Kabanata 20

23.4K 445 38
                                    

Unti unti kong minulat ang mata ko. Natakpan ko ang mata ko gamit ang kamay ko, halos masilaw na ako sa liwanag, pakiramdam ko ilan araw akong nakahilata.

Nang makarecover ako sa liwanag inalis ko na ang kamay kong nakatakip sa mata ko. Nilibot ko ang paningin ko. Tumigil ang tingin ko kay Chloe.

"Ano to?" tanong ko ng sobrang daming nakakabit sa katawan ko. Naramdaman ko rin may naka sabit sa ilong ko.

"Avery!" her voice broke.

Kumunot ang nuo ko ng paghahalikan ni Chloe ang kamay ko habang umiiyak.

Para bang may flash sa 'kin alaala. Yhe blood?

"Chloe... ang anak ko?"

Tumulo ang luha ko ng biglang kong maalala ang dugong nakita ko sa legs.

Tumigil si Chloe at hindi sya nagsalita pero ang ekspresyon ng mukha nya basang basa ko.

"Chloe... buhay ang anak ko... 'di ba?"

Para akong binagsakan ng lupa at langit ng hindi nya ako sagutin. Umiyak lang sya sa harap ko.

"Chloe... buhay... ang... anak ko." Ingaw ko ang kamay kong hawak nya. Umiling ako at ayaw maniwala.

Tumayo sya akmang yayakapin ako ng itulak ko sya.

"Buhay ang anak ko! Sabihin mong... buhay ang anak ko."

Hindi ko mapigilan hindi sumigaw. Ang buhay ko hindi sya pwedeng mawala sa 'kin. Ang batang pag asa ko.

"Avery, sorry!"

Halos mabingi ako sa paulit ulit sumasagi sa isip ko na wala na ang bata sa sinapupunan ko. Hindi ko na alam ang ginagawa ko.

Inalis ko ang ibang nakasabit sa katawan ko, kahit ang na sa ilong ko inalis ko rin.

Lahat ng naabot ng kamay ko o nasasagi tinatapon ko, pati ang kumot na nakabalot sa 'kin tinapon ko rin.

Tumalsik ang dugo sa kamay ko ng maalis ang nakasabit na kahit ano ano.

"Avery, tama na!" sinusubukan nyang pigilan ang kamay ko.

Hindi ko magawang makinig. Wala na akong pake alam kung masira ko lahat ng gamit dito.

Pakiramdam ko hindi pa rin sapat ang nagawa ko para mawala ang galit at ang pagdadalamhati ko.

"Chloe, buhay ang anak ko," sigaw ko.

Halos mabaliw ako kakaisip. Nahuli ng kamay ko mga boteng na sa gilid, walang pag aalingan kong itapon lahat ng iyon.

"Avery, tama na please!" humarang sa harap ko si Chloe. Niyakap nya ako ng mahigpit kaya hindi ko magalaw ang katawan ko.

Sinubsob ko ang sarili sa dibdib nya. Mas lalong lumakas ang hikbi ko.

"Shhh nandito... lang kami." Hinaplos nya ang likod ko ng huminahon na ako.

"Sabihin mong... buhay ang anak ko," bulong ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi ko inabalang lumingon. Ang sakit sakit pakiramdaman ko nawala lahat sa 'kin. Ang kaligayan ko.

It's Mira fault. Ang babaeng pumatay sa anak ko. Hindi ko sila mapapatawad. Pinatay nila ang buhay ko. Ang kaligayahan gusto ko.

"Pinatay... nila ang anak ko." Huling nasabi ko ng maramdaman kong may matalim na tumusok sa braso ko.


Chloe P. O. V


"Patuloy syang magwawala kung tuwing maiisip nya ang nangyari sa kanya. She need time para irelax ang sarili nya." Tumingin sya sa natutulog na si Avery.

My Unwanted Wife [Book 1]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt