Tumawa siya. "Ang sungit. Sige, maya na lang."

Pagkatayo niya, hinawakan niya pa ang ulo ko bago tuluyang naupo sa inuupuan niya. Lalo kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko dahil sa ginawa niya. Ililigpit ko na sana ang mga gamit ko nang makita si Frieda na nakasandal sa hamba ng pintuan, nakangisi habang nakahalukipkip, nakatitig sa akin. Nang makita siyang maglalakad na papalapit sa akin ay nag-iwas na ako ng tingin.

Naupo siya sa kanan ko, sa usual na upuan niya. "Ano 'yong teleseryeng napanood ko kanina?" bulong niya sa akin habang tinatanggal ang pagkakasukbit ng bag. "Ang aga-aga, may napanood akong nakakakilig an eksena, ha!"

Niligpit ko na ang mga gamit ko sa table saka ibinalik sa bag. "Wala 'yon, nang-aasar lang."

Humagikgik siya. "Nakuuu! Bati na sila!" Sinundot-sundot niya pa ang tagiliran ko habang tumatawa. "Halos kasabay ko lang 'yan dumating! Nauna lang dalawang hakbang sa akin! Ang tagal-tagal kang tinititigan habang nakasubsob ka d'yan, hindi mo man lang naramdaman!"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang ma-imagine na gano'n ang posisyon naming dalawa.

"Ngumingiti-ngiti pa ang lolo mo, akala mo ikaw ang bumubuo ng araw niya, eh! May paghawak pa sa pisngi at ulo ha, naiinggit na ako, mga putang ina!"

Tumawa ako dahil sa huling sinabi niya. "Ang aga-aga, mura ka nang mura! Do'n ka nga!"

Tumingin siya nang masama sa akin. "Porke magkabati na kayo, tinatakwil mo na ako?! Hindi mo na ako mahal?!"

Tumawa ako. "Para kang siraulo, Frieda! Magkape ka nga nang kabahan ka naman sa mga pinagsasabi mo!"

Umirap siya bago sumandal sa inuupuan kasabay ng paghalukipkip. "Yuck, kape! Ew! Kadiri! Ang pait-pait, eh. Ano ba nagustuhan mo ro'n? Tapos 'pag napasobra, magrereklamo na sumasakit ang sikmura! Tapos gusto mong uminom din ako n'on?!"

Tawa ako nang tawa habang pinakikinggan ang mahabang litanya niya. "Napakarami mong sinabi, Frieda! Oo na lang ako, sige!"

Nagtawanan kaming dalawa sa kalokohan namin ngayong umaga. Ilang sandali lang din ay humupa na ang mga tawa namin. Pumangalumbaba siya habang nakaharap sa akin nang nakangiti.

"Gagi, seryoso, medyo kinilig ako sa naabutan kong eksena kanina," mahinang sabi niya habang tinitingnan ako nang mapang-asar.

Hindi niya p'wedeng lakasan ang boses niya dahil hindi naman gaanong malayo ang pwesto ni Fierro sa amin ngayon. Ilang upuan lang ang agwat namin. Kapag lumingon nga ako, makikita ko kaagad siya.

Inirapan ko siya. "Wala 'yon!"

Ngumisi ulit siya. "Paano kayo nagkabati?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Eh . . . eh 'di nagpunta ako sa ano . . . sa tambayan niya." Napalunok ako. "Nagkita kami tapos . . . nag-usap."

Tumango-tango siya.

Hindi ko magawang ikwento kay Frieda na nakita ko kung paano siya makipagbasag-ulo kagabi, lalo na't may involve pang pera 'yon. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Baka mamaya, husgahan niya si Fierro. Medyo judgmental pa naman itong friend ko.

"So, may gusto ka sa kan'ya?" Humalakhak siya. "Sure na akong may gusto siya sa 'yo! Ikaw? May gusto ka sa kan'ya?" mahinang dagdag niya.

