"Abnormal." Mas bumilis pa yung paglakad nya. Ako naman nagtatalon sa sakit.

"Oy! Wait lang!" Tumakbo ko kahit pa-ika ika. Para lang abutan sya.

Pagkarating na pagkarating namin sa room, agad akong nina Alex, Jes, at Lia. Mga kaibigan ko. Si Lia gf sya ni Alex. Magkapatid naman sina Alex at Jes.

"Look! Sabi sayo honey eh. Nagbago talaga si Azer! Nag work out yan!" Sabi ni Lia habang nakayakap kay Alex.

"Ayos ka pre! Gumwapo ka ah. Pero mas gwapo pa rin ako." Inakbayan pa ko ni Jes.

"Kumusta na Azer? Balita ko nag out of town ka raw. Sabi sakin ng mom mo e." Si Alex

"Ahhh... Uhmm... O-oo. Kasi maraming kailangang asikasuhin noong bakasyon." Tumawa-tawa na lang ako.

"Si John nga pala hindi na dito mag aaral." Sabi ni Jes. Si John?

"Bakit raw?" Tumungo na kami sa upuan namin. Si Azeya kanina pa naka-upo. Naka-palumbaba pa.

"Ang sabi nya lang may problema raw sa parents nya kaya lumipat sya sa tito nya." Sabi naman ni Alex at kinuha ang isang libro sa bag nya. Inabot sakin. "Pinabibigay nya. Nakalimutan daw nyang ibalik noong pumapasok pa sya."

Kinuha ko yung libro. Parang wala akong maalalang may pinahiram akong libro? Sa bagay... Sa dami ng nga nangyari noong mga nakaraan parang wala rin ako sa wisyo.

"Class, please settle down." Dumating na yung prof namin. Lalaki sya. Matangkad. Medyo mahaba ang buhok at may tali yun sa likod. May salamin din sya sa mata.

"Sorry I'm late..." May pumasok na babae na may maikling buhok at kulay brown iyon. Agad naman syang pinapasok at umupo sya sa may malilapit sa bintana katabi ko. Sa gilid ko si Azeya.

"Hindi ka pa kasi sumabay sakin e." Sabi ni Azeya. Ha? Ako ba yung kausap nya?

"Sorry talaga..." Sabi nung babae.

Saka lang nag sink in sa utak ko na si Sephiel nga pala to. Nag new look na kasi sya. Naku naman!

"Good morning class, I'm your new professor in social studies. I'm John Freign." Sinulat nya yung pangalan nya sa white board.

I saw Azeya's eyes. Parang galit sya. Bakit kaya? "Azeya? Ok ka lang?"

"Kilala ko sya." Sabi nya na hindi inaalis ang tingin sa prof namin. "Hindi maganda ang kutob ko sa isang yan."

Tiningnan ko naman yung prof at saktong nakatingin sya sakin. Kilala nya ba ko? Mukha ngang hindi sya ordinaryo. The way he stands in front of us, may kakaiba na sa aura nya.

"I want you to introduce yourselves to me. Let us start with..." Naghanap sya sa class record ng pangalan. "Ah, Mr. Azer Zarften."

"Eh?" Nagulat naman ako. Tumayo ako at nakita kong kinuyom ni Azeya ang kamao nya. "Uh--Haha.. Good morning sir. I'm Azer Zarften, nineteen years old and uhh... Good looking?"

Nagtawanan yung mga kaklase ko. Oo na. Hindi na ko gwapo. Lams ko na yun. Pati si sir natawa.

"Okay, Mr. Zarften do you have a girlfriend?"

Napanganga naman ako. Tumingin ako ng palihim kay Azeya. Yun na nga e! Hindi oa official! So... "W-wala po... Sir..." Napakamot ako sa batok. Nakakahiya...

"Tama lang yan. Mag aral muna kayo. For your better future." Sabi nya. "Okay sit down. Next..."

Nag tawag pa sya. Ako naman napatingin kay Sephiel. Nakangiti sya. Nginitian ko naman sya. Si Azeya naman parang wala lang. Tahimik lang sya.

Nang mag lunch break na, may lumapit sakin na babae. Mahaba ang hair at kulot. Mukha syang manika. Nagulat pa nga ako nung Lumapit sya e.

"Hi Azer!" Napatingin ako sa mukha nya. "I'm Jane. Nice too meet you." Nakikipag shake hands sya sakin. E di tinanggap ko naman. Kaso bigla nya kong hinala patayo.

Blade X (Completed) 2016 VersionWhere stories live. Discover now