Kailan kaya siya titigil sa pakikipag-away?

At . . . kailan kaya ako titigil mag-alala sa kan'ya?

🎨

T

he following days, wala namang pinagbago. Parang hindi naman gumagaling ang mga sugat niya. Pakiramdam ko nga, nadadagdagan pa.

"Hindi lang kayo nagpapansinan, nagkagan'yan na 'yan. Feeling ko talaga, may gusto 'yan sa 'yo," mahinang bulong ni Frieda nang pumasok si Fierro sa loob ng classroom.

Ngumuso ako bago nagpatuloy sa pag-drawing sa sketch pad ko.

"'Wag ka ngang malisyosa! Basagulero lang talaga siguro siya kaya gan'yan. Hindi ako relevant sa mga galos at pasa niya. Wala akong kinalaman do'n, okay?"

Humalakhak siya bago sumandal sa inuupuan kasabay ng paghalukipkip. "Tingnan natin hanggang kailan n'yo matitiis ang isa't isa."

🎨

The next day, hindi siya pumasok. Ito yata ang unang beses na nag-absent siya kaya nangamba ako.

"Gago, hindi pumasok si Fierro! Buhay pa kaya 'yon?" rinig kong bulungan ng mga kaibigan niya pagbalik sa classroom after ng lunch break.

"Ewan ko, hindi naman din sumasagot ng tawag."

"Puntahan natin sa bahay?"

"Tanga, eh 'di tayo naman ginulpi n'on! Alam mo namang ayaw na ayaw n'on nagpupunta sa bahay niya nang walang pasabi."

Nangalumbaba ako at pinatuloy ang pakikinig sa usapan ng tatlong lalaki na kaklase namin.

"Arte talaga n'on! Solo lang naman niya sa bahay madalas, eh!"

Nagbuntonghininga ako bago isinubsob ang mukha sa desk.

Naiinip ako. Wala pa si Frieda dahil umuwi sandali. Si Mona naman, hindi na masyado sumasama sa amin dahil super close na sila ni Caleb. Wala tuloy akong ibang magawa ngayon kung hindi pakinggan ang bawat chismisan ng mga kaklase ko. Nagkataon pang si Fierro ang pinag-uusapan nila.

"Matindi yata laban n'on kagabi. Mukhang bugbog-sarado yung tropa natin."

Nagtawanan sila.

"Gago, imposible 'yon! 'Tang ina, sisiw na sisiw 'yon kay Fierro!"

Buong maghapon ko inisip yung pinagkukwentuhan nila. Hindi tuloy ako mapakali dahil pakiramdam ko, may kailangan akong gawin kahit na alam kong wala naman na dapat.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagkakaganito ako ngayon. It's not as if what we shared we're long enough for me to feel this way.

It was just a short time of midnight rendezvous . . . but it was special.

Sinampal ko ang sarili ko sa dahil sa huling naisip. Sabay naman na napalingon sa akin si Mona at Frieda na kanina ay tutok na tutok sa pakikinig sa discussion sa harap.

"Ano nangyayari? Bakit sinasaktan mo sarili mo?" nag-aalalang bulong ni Mona.

Umiling lang ako bilang tugon at sinenyasan siya na makinig na ulit sa prof.

Hanggang sa mag-uwian na, iniisip ko pa rin kung kumusta na ba si Fierro. Tulad ng nakagawian, nagkape na muna ako sa coffee shop at nagpalipas ng oras, pero kahit doon, naaalala ko pa rin siya.

Nitong mga huling linggo bago kami magkaroon ng alitan, siya ang kasama ko dito palagi. Ngayon na madalas mag-isa na lang ulit ako, nalulungkot ako.

Nang makauwi, nilibang ko ang sarili sa paggawa ng homework at  ilang book activities na matagal pa naman ang deadline. Naging effective naman ang paglilibang ko dahil hindi ko na namalayang dinner time na pala.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now