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya.

Kung totoo mang may gusto sa akin si Fierro, eh 'di ang saya kasi may gusto rin naman ako sa kan'ya. Kaso, kung hindi pa naman confirmed mula sa bibig niya, ayaw ko na munang umasa. Baka mamaya, nagiging malisyosa lang itong si Frieda.

"M-Madali lang naman magkagusto sa kan'ya."

Tumili siya nang dahil do'n sa sinabi ko.

"Hoy, ingay mo, Frieda!" reklamo ni Melvin.

Hindi niya pinansin ang pangsasaway ng mga kaklase namin sa pagtili at pagtawa niya nang malakas. Maya-maya pa, bumaling ulit siya sa akin saka bumulong.

"So, may gusto ka nga kay Fierro?"

Lumunok ako bago tumango. "O-Oo. Hindi naman bawal, 'di ba?"

Humagikgik ulit siya kasabay ng pagsundot nang paulit-ulit sa tagiliran ko. Paulit-ulit ko rin tinatampal ang kamay niya kasabay ng pagtawa ko.

"Oo, hindi bawal!" She laughed. "Nakakatuwa pala kapag direktang umaamin yung isang tao kapag may gusto sila. Gagi, parang sa akin ka nag-confess!"

Tinawanan ko siya. "Gago ka, 'wag kang kiligin sa akin, straight ako!"

"'Tang inang 'to! Straight din ako!" Nagtawanan kami nang sabay. "So, paano mo na-confirm na may gusto ka na sa kan'ya? Parang kailan lang, dine-deny mo pa, ah?"

I smiled, remembering what happened last night.

"Uhm, malamig kasi kagabi tapos . . . naka-shorts lang ako at shirt. Tapos habang naglalakad kami, hawak niya kamay ko, nasa bulsa niya, gano'n."

Hinawakan niya ako sa braso saka inalog-alog habang mahina siyang tumitili. "Gago ka, sama mo naman ako d'yan next time nang makita ko yung kalandian n'yo!!!"

Tinawanan ko siya habang inaalis ang kamay sa braso ko. "Hindi p'wede, sacred 'yon para sa aming dalawa!"

Umirap siya. "Eh 'di ikaw na!" She laughed. "Oh, tapos? Anong na-feel mo?"

Nagkibit-balikat ako. "Masaya. Nakakakaba." I chuckled. "Tapos sabi niya, mag-tricycle kami, ihahatid niya ako pauwi. Sabi ko, ayaw ko. Gusto kong maglakad kasi ayaw ko pang matapos yung gabi."

Humagalpak siya ng tawa. Sa bawat tawa niya, natatawa rin talaga ako kaya naman sumasakit na ang panga ko ngayon. Napaka-supportive talaga! Kumbaga sa loveteam, siya ang number one fan namin ni Fierro, eh!

"Gano'n din siya," dagdag ko.

Lalong lumakas ang tawa niya kaya naman pati ang mga kaklase namin, nakikitawa na rin kahit na hindi naman nila alam kung anong dahilan ng pagtawa naming dalawa. Ilang sandali pa, naupo sa kaliwa ko si Mona na bagong dating lang.

"Hala, may na-miss ba ako?" tanong niya sa amin pagkababa ng bag.

"Oo, sis! Marami! Puro ka kasi Caleb, hindi ka na updated kay Calista!"

Tumawa ako. "Hayaan mo nga siya! Kung ikaw man, maging ka-close mo crush mo, baka iwanan mo na akong mag-isa!"

Ngumiti si Mona. "True! Life is short kaya sulitin na natin ang mga oras sa mga taong gusto nating makasama!" She laughed.

Para hindi ma-OP si Mona, kinwento na rin ni Frieda sa kan'ya ang mga kinwento ko kaya naman may round two pa talaga ang bawat tili at tawang malakas niya! Napapailing na lang ako.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago dumating ang professor para sa unang klase sa araw na 'to.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now