"Pasok ka muna."

Napalunok ako habang pinanonood siyang pumasok sa loob. Nag-aalangan man, sumunod na rin ako sa kan'ya bago niya isinarado ang gate ulit.

"Tara sa loob, mainit ditto."

Tumango ako bago sumunod sa kan'yang pumunta sa pintuan. Nagsuksok ulit siya ng susi sa door knob bago niya binuksan ang pinto. Pinindot niya ang switch ng ilaw sa pader sa gilid nito at tumambad sa akin ang bahay na may katamtamang laki, kaunti ang gamit at sobrang linis.

"Tara sa loob, maupo ka na muna."

Sumunod ako sa kan'ya papasok sa loob. Naupo ako sa couch habang siya, pinanonood kong pindutin ang remote ng aircon. Unti-unti ko nang nararamdaman ang lamig, 'di tulad kanina na sobrang init. Pagkatapos n'on, pumunta siya sa ref at kumuha mula doon ng isang pitsel ng tubig. Pinanood ko siyang dalhin 'yon sa kusina saka kumuha ng dalawang baso. Inilagay niya ang mga 'yon sa tray bago naglakad pabalik sa akin.

"Wala dito yung pagkain, kukuhanin ko pa pero sandali lang naman 'yon." Tumango ako. Nagsalin siya ng malamig na tubig sa baso saka ibinaba 'yon sa harap ko. "Inom ka muna, mukhang nainitan ka masyado kanina."

Tumango ako. "Sige, thank you." Kinuha ko ang baso saka uminom doon. Mabilis naman akong nakaramdam ng ginhawa nang dahil do'n.

"Wait lang, d'yan ka muna, ah? Babalik din ko kaagad."

Tumango lang ako bilang tugon bago siya pinanood na lumabas ng bahay. Naiwan ako sa loob ng bahay na mag-isa. Tumayo ako at lumapit sa mga picture frame na naka-display sa pader ng living room. Napangiti ako nang makita ang picture niya noong bata. Siguradong siya 'yon dahil halos hindi naman nagbago ang mukha niya. Gano'n pa rin ang itsura niya hanggang ngayon.

Tiningnan ko pa ang ibang mga picture frame. Nakita ko yung picture ng tatay niya siguro. Mayroon pang picture na maraming bata tapos siya lang yung binata. Kaano-ano niya kaya 'yon?

Inikot ko pa ang kabuuan ng living room hanggang sa makakita ng isang picture frame na nakataob. Napalunok ako dahil sa kaba. Gusto kong tingnan kung ano 'yon. Yun lang ang natatanging picture frame na nakataob—parang ayaw ipakita sa kung sino man ang bisita.

Kukuhanin ko na sana 'yon para silipin nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng gate sa labas. Mabilis akong bumalik sa couch at nagsalin ng tubig sa baso. Nang uminom ako ro'n, sakto rin na pagpasok ni Fierro sa front door, may dalang paper bag.

"Ito na yung pagkain, pinaluto ko lang sa may-ari ng karinderya d'yan sa likod," sabi niya bago ibinaba ang paper bag sa center table. "Kuha lang akong plato natin."

Nang pumunta siya sa kusina, inilabas ko na ang mga tupperware na pinaglalagyan ng mga pagkain. Inilapag ko 'yon sa lamesa at saka binuksan isa-isa. Sa isang lalagyan nakalagay ang rice, tapos ang isa ay may chicken tinola. Sa itsura nito ngayon, mukha naman siyang hindi matabang. Pero expected ko na ang lasa niya dahil kaya nga ako dinala ni Fierro dito dahil hindi ako p'wedeng kumain ng mga maalat at masyadong malalasang pagkain.

Nang bumalik siya sa living room, inilapag niya ang dalawang plato sa center table saka ang kutsara't tinidor dito.

"Okay lang ba sa 'yo na maupo sa sahig o gusto mo sa dining area tayo?" tanong niya.

Umiling ako. "Dito na lang, mas okay 'to."

Tinanggal ko ang suot na sapatos saka naupo sa tiles. Maingat pa nga ang ginawa kong pagkakaupo dahil pencil cut ang palda ko. Para akong sirena.

"Anong food mo?" tanong ko.

Itinuro niya ang chicken tinola sa harap. "'Yan din."

Napakunot-noo ako bago lumingon sa kan'ya. "Matabang 'yan, uy! Sana nagpaluto ka rin ng iba o bumili ka ng sa 'yo."

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now