kabanata 11

22.7K 464 43
                                    

Sumama akong umuwi ng bahay, gaya ng na kasanayan ko. Naglinis ulit ako sa sobrang kalat, nagmumukhang bodega ang bahay kapag wala ako.

Maagang umalis si Archer at pumasok ng trabaho, kaya pagkatapos kong maglinis naligo na ako.

Nagsuot lang ako ng maayos na damit.  Ngayon ang araw na pupunta ako ng company nila Chloe. Ichange my mind mas pinili ko na lang maging normal employee kaysa sa maging secretary.

Kaya kong pumili kung anong gusto kong posisyon pero naisip kong unfair naman ang gagawin kong pagpili bilang secretary.

Nagtaxi lang ako papuntang company. Hindi naman ganoon kalayuan. na sa bahay naman ang isang sasakyan pero baka magtaka ang mga tao kung magkokotse ako.

Pagdating ko sinalubong na ako ni Chloe.

"Avery!" niyakap nya ako kaya nilayo ko sya.

"Chloe, baka may makakita sa atin, itrato mo akong empleyado hindi kaibigan." Inayos ko ang damit kong nagusot nya.

Sinamaan nya ako ng tingin. Bumuntong hininga ako at hindi pinansin ang masama nyang titig.

"Fine, pero kailangan mong sundin lahat ng schedule na pinagawa ko sayo. Ayokong maghirap ka dito."

Tumango ako bilang sagot. Wala rin naman ako magagawa kung ipipilit nya. Ginusto ko ito. panindigan ko na lang.

Sabay kaming pumasok ng company. Ang ibang mga tao nakatitig sa 'kin, hindi ko rin mapigilan mamangha sa sobrang laki ng company nila Chloe. Hindi lang naman sya ang nagmamanage nito pati na rin ang daddy nya.

Magkasing laki lang siguro sila ng company nila Archer, pareho lang naman silang successful pagdating sa business.

Magkalaban talaga ang company nila Archer at Chloe.

Pumasok kami ng elevator, pinindot ni Chloe ang Top button.

"Okay ka lang ba talaga sa desisyon ni Archer tungkol sa divorce nyo?"

Nilingon ko si Chloe, tiningan nya ako ng malungkot.

Buti na lang talaga at kami lang dalawa ang tao sa elevator kung  hindi, hindi ako papayag na pag usapin namin ang tungkol sa divorce.

"Kung iyon talaga ang desisyon nya, susubukan kong maging okay. Matagal ko na rin pinaghandaan ito." Pumaos ang boses ko.

"How about your parents? siguro agains't din sila kapag nalaman nilang maghihiwalay kayo ng walang pahintulot."

"I will explain everything for them, siguro kaya rin naman intindihan ng parents ni Archer iyon, sariling desisyon ng anak nila."

"Paano ka? hindi mo man sabihin sa 'kin pero alam kung nahulog ka na sa asawa mo."

Hindi ko na nasagot si Chloe ng bumukas ang elevator, buti na lang talaga dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko.

Na sa harap namin ang janitor kaya lumabas na kami, bago pumasok sa elevator ang janitor.

Napansin kong hindi naman sya katandaan.

Naglakad kami ni Chloe papuntang office nya.

"Good morning, ma'am," bati ng empleyado nya. Tumango lang si Chloe bilang sagot.

"Bakit parang ang bata ng janitor, Ma'am Chloe?"

Huminto si Chloe ng makapasok na kami ng office nya. Tinaasan nya ako ng kilay.

Nagtaka ako kung bakit nag-iba bigla ang mood nya.

Hindi ko alam kung ano kinakagalit nya. Ang tawagin syang ma'am or sabihin ang janitor.

My Unwanted Wife [Book 1]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें