Chapter 18-for real?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tsssss! Wala ka talagang ka-sweetan sa katawan." Irap niya sakin.

"Anong gusto mo??? Magtatalon-talon ako sa tuwa kasi tayo na?? E di ba dapat ikaw yon? Kasi sinagot na kita?!" Sagot ko.

"You crazy girl!! I love you!" Ngiti niya sakin and fvck!? Tengene nemen e!! Bakit ba siya naga-i love you sa harapan ko!!? Nakakamatay!

"A-anong sabi mo???!" Bulyaw ko sakanya.


"I said...I love you Jake!"ulit niya. Oh God!! Kill me now.!

"Tse!! Ulul ka!! Wag ka maga-i love you sa harapan ko!" Inis na sabi ko para maitago tong kilig na nararamdaman ko.


"Sus! You're blushing! I love you! I love you! I love you! I-...,"


"Papa!! Why are you shouting!?" Hay! Buti naman at lumapit na si Raprap kundi ay masisira nanaman ang ulo ko sa isang to.


"Look baby...Papa and Mama are officially lovers now. Think of an endearment for us." Tssss! -___- mababatukan ko na talaga ang king inang to. Nakakahiya siya. Nasa public pa kami. Baka isipin ng mga tao na papansin na kami.


"Really?? Uhmmmmm....let me think.." si Raprap

"Congrats sainyong dalawa. Sa wakas at kayo na talaga." Si Red. Tssss. Ayan na nagiging madaldal na si Red.

"Haha! Yeah Red. This calls a celebration later." Tuwang-tuwa si Chua talaga.


"Papa!! Call Mama babe. Sweet endearment right???!" Masayang suggest din ni Raprap. Hahay!! Nahawa na sila sa kalokohan ni Chua.


"Oh pano yan?? Babe? Sabi ng anak natin. Wahahahahahaha! I love you babe!" Tssss! Ewwww! Ang astig noyang tignan pero kung makikita mo siya ngayon para siyang tanga.

"O na! Babe kung babe.! Uwi na nga tayo. Masyado na tayong sikat dito." Saad ko.


Ng naglalakad na kami. Hindi pa man din malayo ang nalalakad namin ay bigla nalang may humarang sa harapan namin. Yung dalawang sa tingin ko ay mag-asawa kanina.


Magkatabi kami ni Chua habang karga niya si Raprap at si Red naman ay nasa likuran namin.

"Ah...Miss mawalang galang lang. Kaano-ano niyo ang batang kasama niyo?" Parang naiiyak na tanong niya sakin. Pagtingin ko kay Raprap ay nakatitig lang siya sa babae.


"He's our baby. Why?" Supladong tanong din ni Chua.

"Mama?!" Si Raprap at ng tinitigan ko ang babae ay may hawig nga sila. Lalo na sa lalaking kasama niya. Parang matandang version ni Raprap.


Very Ironic naman. Kanina lang ay naisip ko ang ganito na kukunin si Raprap samin. At heto nga't magkakatotoo na yata. T_________T. Kumapit ako kay Chua na karga parin si Raprap.


"Let's go to a near restaurant at doon na tayo mag-usap usap." Si Chua at ipinagpatuloy ang paglalakad. Ganun din ang ginawa ko at sumunod naman ang mag-asawa.


Ganon nga ang ginawa namin. Pumunta kami sa pinaka-malapit na restaurant. Umorder agad si Red ng makakain namin. Nasa harapan namin nakaupo ang mag-asawa habang kami naman ni Chua ay magkatabi din sa harapan nila. Si Raprap ay isinama ni Red para umorder ng pagkain.


"Is he you baby?" Panimulang tanong ni Chua.

"Yes. Let me introduce ourselves. I'm Acid Bogz and this is my wife, Sarah. And Raffy is our only child. We used to call him Raprap for short." Si Mr.Bogz. " we lost him a month ago. Ipinasyal kasi siya ng misis ko kasama ang yaya niya sa park at pumunta sa mall. Makulit na bata kasi si Raprap at bibo kaya kung sinu-sino ay kinakausap niya kahit na hindi niya ito kilala at kung saan saan siya pumupunta. May binili ang misis ko sa drugstore kaya iniwan niya si Raprap kasama ang yaya niya sa isang arcade dahil nga gustong maglaro ng bata. At dahil sa kapabayaan ng yaya niya at mas inuna ang ka-meet niyang boyfriend niya at basta nalang iniwan ang anak namin sa arcade na mag-isa. At ng binalikan na nga nila si Raprap ay wala na." Mahabang kwento ni Mr.Bogz.


"Ah..kaya pala. Ng makita niya kami ay tinawag niya pong Papa ang boyfriend ko. At tinawag niya akong Mama. Siya nga din po ang nagsabi ng pangalan niya sa amin e. Nakakatuwang bata.Sa isang food court po namin siya nakita. Sinubukan naman po naming iwan siya sa isang police station at sinabing napulot lang namin ang bata pero hindi po nila kami pinaniwalaan kaya we made a descision na kupkupin nalang po si Raprap." Mahabang paliwanag ko din sakanila.


"Salamat sa Diyos at sainyo napunta ang anak namin. Ganon talaga siya e. Tinatawag niyang Papa at Mama kapag alam niyang lovers kayo." Nag-blush naman ako sa sinabi ni Mrs.Bogz

I think...hindi nalalayo ang edad nila sa amin dahil hindi naman sila ganon ka-tandang tignan.


"At ngayon nga ay matatawag namin na msawerteng araw to dahil nga nakita namin kayo kanina sa park kung saan niya ipinasyal ng araw ng pagkawala niya sa amin. Pabalik-balik kami doon everyday at nagbabakasaling ipasyal siya ng kung sino man ang nakapulot sakanya."ngayon ay umiiyak na si Mrs.Bogz. Nakakaawa siyang tignan siguro ay labis na ang pagka-sabik niya sa anak niya.


" by the way, I'm Lachlan Chua and this is Janjie Kane Socrates, my girlfriend. So what's your plan now? Babawiin niyo na sa amin si Raprap ng ganun-ganon lang?? At pagkatapos? Dahil sa kapabayaan niyo ay mawawala nanaman siya??" Galit na sabad ni Chua at nagulat ako sa reaction niya.


"Ano ba babe?? Wag ka ngang ganyan?! They are Raprap's parents. At karapatan lang nilang bawiin si Raprap sa atin. Hindi naman iyon sinadya ni Ms.Sarah e. Kasalanan yon ng yaya ni Raprap." Umirap lang siya sa sinabi ko. Tsk! Inaatake nanaman siya ng pagiging bastos niya. "Pasensya na po kayo Mr.and Mrs.Bogz. napamahal lang po samin si Raprap." Hinging-paumanhin ko sa mag-asawa.

"Na-naiintindihan namin kayo. Bu-but please. Kailangan na naming bawiin ang anak namin. Miss na miss ko na siya. " umiuyak paring saad ni Misis Sarah.


"Don't worry Mrs.Sarah. Ibibigay po namin sainyo si Raprap. But...pwede pong favor? Pwede po bang mapasyal-pasyalan si Raprap or iuwi-uwi namin minsan para naman po makasama namin siya kahit every weekend lang po." Ako na medyo nahihiya. Pero talagang napamahal lang sa amin-akin si Raprap.


"sure! Sure! You can do that. " si Mr.Acid.


Akala ko ay hindi talaga papayag si Chua na ibalik namin si Raprap. Pero buti nalang at nakinig naman siya sa akin at pumayag sa arrangement na pwede lang namin kunin si Raprap paminsan-minsan.

Nawala man samin ...ahhh no. Ibinalik man namin si Raprap sa mga magulang niya, ay nakakilala naman kami ng bagong kaibigan.

Ang syota kong abnormal [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon