kanabata 9

21.9K 413 70
                                    

Nasa couch lang ako at tinitingnan ang nagsasayaw na si Chloe at Xian, bihira lang ako sumayaw kapag malakas na ang tama ng alak sa 'kin.

Inabot sa 'kin ni Darren ang isang basong may laman ng alak. Nilingon ko sya habang kinukuha ang alak na binibigay nya sa 'kin.

"You're so beautiful, Avery," bulong ni Darren malapit sa tainga ko.

Ngumisi ako at uminom ng alak. Hindi ko pa nauubos ang hawak ko ng lagyan ulit ni Darren.

Kaming dalawa lang talaga ni Darren ang naiiwan kapag nagsasayaw ang dalawa, sinabihan ko naman sya na samahan sila Xian pero mas pipiliin nya raw makasama ako.

Magkalapit ang katawan namin dalawa. Sinandal nya ang ulo sa balikat ko at ang isang kamay nya ay nakahawak sa bewang ko.

Binitawan ko ang basong hawak ko. Nilingon ko si Darren.

Inalis ko ang ulo nya sa balikat ko at pinagtama ang tingin namin dalawa.

Wala naman akong nararamdaman kay Darren higit sa pagkakaibigan meron kami.

Hinawakan nya ang baba ko, hindi pa naman sya ganoon kalasing.

Unti unting naglalapit ang mukha namin, pinagtama nya ang ilong namin dalawa. Pumikit ako hinintay ang mga labi ni Darren.

Ilang Segundo bago ko naramdaman ang labi nya, dinama ko ang bawat halik ni Darren.

Hinawakan nya nya ang pisngi ko at pinapalalim ang bawat halik namin.

Wala talaga akong maramdaman kay Darren, Kahit gusto kong suklian ang pagtingin nya sa 'kin hanggan kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay.

Bumitaw ako ng halik ng hindi na ako makahinga, pinanatili nyang magkadikit ang ilong namin dalawa.

"I like you, Avery!" naamoy ko ang alak sa kanya.

Hindi ako nagsalita. Ayokong masaktan si Darren dahil wala akong nararamdaman sa kanya. Kaibigan ko sya at hindi ko kayang makitang masaktan sya ulit.

Nagkaroon nga sya ng girlfriend pero sinabi sa 'kin ni Xian na ginawa lang nya iyon ni Darren para makalimutan ako.

Akmang lalayo sya ng hawakan ko ang kamay nya.

"Sorry, Darren, kung hindi kita masagot ngayon." Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

Ayoko syang masaktan pero ayoko rin syang umasa.

Bumitaw si Darren sa kamay ko at syana mismo ang naghawak sa kamay ko.

Malungkot lang ang tingin nya sa 'kin.

Uminom sya ng alak at bahagyang umigting ang panga nya.

Gwapo si Darren. he has a muscular shoulder. Mas matangkad din sya kumpara sa 'kin. Kulay Blue ang eyes nya. Mas maputi rin sya

Gentelman din sya, sa'min magkakaibigan sya ang palaging nanjan tuwing kailangan namin nang tulong. He's loving and caring.

Binitawan nya ang kamay ko, hindi sya nagsalita at patuloy lang umiinom ng alak.

Inagaw ko ang alak sa kamay nya pero hindi nya ako nilingon, kumuha ulit sya ng baso at nilagyan ng alak

Bumuntong hininga ako

Tumayo ako kaya nag angat sya ng tingin.

"What are you doing?" kumunot ang nuo nyang makitang nililigpit ko ang gamit ko

"Uuwi na ako, late na rin, baka pagalitan ako kapag naabutan ulit ako." mag-uumaga na rin at hindi ko napansin ang oras.

Nang kukunin ko ang telepono ko sa table bumigay ang tuhod ko buti na lang nasalo ako ni Darren

My Unwanted Wife [Book 1]Where stories live. Discover now