kabanata 6

23.6K 507 124
                                    

Ginawa ko ang lahat para tanggapin ako ni Archer sa buhay nya. I'm still not enough for him.

Sinubukan ko naman syang itrato ng tama. I change my self for him. Ang ugali ko, pananamit ko, everything sinakripisyo ko lahat. Ano pa bang kulang ko?

Hindi ko man sinasabi pero pinaparamdam ko naman sa kanya lahat.

Isang linggo ng lumipas simula mangyari ang gulo sa Cafe ilang ilang, sumama si Archer kay Bella kaya pinaubaya ko nalang dahil iyon ang gusto nya.

It's freaking hurt seing your husband with someone else, taking care of him.

Pinaunlan ako ng maraming tanong ni Kurt pero ni isa wala akong nasagot. Galit na galit sya sa 'kin kung bakit ko pinaubaya ang asawa ko, at kung bakit ganoon na lang ang trato nito sa 'kin.

Sa loob ng isang linggo hindi ako umalis ng apartment araw araw masakit ang ulo ko pero tinitiis ko na lang, sobrang dami kong nakakain gamot tuwing dumadating ang sakit ng ulo ko.

Tiningnan ko ang sarili sa Cr, Para akong tangan natatawa sa sarili.

Hindi ko na makita ang dating ako.

"Mamatay na talaga ako," wala sa sariling bulong ko.

Sinusubukan kong kumain araw araw pero sa banyo lang ang bagsak ko dahil nasusuka ko naman lahat.

Ngayon araw ang check up ko kaya pupunta ako ng hospital.

Gaya ng nakasayan ko nagtaxi ako papuntang hospital.

Kinausap ko na rin ang doctor tungkol sa kalagayan ko.

"Take care your self, Mrs. Pascoe, baka mawalan ka ng chance." Malungkot na tumingin sa 'kin ang doctor.

Pabagsak akong umupo, unti unti na akong nawawalan ng pag asang gagaling ako. Hindi ko mapigilan umiyak sa harap ng doctor ko.

Lumapit ang doctor sa 'kin at niyakap ako.

"Tutulungan kita, Mrs. Pascoe." Hinaplos nya ang buhok ko.

"How?" bumitaw ako ng yakap at tiningnan sya.

"May kilala akong doctor na makakatulong sa'yo. Trust me Mrs. Pascoe. Gagaling ka." Niyakap ko ulit ang doctor ko.

Kahit paano guminhawa ang pakiramdam ko. Hindi man siguro magtitiwala pa rin ako.

Paglabas ko ng room dumiretso ako sa cr, agad agad akong pumasok ng cubicle ng makaramdam ng pagsusuka.

Napahawak ng tyan sa sobrang pagsusuka ko.

Lumabas ako ng cubicle at nag punas ng mukha.

"Avery?"

Tumingon ako sa likod ko kung sino ang tumawag sa 'kin.

Nagtaka ako ng gulat na gulat na tumitig sa 'kin si Bella para syang nakakita mg multo

"Bakit ka nandito?" tanong nya sa 'kin ng makarecover sa pagkakagulat.

Pinagpatuloy ko ang pagpupunas ng pisngi ko at hindi sya pinansin. Tinapon ko ang tissue ginamit ko sa basura.

"Avery, kinakausap kita." Hinawakan nya ang braso ko para malingon sya.

Inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.

"Ano bang ginagawa ng tao kapag na sa hospital?" tanong ko pabalik sa kanya.

Hindi sya nagsalita, nanatili ang gulat sa mata nya.

Lumabas ako ng Cr ng hindi pinansin si Bella.

Paglabas ko ng hospital. Nasilaw ako sa tama ng sinag ng araw.

My Unwanted Wife [Book 1]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें