ang usok ng sigarilyo.

"Sorry naman," sabi ni Darren na lasing na boses.

Uminom ako ulit, pinabayaan kong nakahawak si Darren sa bewang ko. Ramdam ko ang paglilikot ng kamay ni Darren sa bewang ko

"Gago! hindi ako ang girlfriend mo." Inalis ko ang kamay nya sa bewang ko, binigyan ko sya ng basong may lamang alak.

Kinuha nya iyon at ininom. Mapupungay ang mata ni Darren. Mas marami syang nainom kumpara sa 'kin kaya mas lasing narin ito.

"Walang uuwi hanggan hindi natin nauubos 'to." Nilapag ni Chloe ang apat na bote ng alak.

Ngumisi lang ako. Umurong ako ng umupo si Chloe sa pagitan namin ni Darren.

"Xian!," Tawag ni Chloe sa lasing na boses.

Tinaasan lang sya ng kilay ni Xian. Inabot ni Chloe ang alak, kinuha naman iyon ni Xian at binuksan.

Malapit ng mag alauna ng matapos kaming uminom. Hindi pa naman ganoon ang tama ng alak sa 'kin dahil hindi ganoon karami ang iinomin ko. magdridrive ako pauwi.

Pinuntahan ko si Chloe sa dance floor, halos mahilo na rin ako sa dami ng tao, dumagdag pa ang papalit palit na kulay ng bar.

"Ouch!" Daing ko ng matapakan ng isang babae ang sapatos ko.

Patuloy lang ang pagsasayaw nito at walang pake alam kung sino ang natatapakan, tinuon ko na lang ulit ang tingin kay Chloe.

Aabutin ko na sana si Chloe ng may isang taong humawak ng pulpusan ko at dinala sa pinakamalapit na Washroom kung saan kaunti lang ang tao.

"F*ck!" hindi ko mapigilan magmura sa lakas ng pagkakawahak nya ng kamay ko.

Tumigil kami sa paglalakad. Gulat na gulat ako ng bitawan nya ang kamay ko at sinandal sa pader. Inamoy ang leeg ko kaya tinulak ko sya.

"Sino ka?" pinunasan ko ang leeg ko kung saan dumampi ang labi nya.

Sinong sira ulong lalaki na hahablot sa 'kin at hahalikan ako sa leeg? Hindi ko mapigilan ang galit sa dibdib ko.

Nilingon ko ang lalaking humalik sa leeg ko, halos maestewa ako sa kinatatayuan ng makita ko kung gaano kaamo ang mukha nya.

Pero hindi ako nagpadala sa mukha nya. Kumunot ang nuo ko ng masama ang tingin nya sa 'kin na para bang may malaking kasalanan akong nagawa.

"Nag-away lang tayo nandidiri ka na sa 'kin." Hinampas nya ang pader malapit sa mukha ko.

Sa sobrang gulat ko hindi ako nakagalaw. Anong pinagsasabi nya?naka ilan beses naba ako nagpakamalan ngayon araw?

Umigting ang panga nya, nakita ko ang galit sa mga mata nyang pinipigilan wag lumabas.

Ginulo nya ang buhok at hinawakan ako sa bewang.

"Ano ba bitawan mo nga ako." Pilit kong inaalis ang kamay nyang nakahawak sa bewang ko pero mas lalo nyang hinigpitan.

"Baby, please! pakinggan mo naman ako," bulong nya malapit sa tainga ko. Ramdam ko ang pagod na boses nya.

Bumuntong hininga ako at hinayaan syang nakayakap sa 'kin, kapag nalaman ng lalaking ito na hindi ako ang girlfriend nya ewan ko na lang kung anong mangyayari.

Ayokong masabunutan kapag nakita kami ng girlfriend nyang ganito. Gusto ko man umalis pero ang lalaking ito mas lalong sinisiksik ang ulo sa leeg ko.

"I love you, Baby! Wala kaming ginawa ni Nadine at hindi ko kayang magcheat sa'yo. You're my life, my everything, hindi ko magagawa ang iniisip mo."

My Unwanted Wife [Book 1]Where stories live. Discover now