Chapter Thirty-three

20 1 0
                                    

Heartbeat

Lumipas ang tatlong linggo na mag-isa lang ako sa bahay.

I had no where else to go. No one else be with except from Manang Liz and Dian. Sila lang ang natira rito sa bahay simula noong dinala si papa hospital. Hindi pa rin sila nakakauwi hanggang ngayon, kahit sina Calli at Bea. I had no idea where are they staying, and so as Rhysand and his family.

They never got home too.

When I entered our house, I didn’t missed home because I realized it never felt like one. I didn’t missed my room, our garden, the expensive collections my parents used to buy. I didn’t missed anything… Without my sisters here, I really had no reason to stay.

Hindi ko alam kung sinasadya ng mga magulang ko ito. Na hindi muna sila uuwi dahil alam nilang nandito pa ako, or things might have gone worse in the hospital. I don’t know. Gusto kong malaman… gusto ko silang sundan, but I know I am the last person they wanted to see right now. I don’t want to cause any trouble anymore after what happened.

And I’m too tired… so tired that I didn’t to school or anywhere again.

Hindi ko rin matawagan si Rhysand. Naiwan ko ang phone ko sa apartment niya at ilang mga gamit ko roon. Sigurado rin akong naiwan rin niya ang mga gamit niya roon. I would’ve go back there if only I have money. Pero wala… Hindi ko na rin kayang lakarin pa iyon dahil masyadong malayo.

“Hija?”

Naalis ang tingin ko sa natutulog na si Dian at napabaling kay Manang Liz. I smiled at her and arranged Dian properly inside her crib before standing up. “Bakit po, Manang? Kailangan niyo po ba ng tulong sa pagluluto?”

Napangiti siya bago mahinang umiling. “Wala akong kailangang gawin mo, hija…” mahina niyang tugon. “Sasabihin ko lang sana sayo na aalis na kami mamaya…”

I slowly nodded at her. My mother instructed her last week to leave the house today. Susunduin sila ng driver mamaya kasama ng mga gamit na kakailanganin nilang dalhin. Ilan araw rin ang kanilang pag-iimpake at wala akong kung hindi ang tulungan lang siya. Noong una akala ko kasama ako noong sinabi niya sa akin, but it turns out mama never mentioned about me to come. I just accepted that fact.

“Malaking eskandalo ang nangyari dito, hija. Kaya siguro ayaw pang bumalik ng mama mo sa village… P-Pero huwag kang mag-alala! Kakausapin ko siya agad kapag nakarating na kami… sasabihin kong magpapasundo ka rin…” she tried and smiled.

I didn’t felt any hope, but I appreciate what she said. “Thanks, Manang...”

She folded her hands before coming to me. Binuksan ko ang mga braso ko at sinalubong ang kanyang yakap. Naramdaman ko agad ang pamumuo ng mga luha ko nang dahan-dahan niyang sinuklay ang buhok ko. Her small gesture made an immediate impact to me. Comfort… Something I rarely feel inside this house.

“Pakatatag lang, ha? Matatapos din ito,” saad niya.

“Manang?”

“Bakit, hija?”

I hugged her tighter. “Salamat po. Salamat sa pag-iintindi sakin at sa lahat. Salamat sa pagtulong sakin, Manang…”

“Aria, hija…” hinarap niya ako at marahang inalis ang luhang kumalas mula sa mata ko. “Ako nga itong dapat na magpasalamat sayo… Parati ka kasing nandiyan para sa akin.” Mahina siyang tumawa. “Alam mo, parati kong ipinagdadasal na sana malalampasan mo ang lahat ng ito. Dahil tama naman ang sinabi sayo ni Calli… Walang anak ang gugustuhin na maranasan ito.”

“Pero sa kabila ng lahat, namamangha pa rin ako… Dahil sa kabila ng lahat, nanatili ka pa rin bilang si Aria. At alam kong hindi ka nagrebelde o gumawa ng kahit anong ikapapahamak mo. Sadyang mapanghusga lang talaga ang mundo, hija…”

Platonic Hearts (Compass Series #1)Where stories live. Discover now