Chapter Eight

20 1 0
                                    

Will

"Okay na po ba siya, Miss?"

Nagmadali akong lumapit sa nurse nang lumabas na siya sa kwarto kung saan pinasok si Ashen. Kanina pa ako hindi mapakali sa upuan. Who would've been calm anyway? Kilalang-kilala ko ang binangga ko sa aksidenteng ito!

"Ayos na siya. Pero nag-insist pa rin si Doc na magsagawa ng X-ray sa tuhod at braso niya just to make sure. Ano ba kasi ang nangyari sa inyo?" She asked before gazing down on my uniform. Puno na rin ito ng dumi at putik dahil sa pagbagsak namin kanina.

"You got scars on your arms too. Gaano ba kalakas ang pagbagsak niyong dalawa?"

Napayuko ako. "P-Paakyat na po sana kami sa building... Pero nadulas po dahil sa mga d-dala ko..."

The nurse folded her arms in front of me. "Surely, both of you missed your first classes already. Pero matanong ko nga... Paano napadpad ang anak ng may-ari ng school na 'to sa building mo? Madulas nga ang daan roon so I'm assuming he fell because he wasn't familiar of the place. But why did he go there tho?" She even leaned closer to me.

This is what I dislike about the medics and nurses we have here. Hindi ko alam kung necessary pa ba sa insidente ang mga impormasyong ito. Hindi niya man lang ba ako tatanungin kung paano nangyari ang aksidente muna?

"Aksidente po ang nangyari..." Naibulong ko nalang.

I feel so drained to even explain. Una sa lahat, wala na akong may ihaharap na mukha sa mga kaklase ko dahil hindi ko na naidala ang mga materials sa kanila. Nasira ko pa. Sa mga oras na ito, our time is over for the presentation I'm sure. I've been sitting here for almost an hour. Hindi ako nakapasok sa unang subject namin... which us yung may quiz pa. And I'm not sure if our prof would give me a chance to retake that...

Napaupo ako pabalik sa waiting area. I pressed my bag against my chest. Para akong mapapaiyak ng wala sa oras nito. Mabuti sana kung yung mga materials lang yung hindi nakaabot. But the fact that I missed an exam... was entirely a huge deal for me. Hindi ko alam kung papasa pa ba yung grado ko kapag hindi ako nakakuha nun.

"Well!" The nurse shrugged at me. She tapped her pen on the folder she's holding then pointed at the room. "Siya nalang tatanungin ko kapag nagising na..."

"Pwede na po ba akong umalis?"

Bumagsak ang mga balikat ko nang umiling pa rin siya. "Huwag daw muna sabi ni Doc. I think she'll have a word with you pa..."

"Can I at least have a excuse note?" Pagsusumamo ko sa kanya.

Tumango siya at may kinuha sa loob ng folder niya. She handed me a small slip. "Papirma ka nalang kay Doc pagkatapos niyong mag-usap. Make sure you'll have two signatures, ha? Dito at dito..." Turo niya sa mga linyang kailangan kong papirmahan.

I nodded, somewhat feeling at ease because of the slip she gave me. Salamat naman at may ganito. May excuse ako sa prof namin. He might give another chance to take the exam. "Maraming salamat po..."

"Hindi mo na ba titignan ang... kaibigan mo?"

I eyed the door of the room before shaking my head. "Hindi na po."

"Are you sure? He seemed to be asking for you a while ago."

Umiling ulit ako. "Huwag na po. Salamat..."

I don't want to see him. Pagkatapos ng nangyari, binalalaan ko na ang sarili ko na hindi na siya gagambalain pa. As much as possible I wouldn't go near him. I should've not in the first place.

The nurse shrugged at me before walking away. Pinagsaklop ko ang mga kamay ko at tahimik na naghintay kay Doc. After this, kailangan ko pang makahabol sa lessons at sa quizzes. I need to apologize to my classmates too.

Platonic Hearts (Compass Series #1)On viuen les histories. Descobreix ara