kabanata 3

25K 601 38
                                    

Pagkatapos kong maglinis ng bahay nag ayos na rin ako ng sarili.

Pupunta ako ng condo ngayon para kunin lahat ng gamit ko. Nag decide akong hindi na pupunta doon at ipapaubaya na lang ang condo kay Archer total sa kanya naman iyon.

Buti na lang hindi nya sinakyan ang isang sasakyan, minsan kasi iniiwan nya ang isang sasakyan sa office at ang isa naman ang araw araw nyang ginagamit.

Pumasok ako ng kotse at pinaandar na iyon, malayo ang condo nya dahil aabutin pa ng 1 hour bago makarating.

Hindi ganoon kabilis ang takbo ko kaya mas matagal akong dumating, nang na sa tapat na ako ng building pinarada ko na ang sasakyan.

Bumaba ako ng kotse dala dala ang bag ko, pagpasok ko binati na ako ng mga staff dito. Tumango lang ako.

Tuwing pumapasok ako dito nag aatrasan ang ibang staff, hindi naman ako nagsasalita ng masama. Siguro kilala nila asawa ako ni Archer at akala nila masama na ang ugali ko.

Na sa 16th floor pa ang condo kaya pumasok na ako ng elevator, marami akong nakasabay nong pumasok ako.

Nang huminto ang elavator pinauna ko ng lumabas ang iba bago ako sumunod.

Tumigil ako sa paglalakad ng na sa harap na ako ng condo, y'ung pakiramdam ko nag iiba, kinakabahan ako sa di malamang dahilan.

Pagbukas ko ng condo nakarinig ako ng ingay sa loob.

Sumulip ako pero walang tao, baka nasa dinning sila, nag-aalinlangan akong pumasok.

Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.

"Congrats!" narinig kong sinasabi ng iba.

Pumasok ako at sinarado ang pinto, sinundan ko ang ingay na naririnig ko.

Habang papalapit ako sa dinning pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Bumibigat ang pahinga ko, para bang may sumasaksak sa dibdib ko.

Pumikit ako habang binubuksan  ang pinto kung saan ang dinning.

Nang tuluyan ko na itong mabuksan dinilat ko na ang mata ko.

Pag pasok ko pa lang gumuho na ang mundo ko.

"Thank you, babe!" Hinalikan ni Bella si Archer sa labi, gumanti naman ang halik si Archer.

Nabitawan ko ang bag kong hawak ko kaya napatigil sila. Lahat ng tingin nila na sa'kin.

Nilayo ni Archer si Bella sa kanya, nakita ko ang gulat sa mga mata nya bago napalitan ng isang ngisi.

Pinipiraso ang puso ko, hindi ako makapagsalita dahil para bang may bumabara sa lalamunan ko. 'Yung sakit tagos na tagos sa puso ko.

Paulit ulit ko man sya makitang nakikipag sex sa iba, mas lamang ang sakit ng mapansin ko ang kwentas na suot ni Bella.

Lumapit sa 'kin si bella

Tiningnan nya ako mula ulo hanggan paa.

"Sa ganito ba naman itsura hindi ipagpapalit ng asawa." Tumawa si bella

Nanatili akong tahimik, wala akong pake alam kung ano man ang sabihin nya sa 'kin. Kumuyom ang kamao ko.

Nanginginig ako sa galit.

"Bella," tawag ng kaibigan nya pero hindi nya ito pinansin.

Tumingin ako kay Archer na nakatingin lang sa 'kin.

Ang sakit sakit, wala syang ibang ginawa kundi tingnan lang ako.

"Kung ako sa'yo, Avery, hiwalayan mo na lang ang asawa mo." Hinawakan nya ang buhok ko.

My Unwanted Wife [Book 1]Where stories live. Discover now