Chapter Twenty-four

23 1 0
                                    

Walk away

Xavier’s Hospital was not that far, but not that near for a walk also. It was the name of the hospital where Dian was taken. Si Manang Liz na mismo ang nagtext sa akin nito dahil wala pa ring may binabalita sa akin si mama tungkol dito hanggang ngayon. And I don’t think she plans to let me know about this… dahil pinagbubuntungan pa ako ng lahat ng galit.

It’s currently 10 in the morning. Sigurado akong nakapasok na si Rhysand sa school at may klase na. Sigurado rin akong nasa trabaho na si papa… So as my aunts and uncles, and my sisters that probably went with them in the hospital. But for my mother, I’m not so sure. I just hope that she is or she’s somewhere basta huwag lang sa hospital sa mga sandaling ito. I really want to see Dian… I want to see my baby sister. I wanted to know her condition and what exactly happened.

At si Manang Liz lang ang tanging malalapitan ko ngayon. Bukod sa pangalan ng hospital ay wala na siyang iba pang nabanggit. And I could only hope that she’s there with Dian right now.

I didn’t bother texting Rhysand where I’m going. Pinagsabihan na niya ako, but like what I said before, this is between me and my family. Him stepping in last night is already a bad move, not only to my parents but to his too if they knew. Hindi ko na siya gustong manghimasok pa.

I understand his concern. I’ve always appreciated that in him. But this is overstepping, and I want to fix this my way. Kahit na hindi ako sigurado kung magagawa ko nga ba iyon sa pagkakataong ito.

Kabado akong tumapak sa loob ng hospital. I asked for my sister’s name in the nursery station and immediately found her room. Naka-private siya at under monitoring pa. Sumikip ang dibdib ko. Pumasok sa isipan ko lahat ng mga sinabi sa akin ni mama sa tawag niya noong araw na ‘yun.

Dian… almost lost her breath.

“Maraming salamat po…” I thanked the nurse before rushing inside the elevator.

I bit my nails while waiting for the elevator door to open. Bawat patak ng floor number ay mas lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa oras na bumakas iyon ay napahugot nalang ako ng hininga at walang tigil nang lakad papunta sa kwarto ni Dian. Halos takbuhin ko na ang daan papunta roon. I started gasping for no reason as well.

Room 206... 207... 208...

I counted in my head every room I passed by until I reached room 210. Tumigil ako sa harapan ng pinto at halos bumagal ang paghinga ko nang makita ko ang mukha ni Dian.

There was a small glass window in the door. Mukhang nakalimutang ibaba ang kurtina mula sa loob at magagawa ko pa ring maanig siya mula rito sa labas. She's sleeping on her little, hospital crib bed. There was a tube on her nose where the oxygen might enter. Bakas rin ang pag-iiba ng kulay ng balat niya. She looks pale, but her lips remained reddish. May mga marka rin ng syringe ang iba't ibang bahagi ng braso niya.

I grabbed the handle of the door. Balak ko na sanang buksan iyon nang bigla nalang iyong kusang umawang. Sumalubong sa akin ang hindi maipintang mukha ni Manang Liz.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang sobrang matamlay. She has dark circles beneath her eyes. Sabog ang buhok niya at nangangayat na ang pangangatawan.

"M-Manang Liz? Anong nangyari sa inyo?" Nanginig ang boses ko. Umangat ang pagod niyang tingin sa akin at parang doon na lamang natauhan. She shut the door behind her and pulled me on the side. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at unti-unting gumuhit ang ngiti sa mukha.

"Aria! Naku po... K-Kamusta ka? Saan ka nakatira ngayon? Nakakakain ka ba ng maayos? Naku! Sobra akong nag-alala sayong bata ka!" She pulled me for a hug. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko at mariing napapikit. Niyakap ko rin siya pabalik.

Platonic Hearts (Compass Series #1)Where stories live. Discover now