Kabanata 19

23.2K 433 45
                                    

Saktong pag alis ni Chloe dumating naman si Archer.

"Kumain ka na?" agad na tanong nya ng makita ako.

Tumango ako, kung umasta sya parang walang problema.

"Good, mag-ayos ka may pupuntahan tayo." Hindi ako nakasagot ng pumasok sya ng bathroom.

Narinig ko ang tunog ng tubig dumadaloy. Lumapit ako sa salamin.

Kakapalit ko lang ng damit, sinuklay ko lang ang buhok ko.

Pagtingin ko ng suklay nagulat ako sa sobrang daming nalagas na buhok ko. Agad kong inalis ang buhok ko sa suklay at tinapon sa basurahan.

Ilan oras bago lumabas ng bathroom si Archer, twalya lang suot nya ang maliit na towel naman pinampunas nya sa basa nyang buhok.

Bumaba ang tingin nya sa suot ko. He just smirked.

"You look good in plain dress."

Umatras ako ng lumapit si Archer para kumuha ng damit sa walk-in-closet.

"Saan tayo pupunta?"

"May swimming competition ngayon si Mira. Manood daw tayo." Tumigil sya at nilingon ako.

Naalala ko naman ang narinig kong usapan nila. Hindi na naman maganda ang pakiramdam ko.

Lumapit si Archer sa 'kin. Nagulat ako ng hawakan nya ang baba ko at pinagtama ang tingin namin.

"Hindi ka nya masasaktan hanggat nandito pa ako." Hinaplos nya ang pisngi ko.

Umiwas ako ng tingin at lumayo, kumunot ang nuo nya.

Ayokong magpadala ulit sa mga bawat salita nya, ginagamit nya lang ako.

"Bakit hindi ang girlfriend mo ang pasamahin mo?"

"Girlfriend?"

"Yes, si Bella baka sya pa ang mataggap ng kapatid mo." Pumaos ang boses ko. gago ang sakit.

Hindi sya nagsalita, tinalikuran nya ako at naghanap na lang nang maisusuot.

Kumirot ang dibdib ko sa ginawa nya. Hindi nya talaga itatanggi, paano ko kayang magtiwala sa katulad nya.

Lumabas ako ng kwarto ng mauhaw ako. Bumaba lang ako para kumuha ng maiinom. Nas a living room naman ang mga gamit ko.

Ang sama sama ng pakiramdam ko, hinahawakan ko naman ang balat ko hindi naman ako mainit.

"Baby, anong nangyayari sa mommy mo?" hinaplos ko ang tyan ko. Napangiti ako, kahit dugo pa lang ang bata sa 'kin 'yong lungkot ko biglang napapawi agad.

"Sasamahan kitang magpa check-up pagkatapos." Biglang pumasok si Archer sa kusina.

Hindi ko sya pinansin. Nakatingin lang ako sa tyan ko. I'm 2 weeks pregnant.

"Wala ka naman obligasyon sa bata, kahit hindi mo na ako samahan."

Malamig ang titig na binigay nya sa 'kin. Bubuka sana ang labi nya para magsalita pero hindi nya tinuloy.

"Tara na," aya nya sa 'kin.

Sumunod ako, naunang maglakad si Archer palabas ng bahay.

Nagtataka ako kung bakit hindi ko na naamoy ang dati nyang pabango.

Biglang humunto si Archer kaya na bunggo ko ang likod nya.

Muntik na akong matumba buti nalang nasalo nya agad ako.

"Sh*t! Are you okay?" nag-aalalang tanong nya.

Nakahawak ang dalawang kamay nya sa bewang ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang lapit namin dalawa.

My Unwanted Wife [Book 1]Место, где живут истории. Откройте их для себя