Kabanata 22

23.2K 370 13
                                    

I'm here standing in front of the mirror, labag man sa loob kung putulin ang buhok ko wala akong magagawa.

Mag-uumpisa ng alisin ng lalaki ang buhok ko ng pigilan ko sya.

"Teka lang-" umtras ako.

"I can't do it!" umiling ako. Saksi ang lahat kung paano ko kagusto ang buhok ko.

"Ma'am, utos po sa 'kin ito-" napakamot ng ulo ang lalaki.

Tumanggi ulit ako. Hindi ko talaga kayang mawala ang buhok ko. Ilan taon kong hindi pinutulan ang buhok ko.

"Anong problema?" nilingon ko ang bagong pasok na si Archer.

Lumapit ako at mabilis syang niyakap. Hinaplos nya ang likod ko.

Akmang lalapit ang lalaki ng sensyahan nya ito.

"Patuloy maglalagas ang buhok mo kung hindi natin ito gagawin, Doctor na mismo ang nagsabi sa atin nito." Binitawan nya ako at pinagtama ang tingin namin." trust me, Baby. Babalik din sa dati ang buhok mo." Hinalikan nya nuo ko.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti, bumitaw ako at lumapit ulit sa lalaki bago humarap sa salamin.

"Sure ka, ma'am?" tanong ng lalaki sa 'kin.

Tumango ako, pumikit ako ng maramdaman unti unti ng pinuputol ng lalaki ang buhok ko, napasinghap ako ng may humawak ng kamay ko.

"Gagaling ka, Avery. Magtiwala ka lang." Humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

Ilan minuto lang natapos nang alisin ng lalaki ang buhok ko. Mapait ang ngiti ko habang nakatingin sa salamin. Wala na akong buhok.

Sinuot sa 'kin ni Archer ang knitted hat. Niyakap nya ako patalikod, pinatong nya ang baba sa balikat ko. We both looking in the mirror.

"May buhok ka man o wala you're still beautiful, my wife." Ngumiti sya.

Palagi nyang pinapakita sa 'kin matatag lang sya pero alam kung dip inside nasasaktan na sya para sa 'kin. Nararamdaman ko mismo iyon.

"I will try my best para gumaling, Archer."

Maraming dahilan para gawin kong inspiration sa pagpapagaling pero ang isa sa mga dahilan ko nawala na. I lost it.

I have my husband and my friend pero pakiramdam ko may kulang pa rin.

"Ang tatag ng anak namin."

I saw my Mom standing in front of the door, binitawan ako ni Archer.

Pareho namin nilingon ang pamilya ko, hindi ko alam pero galit pa rin ako.

Umiiyak sya habang nakatingin sa 'kin. Umiwas ako ng tingin. Nilipat ko ang tingin kay Archer.

"Bumalik na tayo." Umasta akong walang nakita.

Bubuka sana ang bibig ni Archer pero hindi nya tinuloy.

"Anak... kausapin mo naman ako."

Nagulat ako ng lumapit si Mom sa 'kin lumuhod sa harap ko.

"Tita!" gulat sa sabi ni Archer, tutulungan nya itong tumayo pero hindi nakinig.

"Umalis na kayo!" pagmamatigas ko.

Pinipigilan kong wag umiyak. Humakbang ako paatras upang hindi nya ako mahawakan, sa bawat alaala bumabalik sa 'kin narealized kong kinulang ako sa pagmamahal.

Ilan taon akong nanghingi ng pagmahahal sa kanila pero hindi nya man lang ito nakita.

Nagmukha akong rebeldeng anak at walang respeto para sa kanila.

"Anak... patawarin mo ako!" hinawakan nya ang palad ko, paulit ulit nya itong hinahalikan habang umiiyak.

"Hindi nyo dapat ako pagsabihan Anak... ang alam ko pinutol nyo na ang ugnayan natin." Tumulo ang luha ko.

Ang sakit na ng mata ko kakaiyak araw araw. Gusto ko ng tumigil kaka iyak.

Inalis ko ang palad kong hawak ni Mom.

Lumapit si Archer sa kanya at tinulungan nya itong tumayo. May sinabi pa sya dito pero hindi ko na narinig.

"Wag nyo na ulit ako pupuntahan, ito ang huling beses na papayag akong lapitan nyo ako." Nilampasan ko sya, hindi na ako lumingon ng lumabas.

Naramdaman ko ang pagsunod sa 'kin ni Archer. Inalalayan nya ako maglakad, nang malayo layo na kami tyaka ako tumigil sa paglalakad.

Nanghina ang buo kong katawan buti na lang nasalo nya ako.

'Avery!" nag-alala nyang tawag sa 'kin.

Pinikit ko ang mata ko at hinayaan kainin ng dilim ang paningin ko.

-

"Mali ba ang ginawa ko?" unang tanong ko ng magising ako." nasasaktan ako ng makitang umiiyak si Mom sa harap ko, Archer."

Hinaplos nya ang pisngi ko at pinahinahon ako.

Natatakot nasyang mawalan ulit ako ng malay.

"Shhh, stop thinking too much, Wife. Nakakasama na sa kalagayan mo."

"Sinusubukan ko naman silang patawarin Archer pero-" nilagay nya ang sinturo ng kamay nya sa labi ko.

"Walang mali sa ginawa mo. You're still need time para patawarin sila, kapag okay na ang lahat kausapin mo sila."

Magsasalita sana ako ng pigilan nya ulit ako.

"Magpahinga ka muna, tatawagin ko si Mom para bantayan ka."

"Si Chloe?" tanong ko.

"She's tired pinauwi ko mo na para makapagpahinga, pupunta sya dito bukas."

"Mabilis lang ako." Hinalikan nya ang nuo ko bago lumabas.

Pinanood ko sya hanggan mawala na sya sa paningin ko.

Huminga ako ng malalim, nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng kwarto.

Mapakla akong natawa. Hindi ko alam na ibubuhos ko lahat ng oras ko dito sa hospital.

Sinandal ko ang sarili, pinaglalaruan ko ang kuko habang hinihintay ang pagdating ni Tita.

Umangat ang tingin ko ng may naramdaman akong pumasok.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Anak?" tanong ni tita sa 'kin. Nilapag nya ang dalang prutas sa maliit na table sa gilid ko.

"Bumubuti na po." pagsisinungaling ko.

Umupo sya sa kama, lumapit sya sa 'kin at inayos ang knitted hat ko.

"Napaka ganda mong bata, Honey. Kaya lumaban ka." Kinurot nya ang pisngi ko kaya natawa ako sa inasta nya.

"Napaka bolera nyo, tita."

Mawala ang ngiti ko ng napalitan ng lungkot ang mga mata nya.

"I'm sorry, honey, kung nawala ang bata... dahil sa Anak ko." Nahihirapan pa syang banggitin ang pangalan ni Mira.

Pinatong ko ang palad ko sa kamay nya.

"Okay lang iyon, tita. No need to say sorry, naging dahilan lang si Mira sa pagkawala ng bata, kahit hindi gawin ni Mira iyon mawawala rin ang bata sa 'kin."

Sarili ko lang ang nakakaalam kung paano ako magpigil, pero ayokong ipakita sa kanilang hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ng bata sa 'kin at galit na galit ako sa anak nya.

Hindi ko magawang idamay si tita dahil kahit kailan hindi nya ako ginawang ng masama. She always there for me.

"Pinadala namin sa america si Mira."

Ang huling sinabi nya ang mas lalong nagpagigil sa 'kin.

My Unwanted Wife [Book 1]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant