Kabanata 27

21.9K 342 27
                                    

"Kung mahal... mo ako hindi ....mo ako lolokohi, Archer?" umiling si Naomi ng pupunasan ko ang luha nya.

"I love you, Naomi!"

Gulong gulo pa rin ako. Sino ba talaga ang gusto ko? tanga! Naomi is my girlfriend malamang sya ang mahal ko. Nagkataon lang na kambal sila pero si Naomi talaga ang gusto ko. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Umabot ng isang linggo bago nya ako pinatawad, Inalagaan ko sya, hindi ko sinabi ang totoo na wala talagang nangyari sa'min.

Si Avery hindi ko na sya nakita simula nong nangyari. May parte sa 'kin gusto ko syang hanapin pero mas pinili kong tumahimik na lang. Galit pa rin sa 'kin ang pamilya nila kung hindi lang kagustuhan ng Anak nila.

Wala akong narinig sa kanila tungkol kung asan ito.

Isang buwan na pero hindi ko pa rin sya nakikita. Damn it!.

Pumasok ako ng kwarto ni Naomi, ngumiti sya ng makita ako. I smiled back.

"How do you feel today?" i asked.

"Ayos naman."

Umupo ako sa tabi ng kama. Hinawakan ko ang kamay nya at pinagtiklop ang daliri namin.

Wala man lang akong kakaibang nararamdan. Magkaibang magkaiba ang nararamdam ko.

Kumunot ang nuo ko alisin ni Naomi ang palad namin magkahawak. Sinundan ko ng tingin ang mga mata nya. Mapait ang ngiti nya.

"Wag mong ipilit ang sarili mo sa 'kin." Tumingala sya at pinaypayan ang sarili." Archer, mahal mo ba talaga ako?."

Nagulat ako sa tanong nya, hindi ko inaasahan iyon. Natahimik ako.

Mahal ko nga ba talaga sya? kasi siguradong sigurado na ako sa nararamdaman ko. i
Itanggi ko man o hindi.

"Archer, na-"

"Mahal kita!" kusang lumabas sa bibig ko. f*ck! Archer, ang tanga mo talaga.

Nagulat ako ng bigla nyang hatakihin ang necktie ko at hinalikan ako sa labi. kasabay ng pagbukas ng pintuan.

Bumitaw ako ng halik, sabay kaming tumingin.

We saw Avery standing in front of us, she's crying. Tinalikuran nya kami habang umiiyak.

Tumayo ako pero hinawakan agad ni Naomi ang braso ko para pigilan sa pag-alis.

"Babalikan kita." Inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa braso.

Tumakbo ako palabas, nilibot ko ang tingin para hanapin sya. Halos malibot ko na ang buong hospital.

Nang hindi ko na sya mahanap bumaba na ako. Tumigil ako sa pagtakbo.

Huminto ako sa di-kalayuan. Kayakap nya ang isang lalaki. Kumuyom ang kamao ko.

Mas lalo kong napatunayan kung sino talaga ang gusto ko.

Tumalikod ako at hinayaan sila, mapait ang ngiti ko.

Naghintay ako sa labas kung saan naka confine si Naomi. She's sleeping.

Sa isang buwan hindi ko sya nakita para akong nawawala sa ulirat at ngayon bumalik nasya may kasama ng ibang lalaki.

Kinalma ko ang sarili, masasaktan ko talaga ang lalaking iyon kapag nalaman ko ang totoo.

Tumayo ako ng makitang papalapit na sa sya kung saan ako.

"Kung sino sino pa tinatawagan mo andito lang naman ako," sabi ko ng huminto sya sa harap ko.

Sinamaan nya ako ng tingin. Nginisian ko lang sya.

"Anong pinagsasabi mo? Nakita mo 'ba iyon kasama kong lalaki kanina?"

"Kung saan-saan ka pa naghahanap nandito lang naman ako."

"What the hell, Archer? baliw ka na," inis nyang sigaw.

Damn it! baliw na baliw na ako sa 'yo, Avery. Pinipigilan ko lang ang sarili.

Tinalikuran nya ako ng hindi ako nagsalita, dapat lang talaga dahil sa isang buwan mong hindi pagpapakita sa 'min nagalit ako.

Sa tuwing nagtatagpo ang landas namin wala kaming imikan. Umaasta lang syang hindi ako kilala.

Sinusubukan nya pa rin kausapin ang kambal nya, dahil parehong matigas ang ulo nilang dalawa walang sumusuko.

Tinataboy nila si Avery.

"Naomi, tama na!" sigaw ko ng hindi na ako makapag tiis ng makita kong tinulak nya ang kambal.

Lumapit ako kay Avery para tulungan syang tumayo pero hindi nya ako pinansin.

Hindi man lang nanlaban si Avery tuwing sinasaktan na sya, kahit pamilya nya hindi inaawat si Naomi.

"Kinakampihan mo ba ang malanding iyon, Archer?... ako ang girlfriend mo."

Bumuntong hininga ako at niyakap si Naomi, wala akong kinakampihan pero sobra sobra na itong ginagawa nila. Pamilya pa rin nila ito.

I saw Avery crying sa likod ng hospital, unti unti akong naglakad papalapit sa tabi nya.

Hindi ako nagsalita hinayaan ko syang umupo habang umiiyak.

Umihip ang malakas na hangin, hinubad ko ang suot kong jacket at pinatong sa balikat nya. She looking at me.

Hinaplos ko ang pisngi nya, inipit ko ang hibla ng buhok nyang nakaharang sa maganda nyang mukha.

Pinunsan ko ang luha nyang tumutulo. Nakayakap ang dalawang kamay nya sa tuhod, pareho kaming nakaupo sa damuhan.

Nagkamali ako ngpagkakakilala sa kanilang dalawa, kung titingnan mabuti mas masama si Naomi kung para kay Avery.

Avery have a soft heart. She's kind too, pero kulang sya sa pagmamahal ng pamilya kaya nagmumukha syang masama.

"Sabihin mo sa... kanilang walang nangyari sa atin." Umiwas sya ng tingin, nabitawan ko sya.

"No," mabilis na tanggi ko.

Ang maamo nyang mukha napalitan ng galit. Inalis nya ang jacket na pinatong ko sa balikat nya.

Pinulot ko iyon, pagtayo ko pa lang isang sampal na ang umabot sa 'kin

Napahawak ako sa labi ko kung saan mismo tumama ang malakas nyang sampal, mas ramdam ko pa ito kaysa sa suntok ng daddy nya.

"Para... ano? hindi mo sasabihin para pahirapan ako... Archer, sawang sawa na ako sa buhay ko." Hinayaan nya ang luhang patuloy bumubuhos.

Kumuyom ang kamao ko. Mas pipiliin kung ganito dahil mas lalo akong masasaktan kapag nalaman nilang walang nangyari sa 'min. Mas malaking chance na makuha sya ng ibang lalaki sa 'kin. Hindi ko kayang mangyari iyon.

"Archer, magsalita ka naman... maawa ka."

Nagulat ako nang lumuhod sya sa harap ko. Tiningala nya ako, punong puno ng luha ang mga mata nya.

"Avery, tumayo ka jan." Hinawakan ko ang kamay nya at pilit tinatayo pero matigas pa rin talaga ang ulo. Hindi ko inaasahan gagawin nya ang bagay na ito.

Bumuntong hininga ako, tumingala ako kasabay ng pag ngiti ko.

Binaba ko ang tingin kay Avery.

Damn! baby, i'm sorry pero hindi ko hahayaan makuha ka lang ng kahit sinong lalaki. Ako lang pwedeng magmahal sa 'yo ng higit pa sa hinihiling mo.

Iniiwan ko syang umiiyak sa labas ng hospital, pagbalik ko lumakas ang kabog ng dibdib ko makita kong umiiyak ang pamilya ni Naomi sa labas ng confine room.

"Anong nangyari, tita?"

They didn't asnwer me. Umiiyak lang sila, nakayakap si tito kay Tita.

Sumilip ako sa bintana, nawalan ako ng lakas ng makita kong nag-aagaw buhay nalang ito.

Kanina lang okay pa ito. Nawala lang ako saglit ganito na ang mababalikan ko.

"Ang kambal ko," narinig kong boses ni Avery.


My Unwanted Wife [Book 1]Where stories live. Discover now