Chapter Seven

27 2 0
                                    

Wet

Kinabukasan ay bumagsak ang malakas na ulan. I didn’t bother to wait for Rhysand because I’m in a rush. May group acitivity na nakalimutan kong i-consult sa mga kasama ko. I barely check my phone kaya ngayon ko lang ulit naalala ito.

“Hello, Veronica? Oo, nagbabantay na ako ng jeep. Dala ko na rin ang mga materials. Nandyan na ba ang lahat?”

I struggled c arrying my bag and the materials while holding my phone. Itinaas ko pa lalo ang payong ko habang nakatayo sa kilid ng kalsada para magbantay ng jeep. Malakas ang buhos ng ulan kahit wala namang may ibinalitang may bagyo ngayon. I just hope hindi ganun kabasa yung mga materyales na gagamitin naming mamaya.

“Nandito na yung karamihan. The rest are on the way pa lang daw…” Tumahimik ang kabilang linya. “Gusto mo bang abangan ka namin sa gate? We’ll help you with the things.”

“Sige. Kung okay lang sa inyo… Thanks, Veronica.” Nahihiyang sambit ko at pumura na ng sasakyan.

“Welcome, Ari! We’ll wait for you nalang.”

Binaba ko na ang call at nagmadaling pumasok sa jeep. Pahirapan ang pagpasok dahil sa mga dala ko at may karamihan na ang mga tao sa loob. Kaya gusto ko ng mas maaga pang umaalis eh. Hassle ang pagco-commute kapag lumabas na ang araw.

The ride didn’t take that long to school. Mabuti nalang din at hindi pa masyadong traffic. Mabilis akong bumaba sa sasakyan at tumakbo nalang papasok sa gate namin. I didn’t bother to open my umbrella dahil malapit lang naman. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mabasa ng ulan.

“Oh, hija? Ang aga pa ah?” pinagbuksan ako ng guard ng pintuan.

I nodded him thanks before running inside. Dumiretso agad ako sa bench ng gate para sumilong. I placed everything I carry there before checking my phone. Bahagya ko ring pinaypayan ang sarili para mabilis na matuyo. Nasaan na sina Veronica? Naunahan ko pa sila rito?

Napailing ako at sinubukan ulit siyang tawagan. Kumunot ang noo ko nang hindi niya ito sagutin. Kapag naglakad pa ako na dala-dala ang lahat ng mga materials, mababasa na talaga ang mga ‘to. I can’t carry them alone to our building.

“Hey,”

I jumped when someone poked me on the shoulder. Napasapo ako sa dibdib ko bago napahinga ng maluwag nang makita ang mukha ni Ashen. His wearing his usual uniform and a jacket. May bitbit siyang paying at bag ng laptop sa isang kamay.

“Morning.” I greeted him. Hindi ko na dinala ang ‘good’ lalo na’t umagang-umaga ay mukha na akong basahan.

Umupo ako sa bench. I left Veronica a text and I hope she would respond immediately. Dadagsa na ang estudyante rito mamaya kapag nagtagal pa ako.

“Wala ka bang payong?” seryosong tanong niya.

“Meron.” I showed him my broken umbrella then smiled upsettingly. Tinupi ko ang mga braso ko at walang tigil sa pagpaypay sa sarili. Nasaan na ba kasi sila?

“Mas mabuting nagpahatid ka nalang. May sasakyan kayo diba?” tumambay siya sa harapan ng shed. He stood their calmly despite the strong storm.

“Full capacity na.” I reasoned out. “Are you just going to stand there? Nababasa ka na oh.” Turo ko sa jacket niya na nababasa na rin.

He looked down on his jacket then chuckled. Tumingin-tingin siya sa paligid bago humakbang papasok sa shed. Kumunot ang noo ko.

“Hindi ka pa ba pupunta sa building niyo?”

“Hindi pa. It’s too early. Wala akong gagawin dun…” pinagmasdan niya ang mga gamit ko. “Do you need help with those?”

“H-Huh?” gulat akong napatingin sa kanya bago sa mga gamit na dala ko. “No… Huwag na. Hintayin ko nalang umupa ang ulan.”

Platonic Hearts (Compass Series #1)Where stories live. Discover now